Unang Dilim

10 0 0
                                    

UNANG DILIM

IRIS POINT OF VIEW
PUNO ng takot ang buong katawan ko habang hinahawid namin ang mga sanga.

Nakakatakot.

"Guys bumalik na tayo sa camping site guys kita niyo naman magtatakip silim na." takot kong sabi sa kanila.

"Ano ka naman Iris matatakutin ka naman." tukso naman sakin ni Zephie.

"Alam niyo ayon kasi sa nakita ko sa internet puno raw ng misteryo ang kagubatan na ito. Wooo." bigla nalang nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Zircon.

"According to my source marami nang tao ang umikot dito at hindi na nakauwi." dagdag naman ni Zephie.

Mas lalo akong natakot.

"So ano yun? Kumakain ng tao ang gubat na toh?" tanong naman ni Renzer.

"Guys bumalik na tayo. Dumidilim na." takot namang mungkahi ni Rylie.

"Oo nga naman. Bumalik na tayo. Nakakatakish na here." maarteng sabi ni Vince.

Vince sa umaga, Vice sa gabi.

"Osige bumalik na tayo."

Sabay-sabay naman kaming bumalik.

"Dumidilim na gumawa na tayo ng bonfire mga bakla." sabi naman ni Vince---- I mean Vice since gabi na.

Nilagay na namin sa gitna ang nakolekta naming kahoy at sinindihan namin ng posporo.

"Ito guys kumain na tayo." binuksan ko naman ang cup noodles na binigay sakin ni Zephie.

"Hmm ang bango." at hinigop ko naman ang sabaw ng noodles.

"Guys mauna na ako sa tent hah. Tulog na ko." humikab naman si Zephie at pumasok sa tent.

"Ako rin sis." sabi naman ni Vince at pumasok narin siya sa kanyang tent.

Kami nalang ni Zircon, Renzer, at Rylie ang naiwan sa harap ng bonfire.

Kinalabit ko si Rylie.

"Hmm?"

"Pwede mo ba isearch kung ano ang kwento sa gubat na yun?"

"Anong gubat? Yung gubat bang inikot natin? Yung Gubat Ng Dilim?" tanong niya.

"Gubat Ng Dilim?" curious kong tanong.

"Oo. Yun ang Gubat Ng Dilim kasi kahit na sobrang sikat raw ng araw madilim parin ang gubat." pag-explain naman ni Renzer.

"Oo. Ang sabi raw ng mga matatanda na may misyeryong lagusan raw dito papunta sa ibang mundo..."

"Weh?"

"Ito guys na search kona."

"Anong lumabas?" tanong ko.

"Ito guys isang kwento about sa Gubat Ng Dilim or Forest Of Darkness."

Tumabi sakin si Zircon at katabi niya naman si Renzer.

"So habang nagcacamping sila ng kaibigan niya ay parang kakaiba na raw ang presensya ng gubat na ito sa kanila."

"Parang may mga tao sa paligid pero wala naman. May mga boses silang naririnig pero wala namang tao."

"So habang gumagawa sila ng bonfire parang may kaluskos silang narinig. Tiningnan nila ito pero wala namang tao."

Nanginig ako sa takot.

"Patuloy parin nilang naririnig ang mga kaluskos kaya tiningnan nila ito. Kita pa nila ang liwanag ng araw kaya naglakad sila para tingnan ang kaluskos."

Baryo Ng DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon