Ang simula ng trabaho ko ay naging daan para makalimutan ko ang nasaksihan ko noong unang araw. Makalipas ng ilang araw ay pinilit kong kalimutan ang nakita ko para makapagsimula na rin ako ng para sa akin lang. Kasi kung alalahanin ko pa ang nakalipas na nangyari sa akin ay walang magbabago dahil nakalipas na yun, hindi ako pwedeng bumalik dahil imposible na.
Ngayong Martes sa Martinee Manila branch ay ako lang muna ang namahala dahil wala ang area manager. Sales manager lang ako at hindi ko problema ang ibang bagay pero nakiusap sakin ang area manager na malelate siya ng dating dahil dadalhin ang anak sa hospital dahil may lagnat. Pumayag naman ako dahil bata ang pinag-uusapan, yung kalusugan ng bata ang importante kaysa sa trabaho.
Bumalik ako sa opisina ko para magfinalize para sa liquidations na gagawin.
Ilang oras akong nasa loob ng opisina hanggang mag-alas kwatro ng hapon, saka lang ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Pagtayo ko ay ininat ko ang aking likod at minasahe ang aking batok. Pati ang puwetan ko ay masakit dahil sa ilang oras akong nakaupo.
Sumilip ako sa labas ng bintana at sumalubong ang nanlilisik na sikat ng araw ng panhapon. Kahit alas kwatro na ay mainit pa rin sa labas. Mabuti nalang at air-conditioned ang opisina ko kaya maayos ang buhay ko sa loob pero masakit naman ang ilang bahagi ng katawan ko dahil sa kakaupo.
Linigpit ko na ang mga gamit ko, linagay ko lang muna sa drawer ang nakafolder na mga natapos na paperworks, nilock ko ang drawer at pinasok sa loob ng laptop bag ang laptop ko. Pagkakuha ko sa bag ko ay naglabas din ako ng susi para ilock ang opisina. May mga security cameras naman sa hallway sa labas ng mga opisina pero para secured ay mas mabuting ilock din ang office dahil hindi rin mapapagkatiwalaan ang camera dahil pwedeng ibura ang footage ng kung sino man.
Lumabas ako at pumunta sa bodega. Sumilip ako doon, hindi na ako nagtangkang pumasok dahil isasara narin yun maya't-maya pagkatapos ng work hours. Sinilip ko si Harry na busy sa pagtulong sa pagbuhat ng bagong furniture na nagawa. May bandages ang kanyang dalawang kamay dahil nagkasugat kasi yun kahapon. Ewan, parang may iniisip siya noong time na nagtratrabaho kaya hindi niya namalayan na nasugatan siya. Pagdating namin dito sa syudad ay talagang nagdulot ng masakit na pakiramdam.
Naaawa ako kay Harry. Naaawa din ako sa sarili ko dahil kumakapit parin ako sa alaalang nalimot na ng taong mahal ko. Kung siya ay nagbago at umabante, kailangan ako din... dahil hindi permanente ang buhay. Kailangan ay hindi ako umatras at bumalik sa nakaraan dahil wala na akong babalikan pa.
Hindi na nakapagpaalam kay Harry dahil may ginagawa pa siya. Uuwi din yun sa bago niyang inuupahan, nag-upa lang siya dahil may nakatira na sa bahay niya. Yung tiyahin niyang mahilig manlait sa kanya ay yun na ang nakatira sa bahay niya. Kung ako kay Harry ay tiniris ko na yung tiyahin niya, pero ayaw niya dahil ayaw niya ng gulo at may iba din siyang rason. Kung ano man yun ay wala na akong pakialam dahil hindi naman sinabi sa akin ni Harry. Naghihintay lang naman akong sabihin niya sakin yun kaysa magtanong ako dahil parang ayaw niyang pag-usapan ang problema niya.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa wet market dahil gusto kong magluto ng preskong isda at gulay. May nirentahan akong kotse. Kapitbahay ko lang ang may-ari dahil tatlo ang kotse niya at hindi nagagamit yung isa dahil yung isa ay sa asawa niya kaya nirentahan ko nalang. Monthly ako nagbabayad dahil yun ang pinag-usapan namin.
Nasa kanto palang ako papunta sa building ng apartment ko ay may naanigan akong anino ng tao na nakatayo sa harap ng kotse niya. Hindi ko maanigan yung mukha dahil nakatago siya sa poste ng ilaw at parang nakakatakot dahil yung mukha lang ang hindi makita, hanggang sa napadaan ako sa kanya dahil nasa gilid naman siya ng kalsada.
Sinubukan kong silipin ang kanyang mukha pero wala akong nakita. Hindi pa naman tinted ang salamin ng kotse kaya pagdaan ng kotse sa kanyang harap ay hindi na ako umusisa pa.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...