Papasok sa apat na sulok na silid-aralan
Umagang kasing parehas lamang ng mga araw na nagdaan
Walang pinagbago't walang ganap
Silid-aralang walang aliw at hindi mahagilapDiskusyon sa pang-araw-araw na nakakasawa
Walang maintindihan pero pag-aaral ang tunay na sadya
Nang sa kinauupuan ko ay may bigla akong nahagip
Isang dilag na abot tenga ang ngiti at nakapagpawala sa aking inipHindi inaasahang mabihag ng isang dalagang kay kwela
Hindi inaasahang sasaya pa ang tulad kong maraming problema
Na sa pag-aakala kong hindi na ito mabibigyang solusyon
Yun pala'y ngiti mo lang ang makakapagbigay kaluwagan sa aking tensyon
BINABASA MO ANG
Tula at Mensahe.
PoetryMga letrang pinagsama-sama upang mensahe ay iparating. Mga mensaheng nais iparating upang maintindihan ang damdamin. Masaya man o malungkot... Ginhawa man o kirot...