SA TABI NG DALAMPASIGAN, PAG-IBIG AY UNANG NATUKLASAN

2 0 0
                                    


Ang araw at dagat ay nag-iisa tuwing nandiyan ka
Ang mainit na bugso ng iyong damdamin ay nakakahawa
Pati na rin ang alon ng dagat na sumasabay sa pag tibok ng iyong puso
Ay tunay na ako'y nadadala't nabighani sa tunog nito

Kapag nasa tabi mo, alon ay kumakalma
Kapag nariyan ka, init ng puso'y lumalala
Hindi na matukoy kung tuluyan na ngang naging tuliro
Isa lang ang natitiyak ako— ito'y nangyayari dahil sa iyo

Bawat galaw mo'y nakakawili
Bawat himig ng iyong tinig ay nakakabighani
Bawat mga ngiti mo'y nakakaadik
Ano nga ba ang ginawa mo sa akin at ako ngayon sa yakap mo'y sabik?

Tula at Mensahe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon