PART TWO

52 14 0
                                    

“Di mo ba talaga ma-contact si Morgan?” nag aalalang tanong ni Flynn sa akin.

Ilang araw na yung nakalipas mula nang mistulang mawala si Morgan sa bahay ni Jasper.

Mula rin nang araw na nawala si Morgan, tila ba nagbago rin ang pakikitungo ni Renee kay Flynn.

Kung dati ayos lang kay Renee na dumikit dikit o landiin sya ni Flynn, ngayon ay hindi na.

“Hindi sumasagot sa tawag ko. Nagri-ring pero walang Morgan na sumasagot..” sagot ko.

“Baka naman kasi umuwi na sa maynila at iniwan na tayo. Palibhasa kasi naduduwag na, hindi lang sinasabi sa atin.” Naiiritang sabat ni Zoey.

“Pwede ba Zoey, ilugar mo kaartehan mo? Pinsan natin yung nawawala at hindi natin alam kung nakauwi na ba sya o hindi.” Seryosong saad ni Flynn.

“E di ba nga sabi ni Renee, baka nakauwi na si Morgan. So ano pa bang pinag aalala nyo? Favoritism kasi kayo!” Saad ni Zoey at biglang umirap kay Flynn.

“Favoritism ka jan? Palibhasa kasi walang nagkakagustong ipagmalaki ka kasi puro kaartehan yang inuuna mo! Bakit ka ba kasi namin naging pinsan. Feeling ko ikaw yung malas sa‘tin!” Naiinis na ani Flynn at naglakad palayo sa amin patungong second floor para puntahan si Renee.

Kitang kita ko sa itsura ni Zoey na nasaktan sya sa sinabi ni Flynn.

Kahit ako naman kasi sabihan nang ganyan, masasaktan talaga ko. Lalo pa't galing sa kadugo mo.

Sabay kaming napalingon ni Zoey nang biglang dumaan sa harapan namin si Jasper na seryosong seryoso ang itsura.

Umakyat sya sa second floor na ipinagtaka namin. Pero kahit ganun, hindi nalang namin sya pinansin.

“Ang ipinagtataka ko lang, paano ba nakauwi si Morgan? Walang dalang pera yun kasi nasa akin yung pera nating lahat di ba? Chi-neck ko na sa gamit ko kung na sa‘kin ba yung pera, pero nasa bag ko naman. Kaya hindi ko talaga maintindihan paano sya nakaalis ng bahay? Saka di ba dapat mapapansin natin yun?” nag aalalang mga tanong ko kay Zoey.

Paglingon ko sa kanya, napasapo nalang ako sa noo ko. Wala sya sa tabi ko, ibig sabihin wala akong kausap.

Nakita ko si Zoey na naglakad patungo sa mga pictures na nakasabit sa isang pader. Kaya sumunod ako at tumingin din dun.

Dahan dahan nyang hinipo ang mga pictures, hanggang sa nakita ng mga mata nya yung isang picture ni Morgan kasama yung mga gamit nya.

“Si Morgan to ah? Paano sya nagkaroon ng picture dito? Di ba hindi yun mahilig sa mga picture takings? Saka parang ito yung suot ni Morgan nung huli natin syang makita di ba?” sunod sunod na tanong ni Zoey.

Ilang beses akong napalunok ng sariling laway dahil sa mga tanong nya. Hindi ko naman masasagot ang lahat nang yan, kasi mismo ako hindi ko alam.

Hinarap ako ni Zoey at sumeryoso sya nang itsura. Bigla akong nakaramdam nang kaba at sunod sunod na dumagundong ang takot sa pagkatao ko dahil sa inaasal ni Zoey ngayon.

Napakaseryoso nang itsura nya ngayon. Ngayon ko lang sya nakitang sumeryoso sa isang bagay.

“Sabihin mo Dharkriz, tinanong mo na ba kay Jasper kung paano nya na-picture-an si Morgan nang hindi man lang sya nahihirapan?” seryosong tanong ni Zoey.

Tumango ako.

“Oo, tinanong ko na sya tungkol jan. Pero ang sabi nya sa akin, basta...” sagot ko.

Picture taking (Short story only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon