Kabanata 17

6.6K 126 9
                                    

Kabanata 17

Home

"Oh, so she is the mistress? Ang kapal naman ng babaeng niyan!"

"Hindi niya ba kilala si Rowanna Alfonso? Iyon pa talaga ang kinalaban niya ha!"

"Palibhasa Villiones kaya laki ng ulo!"

Sumisikip ang dibdib ko habang binabasa ang mga comments sa isang headlines ng news sa social media. Doon ako inaatake ng mga basher. Ang kapal ng mukha nilang pagsabihan ako ng ganoon! Kung kaharap ko lang sila, baka pinaghahampas ko na ang mga mukha nila! I read some comments again.

"Hindi naman nangalahati kay Rowanna yan e! Maganda lang pero walang kayamanan na katulad ni Rowanna."

"Look at that bitch, ganyan talaga ang mukha ng mga kabit, mga palaban!"

"Mabuti nalang talaga at hindi business partner ng negosyo nila ang Alfonso Corporation. Mukha pangit ng ugali nitong anak ng magnate na si Therome Villiones."

Mas lalo akong nagalit dahil pati si Daddy nadamay dito. Anong kinalaman ni Daddy para sabihin nila 'yon! Kung kaharap ko lang 'tong hampaslupang nag-comment baka sinampal ko na gamit ang mamahalin kong kamay. Habang nag-scroll, napanganga ako ng makita ang reply ni Olivia sa mga basher.

Olivia: At least, maganda at mayaman. Ikaw? Kumusta ka naman? Mukha lang unggoy na hindi nakakain ng saging!

Olivia: Hoy mukhang pwet ng kabayo, anong pakialam niyo sa buhay niya ha!? Bakit may ambag ba kayo? Mga tsismosa na nga, bobo pa!

Olivia: Don't worry, mas maganda si Sharina Nikolina kaysa sa pinagtatanggol niyong Rowanna Alfonso na 'yan!

Olivia: Ay teh, sino ka dyan? Lakas mong manglait mukha ka namang tae!

Napanganga ako sa mga reply ng kaibigan ko. Shit, she really defend me! Marami pang mga masasamang komento para sa akin ngunit hindi ko nalang binasa lahat kasi nasasaktan ako. Ang laki palang issue nito sa mga negosyo nila! Akala ko hindi aabot sa ganito ang ginawa ko kagabi.

Nadamay pati ang negosyo nila dahil sa pagiging brat ko. Malala pa'y nag-back out ang mga business partners nila. Ano ba naman kasing kagagahan ang ginawa ko! I feel so insecure last night. Sobrang nanliliit talaga ako para sa sarili ko kaya nagawa ko 'yon. Oo, hindi pa ako katulad ni Rowanna na may natapos, magiging tagapagmana ng negosyo nila at matanda na pero alam kong dadating din ako doon!

Alam kong wala akong binatbat sa mga babaeng nali-link sa kanya kasi puro mayayaman, tapos ng pag-aaral, may degree at nasa tamang edad na pero may pangarap naman ako sa buhay ha! I want to become a successful woman someday! I want to pursue my dream! Kaya nga nagpapakahirap akong mag-aral kahit hindi katulad ni Kuya Willan at Kuya Gavriel na matatalino.

I'm trying to be part of their world! I'm trying to be like them! I'm trying my best but last night, it slap to my face that I am nothing. Anak lang ako ni Therome at Marguz. Isa lang akong Villiones pero wala namang alam sa kahit ano.

Ang hirap maging katulad nila. Ang hirap pumasok sa mundo nila. Ang hirap magpumilit kasi alam kong mahihirapan ako kapag pinagpatuloy ko pa. Alam kong hinding-hindi ako magiging katulad nila. Rowanna is a successful woman. She is the standard that Tito Tajik wants for Tarius.

Tito said on the text that Tarius must marry Rowanna because she is successful, she is the standard, she is the one that his father wants for him. Samantalang ang sabi niya sa akin, isa akong brat na babae. That I will never be good to his son. What a word!

Mabilis kong pinalis ang luha dahil nagiging emosyonal ako. Hindi ko matanggap ang mga bash ng mga taong wala namang alam totoo kong buhay. Ang bilis nilang kumutya pero hindi naman nila alam ang buhay ng taong kinukutya nila. Tama talaga ang sinasabi ng iba, mas masahol pa ang tao kaysa sa hayop.

Napatingin ako sa daliri, kumunot ang noo ng makita ang kumikinang na isang singsing doon. Ano 'to? Bakit may suot akong singsing? Ngayon ko lang talaga ito napansin! Sinuot ba 'to ni Tarius sa akin? Oh my gosh! Hindi ko manlang namalayan!

"Wag na wag mong papasukin ang ginagawa ko, Papa. This is my life. Kung ano man ang pipiliin ko, iyon na 'yon! Respect it as I respect you as my father." Tarius said enragely.

Nasa banyo siya at rinig na rinig ko ang pag-aaway nila ni Tito Tajik. Pagkagising niya, agad na tumawag si Tito kaya naiwan akong nasa terrace at pinagmamasdan ang dagat.

"Don't you dare call her like that, Papa! Hindi ako magkakamaling talikuran ang lahat kapag may gawin kang ikasisira namin." nakamamatay niyang sabi.

My heart trembled. Hindi ko akalain na kakausapin niya si Tito Tajik ng ganoon. I know he respect his father so much! Way back, he didn't shout or curse his father but now, I can sense his anger. Dahil ba ito sa akin? Nag-aaway sila dahil sa akin? Dahil sinabi ni Tito Tajik na hinding-hindi ako makabubuti sa kanya. Kaya ba nagawa niyang lumaban sa kanyang ama dahil sa akin?

Iyon ba ang dahilan ng pag-aaway nila? Kung iyon nga, hinding-hindi 'yon mabuti. I will ruin their relationship. I will ruin what they have to each other. I will ruin his respect for his father. Hindi ko alam na ganito pala si Tarius kapag nagmamahal, kinakalaban ang kahit sino.

"Hello. Yes, let them pulled out their fucking stocks! Wala akong pakialam sa kanila! Wala akong pakialam sa Alfonso Corporation na 'yan! Kung sino ang mananatili, iyon ang hahawak ko!" he said deadly on the phone again.

This is not good. Masisira ang company nila dahil sa akin. Shit, because of my stupid jealousy and insecurities everything will destroy him! His name, his wealth, their business, and his reputation will be ruin because of me! Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya ng dahil sa akin!

One think I should do, stop this! I should stop this before everything ruin him. I should stop our connection before I destroy his name. Tito Tajik is right, I'm no good to him. I will be his burden. I will bring him down. I will destroy everything he pursued.

"Baby, are you hungry? You want to eat our breakfast on the beach or here?" Tarius in his melodious voice.

I shook my head. Tinignan ko siya ng malamig sa mga mata. Kumunot ang kanyang noo bago lumapit sa akin.

"I want to go home." I said coldly.

"But baby, we still have days here. You didn't like the resort? We can move to another resort here." malambing niyang sabi sabay balot ng katawan sa akin.

I pushed him. Kumunot pa lalo ang kanyang noo habang pinagmamasdan akong lumalayo sa kanya. Malamig pa rin ang anyo ng mukha ko.

"Gusto kong umuwi, and that's final." sa walang emosyon kong sinabi.

He sighed heavily. Tinitigan niya pa ako bago tumango at ngumiti ng marahan sa akin. Don't be like that, Tarius! Mahihirapan akong pakawalan ka kapag maging ganyan ka sa akin!

"Alright. Let's go home."



---
© Alexxtott

Chasing Series 1: Taming Wild Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon