Kuwento ni Alex/Alodia

9 0 0
                                    


Tuloy ang pagsayaw ng apoy sa kalagitnaan ng Samahan.

Tinaktak ni Tony ang yosi niya sa damo at tinapon ang upos sa sigarilyo. Saglit itong nagliyab at nabalot muli kami ng katahimikan.

Mamang naka-cap at leather jacket? Parang may naaalala rin akong ganoon. Sumakit ang ulo ko at inabutan na naman ako ni Jes ng alak.

"This is what we do, bro. We sit, we drink, and we tell stories... hopefully we remember. Hopefully, we understand."

"Sinong susunod?" Tanong ni Alex pero tumayo na rin na parang inaangkin ang entablado.

Kailangan kong makinig sa kanila. Kailangan ko rin maalala.

Nasa kakahuyan pa rin ako, halos walang maalala at nakikipagkuwentuhan sa mga patay. Natapos na ang kuwento ng filmmaker na si Tony na nahulog sa bangin. Suspetsa niya may kinalaman ang isang lalaking naka-leather jacket.

"Well, unlike Tony's death. Fabulous ang kamatayan ko. For one night, I was truly Alodia, truly a woman. Nagmahal ako, minahal ako."

"Sige na," sumingit si Jes, "Ituloy mo na sa kuwento." At uminom ito ng beer. Sa aming lahat parang siya ang tomadora. Sa kuwento ni Tony parang naka-tatlo nakaagad siya. Marami siyang gustong malimutan.

"Pero pag naalala mo na, di mo dapat malimutan."

"At tulad ng sabi namin dati, di nalalasing ang Samahan ng Tegi!" sigaw ni Tony.

"Do you want me to tell the story or not?" Galit na bulyaw ni Alex sa paraang di siya mapagkakamalang Alodia.

"Then behave, and listen."

KUWENTO NI ALEX/ALODIA

Siyempre, hindi ako tanggap ng parents ko. Sarado katoliko ba naman na nag-spre-spread-eagle habang naka-tape ang talong sa kantang Diamonds are a Girl's Bestfriend ni Queen Monroe. Di kami swak ng parentals. So pagkatapos ng college, humiwalay na ako at nagsarili sa isang apartment na walking distance lang sa cabaret slash comedy club na pinapasukan ko. Kargador by day, diva by night. Ako na yatang pinakamaskuladong nag-e-evening gown. I was happy living my simple life, at least I got to pursue what made me, me. But may kulang.

Love life.

I wanted to someone to hold me, love me, make me whole, and proudly scream to the world that I am his. Ayaw ko na ng pa-joke-joke sa cabaret sa straight na guests. "Where are you from, darling? Malapit lang? Malapit lang sa puso ko." Ba-dum-tsss. No one finds those kinds of jokes funny, napapahiya pa ang guest. I wanted something real. Kahit papaano A girl can dream, di ba?

And the day finally came. I met someone on social media. Say anything you want about online romance, but I really did fall head over seven inch stilhettoes over the guy. Older gentleman, brusko, deep dark eyes. Just my type! Tapos nagkilanlan kami over direct messaging.

Me: "Hi. You look good on your profile."

Him: "ASL?"

May edad na nga. Uso pa ba ang ASL ngayon?

Me: "I can be anything and everything you like, honey."

Him: "Gusto ko makilala ang tunay na ikaw."

Me: "Alex pag umaga. Alodia pag baba ng araw. Take your pick."

Him: "Alex o Alodia, tatanggapin kita, may make-up man o wala."

OMG! He was the man of my dreams. Rugged exterior pero gentle pag nakilala. Gusto niya raw makilala ang parehong ako. Tatanggapin niya raw ang parehong ako. And that's what I needed deep inside, for someone to accept me for all that I am.

Samahan ng mga TegiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon