Ikalawang Dilim

3 0 0
                                    

IKALAWANG DILIM

IRIS POINT OF VIEW
MAAGA akong nagising. Kaya agad akong lumabas.

"Uy Iris nandito kana. Magbihis kana at kumain ka narin. Aakyat tayo sa bundok!"

"Hah? Bat naman tayo aakyat sa bundok? Eh nakakatakot nga dun eh!" sabay kamot ko naman sa ulo ko.

"Wag kanang maarte sis. Alam mo kasi mamaya may magaganap na Solar eclipse."

Napalaki naman ang mga mata ko.

"At mas masasaksihan natin toh nang mabuti kung nandon tayo sa tuktok ng bundok."

Kumuha ako ng paper plate at plastic spoons at binigyan naman nila ako ng kanin at ulam.

"Girl kung minsan lang natin toh masasaksihan ang Solar eclipse." sabi naman ni Zephie.

"Kaya maya-maya pagkatapos mo diyan kumain ay aakyat na tayo agad para di tayo mahuli at para masilayan nating mabuti ang Solar eclipse."

Patuloy naman ako sumubo ng kanin at ulam ko hanggang matapos na ako kumain.

Nagsipilyo narin ako at nagbihis na rin ako.

"Oh sige na akyatin na natin ang bundok!" sigaw naman ni Vince.

"Hinaan mo nga ang boses mo vince baka maengkanto tayo dahil sayo eh." saway naman ni Rylie kay Vince.

"Uy Iris ayos kalang ba?" tanong sakin ni Zircon at napatingin ako sa kanya.

Tumango lang ako at tyaka naglakad na nga kami.

Bawat yapak namin parang kinikilabutan ako na para bang may mangyayaring masama.

At yun na nga.

Nasa tapat na kami ng Gubat Ng Dilim.

At ang mga kaibigan ko naman ay walang alinglangang pinasok ang Gubat Ng Dilim.

"Hoy Iris hali kana dito. Bilis."

Agad naman ako sumunod sa kanila.

Pagpasok palang namin ay randam kona ang masamang presensya nang kung ano na nasa paligid.

Sobrang dilim na aakalain mong gabi na.

Kaya kami naman ay kinuha ang mga flashlights namin at inilawan ang dinadaanan namin.

"Tabi-tabi po." mahinang bulong ko sa mga puno.

Dikit-dikit kami para walang maligaw samin.

"Wait lang guys parang naiihi ako." sabi naman ni Zircon.

"Oh dun kana sa may puno umihi." sabi ni Rylie sabay turo sa puno sa gilid namin.

"Hoy ano kaba Rylie bat ka turo nang turo. Kagatin mo ang daliri mo." utos naman ni Zephie kay Rylie.

"Ito na." kinagat naman ni Rylie ang kanyang hintuturo.

Nakabalik na si Zircon at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nabang naglalakad kami parang may narandaman ako.

Kilabot.

Napalingon ako sa likod ko kasi parang may sumusunod namin.

Di nalang pinansin kaya nagpatuloy na kami sa pag-----

Asan na ang mga kaibigan ko?!!!!!

"Zeph! Zeph! Zircon?! Vince?! Renzer?!! Rylie?!!!! Asan na kayo---" bigla akong napatigil sa pagsigaw nung biglang may---

*Skrt, Skrt*

"SINO YAN! INUULIT KO SINO YAN?!" pasigaw kong tanong.

Baryo Ng DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon