TANTO

1 0 0
                                    


Tatlong hakbang patungo sa hinaharap na aking nais
Limang hakbang paatras papunta sa nakaraang ramdam pa ang iyong akap
Pinipilit hindi lingunin ang kahapong nagdaan na kasama ka
Pinipilit limutin mga pangyayari't ala-ala

Tinitingala ang kalangitan na punong-puno ng katanungan
Pagkatapos nama'y titingnan ang lupang nagbaon sa kirot at kahibangan
Kabilang na rin ang saya, poot, at galit
Dahil hindi magawang ika'y ipagpalit

Kaya ngayon...
Kaya ngayon akoy naghihirap harapin ang aking kinabukasan
Dahil lahat ay malabo sapagkat akoy iyong nilisan
Lahat ng ito'y aking napagtanto nang ako'y niyakap ng kalungkutan

Tula at Mensahe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon