KUWENTO NI JES
I hated people back then. I still hate people now, kasama kayo, pero ibang usapan yung hatred ko noon. I've never been one to open up pero naloko ako ng isang lalaki, we moved in together, started a small business, but eventually I found out that he was cheating on me everynight. Hindi pa siya natuwa sa ginagawa namin sa kama. He wanted girls, all types of girls, so kaya pala late na siyang umuuwi sa flat namin. Kung saang madidilim na sulok siya nagsusuksok ng ano niya. Ilang beses ako naligo pero I still felt so dirty. Ginamit niya ba yung labi niyang palaging nag-I-I love you sa mga babaeng bayaran, yung mga kamay na pinanyayakap niya, yung everything niya. I felt like a fool so I kicked him out and went dark on all my social media accounts. Pati yung cellphone ko tinapon ko sa basurahan kasama ng lahat ng regalo niya sa akin at ng five years naming magkasama.
Natakot akong hanapin niya ako or may gawin pa siyang masama sa akin so I went straight to a place where I or he knew no one. Alam niyo na naman siguro kung saan 'yun. This city is kind to its painters, kaya nakakuha kaagad ako ng matitirhan dahil sa college connections ko. 'Yung ilang painting ko binili agad ng mga cafe at self-brew pubs sa area so okay na ako sa pera. Lahat tayo naghanap ng fresh start at fresh life dito pero imposible pala.
A year ago, naubusan ako ng acrylic paint emeron akong comssion noon na malaki-laking painting. So I went to the mall. Nung mga panahon na 'yun natuto akong mag-make-up kahit simple lang--- lip gloss, face powder, at blush, honestly pakiramdam ko may kahit papaanong hidden trauma pa ako sa ginawa sa akin ng ex ko; I wanted to be enough, not that I'd take him back in, pero I wanted to be desirable again. Nag-smack ako ng lips sa mirror at sinabi sa sariling puwede na. Pero bago pa man ako makalabas ng bahay e may napansin na akong lalaking naka-leather jacket at sumbrero, nakatayo lang siya sa eskinita sa labas, ang sama kung tumingin. Luh, ano ba ginawa ko sa kanya.
People can be mean, strange, and unpredictable, just because. That's why I hate them. I honestly prefer paint. Ang pintura kasi sumusunod sa gusto mo, pag pinaghahalo pareho ang labas basta tamang ratio, pag ilinalagay sa canvass ganoon din, depende ang marka sa brush. Everything is nice and controlled. Unlike people.
Dinoble kandado ko ang pinto para makita niyang di siya makakapasok sa bahay ko. At naroon siyang pasensyosong nagihintay. Ang mamang papatay sa akin.
***
Nanginig sa takot si Jes sa apoy ng siga. Inakap siya ni Tony at Alex. Pare-pareho lang pinagdadaanan nila. Masakit magkuwento kasi sinasabuhay mo ulit lahat ng masakit na pangyayari.
Tumahan si Jes at nagpatuloy.
***
Naroon siya pasensyoso akong hinihintay, ang mamang naka-leather jacket. Nagkunwari akong di siya napansin at naglakad ng dire-diretso tungo sa sakayan ng trike. Nagulat ako nang makita ko sa gilid kong sumusunod siya. Matapang man ako, maliit pa rin akong babae, ano gagawin ko kung may plano siyang masama sa akin?
Umihip nang malakas ang hangin at linipad ang purse ko. Napatigil ako, ayaw tumalikod dahil alam kong palapit na ang lalaki sa akin. Tumingin akong kanan at kaliwa, walang tao. Sumigaw man ako ng saklolo, walang sasagip sa akin. Maganda man ang Baguio ito minsan nagiging problema, masyado malalawak ang espasyo.
"Miss, nahulog mo yata bag mo." Nasa likod ko na siya, inaabot sa akin ang bag ko. Tatakbo ba ako? Mura lang naman 'yung bag. Halos wala pang laman. "Miss, narinig mo ba ako? Nahulog mo bag mo!" Pasigaw na yung huling paalala niya sa akin, at nagulantang ako, parang may kuryenteng umakyat-baba sa aking spine. Ang hina kong nilalang. "Ambastos mo, miss, ha, tinutulungan ko na nga, napaka-arogante mo pa." Lumingon ako at nag-thank you. Matapos tumakbo na ako palayo. Salamat at pumirmi na siya roon sa kinatatayuan nga, ayun lang parang kinakagat na ang labi, at nanginginig na ang mga kamao. Shet, kailangan gabi na ako umuwi para di siya makasalubong inisip ko.
BINABASA MO ANG
Samahan ng mga Tegi
HorrorKung saan matutunan ng isang manunulat ang halaga ng mga kuwento. Patay o buhay, sama-sama palagi ang SAMAHAN NG MGA TEGI. Sa kailaliman ng gabi, nagtitipun-tipon ang mga batang makata. Lahat aspiring. Lahat gusto pang gumawa. Subalit hindi pa nga n...