Karma 8: Business proposal

18 0 0
                                    

Chapter 8.

V.  I. N. N. (POV)

6am palang ng umaga ay gising nako. Inasikaso ko ang pag-uwi ni Aly, syempre.

Bakit ba ang asikaso ko sa babaeng 'yun?

Masyado ko na syang pinapahalagahan.

Napailing iling ako sa naisip habang naluluto ng almusal.

Hanggang ngayon iniisip ko parin ang sinabi ni tanda sa paglipat ko ng tinitirhan.

"So busy? Di mo man lang narinig ang pag-pasok ko."

Napalingon ako sa likuran ng marinig ang boses ni Aly.

Oo nandito na sya.

Ewan pero napatitig ako sa mukha nya.

So kelan pa sya natutong mag make up?

"Nung nangyare sa mukha mo?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang sandok.

Inilapag nya ang bag nya sa may upuan at tumungo ng lamesa para kumuha ng maiinom. "Why? Di ba bagay?" Tanong nya.

Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Shit. Ngayon lang ako na starstruck ng ganito sa tala ng buhay ko.

Yes, Aly is indeed beautiful pero dana lalo syang gumanda sa ayos nya ngayon.

Sanay nako makakita ng mga magagandang babae pero,

Ewan iba ang karisma netong babaeng 'to sakin.

"Di mo kailangang mag make up Aly. Maganda kana sa simpling ayos mo, di mo na kelangang mag paganda." Sagot ko at isinalin ang niluto ko sa plato.

"Bolero."

"Di kita binobola."

"Ow talaga po ba?"

Kumunot ang noo ko at tinitigan sya. "'Po? Huh?" Wika ko.

Tumango tango sya. "Oo baket? You're older than me Vinn. Ilang taon kana kasi?"

So what kung ilang taon nako? "Bente otso nako." Sagot ko sa kanya.

Inilapag ko ang niluto ko sa lamesa tsaka na nagsandok ng kanin.

Trabaho kong pag silbihan sya.

Huling bilin ni tita Trinity iyun sakin.

Kahit anong mangyare, nandito ako para protektahan at pangalagaan ang anak nya lalo na't wala naman syang ibang kamag anak.

"Tanda mo na! So ok lang na mag 'po', it's just sign of my respect kuya Vinn." Inosente nyang sabi.

Putangina?

Ibinagsak ko ang plato ng kanin sa lamesa. Tinaasan ko sya ng kilay. "Kuya mo mukha mo. Wag mokong tawaging kuya, 'di bagay."

Inirapan nya ko. "You're older than me." Aniya.

Tinaasan ko lalo sya ng kilay. "Pake ko? Ampangit tignan tumigil ka Aly."

Sweetest Karma #5.1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon