Ikaapat Na Dilim

3 0 0
                                    

IKAAPAT NA DILIM

IRIS POINT OF VIEW
PAUWI na kami at takang-taka parin ako kung pano koba yun nagawa.

Gulat na gulat parin ako sa nagawa ko.

Pinagtitinginan ako nang mga tao ngayon.

Parang ba ngayon lang sila nakakita nun.

"Inay Rosalinda. Tila'y may kasama kang diwata?" tanong nung driver ng kalesa.

"Hindi ko pa alam. Pero sa tingin ko rin iho."

"Teka. Ako po ba ang pinag-uusapan ninyo po?" tanong ko.

"Oo iha. Tila ba ay sobrang lakas ng espiritong nakatago sayo."

Malapit na kami sa Baryo Ng Dilim.

Nasa harap na kami ng bahay at bumaba na nga kaming lahat.

"Salamat iho sa pagpapasakay samin papuntang Bayan Ng Del Dilim."

"Ayos lang iyon inay sige na po alis na ako."

"Sige iho mag-ingat ka."

Umalis na nga ang kalesa at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Nandon si Kevin na kumakain ng tinapay.

Kasama niya naman si Rolan.

"Rolan iho."

"Oh inay Rosalinda nandito na pala kayo."

"Guys tingnan niyo dumidilim na."

Tiningnan naman ito ni Inay Rosalinda.

"Rolan iho. Dito kana magpalipas ng gabi. Alam mo namang delikado kapag lumabas kang gabi."

"Opo inay Rosalinda."

"Ellie anak ipaghanda mo na sila ng banig na matutulugan."

"Opo inay."

Sinunod naman ito ni Ellie.

"Dito na kayo kasi alam niyo na delikado ngayon. Gabi-gabi gumagala na itim na espirito."

"Sige po."

Sinira ni inay Rosalinda ang pinto at nagsign of the cross sa harap ng pinto.

Sinira niya ang mga bintana at nagdasal.

"Hali na kayo mga iho at iha at tayo'y kumain."

Nilagay nila ang mga pagkain sa hapagkainan.

Kumuha ako ng plato at kutsara.

Kumuha na rin ako ng kanin at ulam.

Susubo na sana kami ng pagkain nung bigla naming nakita si inay Rosalinda na nagdadasal.

"Inay Rosalinda? Bat ka po nagrorosaryo?" tanong ni Rylie.

"Bilang proteksyon sa atin lahat."

"Dinadasalan muna ang hapunan para hindi ito magkaroon ng lason mula sa masasamang espirito."

"Dahil gabi-gabi gumagala na ang mga ito. Lahat ng gusto nilang papatayin. Pinapatay nila. Lahat nga gusto nilang lasunin. Lalasunin nila."

Nakakatakot naman.

Tapos nang magdasal si inay Rosalinda at nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain kami ay biglang may narinig kaming kung ano.

"HAAAAAAAA. HAAAAAAAAAA. HAAAAAAAA. HAAAAAAAA." nagsitaasan ang mga balahibo ko.

"Ano yun?" tanong ni Vince.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baryo Ng DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon