Matapos ang matagal na pakikipagsapalaran sa madilim na kakahuyan ay na natumbok ko rin ang bungad. Gula-gulanit ang damit, tuyo ang lalamunan, ubos laman ng tiyan, narating ko ang malawak na kapatagan. Sa itaas ay naroon pa rin ang obra ng may kapal, ang parehong kalangitan na pinapanood ko sa siyudad. Napakaganda niya pala kapag matagal mo na itong di nakikita.
Ako si Maynard, isang manunulat o isang aspiring writer, bente singko anyos. Iniwan ko ang opisina ko sa Publishing. Ipinagmayabang ko sa boss ko na mas magaling pa ako sa pinapaproofread nila sa akin. Patutunayan ko, maghintay kayo! Kaya dala lahat ng ipon at mga damit na presentable pa, iniwanan ko ang boarding house ko sa Maynila at naglayag sa Baguio. Ayon lang naalala ko. Ayun lang. Sa lahat ng ipinagmayabang ko ayun lang maalala ko...
"Maynard," tinawag ako ng isang aninong kumakaway sa di kalayuan. Hindi ko napansin na meron palang nagsisiga sa clearing. Lumapit ako sapagkat wala na naman akong mapupuntahan. Isang kawawang nilalang na nakakita ng tubig sa disyerto. Sa paglapit ko sa apoy ay tatlo pala ang pumapaligid dito. Naka-upo sila lahat sa pinatuyong troso.
"Akala namin di ka na darating," Tinapunan ako ng sandwich at lata ng beer. Wala nang pakundangan sa magandang asal, kinagat ko agad ang plastic wrapper at inubos ang pagkain. Ininom ko ang beer at naramdaman ko ang guhit nito mula lalamunan hanggang tiyan. "Easy lang, marami pa tayong foods," tinapik ng isang lalaki naka-sports jacket ang cooler na katabi niya. Alam niya ang pangalan ko at napakabuti nang turing niya sa akin.
Nahihiya kong tanong, "Kilala ba kita?" At sinarado ko ang kuwadradong pumapalibot sa apoy.
"Hindi, pero huwag kang mag-alala. Safe ka rito. Close lahat ng tulad natin."
"Ako si Alex, isang musikera, stage name: Alodia," ibinigay sa akin ng isang malaking lalaki ang kamay niya at kinamayan ko pero bigla niyang pinilit sa labi ko, "Enchante. Isa akong cabaret singer. Pumunta sa Baguio para sa soulmate. Dito ang lapag. Ang solo girl member na biological femme ay si Jes, isang..."
"Ako na," sumabat si Jes, "Isang pintor na linoko ng boyfriend dahil mas maganda pa raw pinipinta ko kesa sa akin. Five years down the drain. Sinayang lang oras ko ng ogag na 'yun. Pumunta sa Baguio para mag-soul searching..."
Binigyan ako ng isa pang beer ng lalaking di pa nagpapakilala. "At ako naman si Tony, isang filmmaker, pumunta sa Baguio dahil sa isang grant."
"Dito ang lapag." Dagdag ni Jes.
What are the odds? Isang musikera, pintor, filmmaker, at ako, isang writer, nagkikita sa gitna ng kawalan. A gathering of twenty somethings who threw their lives away to pursue their passions. Hamakin na ang lahat, makagawa lang ng obra.
"Ako si Maynard."
"At wala ka pang masyadong maalala maliban sa kagubatan na 'yun," Naaawang sabi ni Alex o Alodia? Him ba o her? Ang hirap ng mga pangalan at pronoun sa third gender.
"Alex na lang, kapag di ako naka-drag, lalaki ako, ayun lang, lalaking nagkakagusto rin sa lalaki."
Nabasa niya ang utak ko.
"Mahirap talaga lahat 'pag bago ka," sabi ni Jes.
Sabi ni Tony, "Pero don't worry. Dadali rin ang lahat eventually. Maalala mo ang lahat..."
"At sa wakas, yung pinakanakakatakot... maiintindihan mo rin ang lahat..." Malungkot na tinapos ni Alex ang pangungusap ni Tony.
Nanahimik ang tatlo at pinanood ang apoy, naglaro ang kahel na liwanag sa kanilang mukha. Halos magkaka-edad lang kami pero nakita ko ang pagod sa kanilang mga patay na mata. Kita ko ang pagod ng pagkatagal-tagal na paghihintay.
BINABASA MO ANG
Samahan ng mga Tegi
HorrorKung saan matutunan ng isang manunulat ang halaga ng mga kuwento. Patay o buhay, sama-sama palagi ang SAMAHAN NG MGA TEGI. Sa kailaliman ng gabi, nagtitipun-tipon ang mga batang makata. Lahat aspiring. Lahat gusto pang gumawa. Subalit hindi pa nga n...