Chapter 1

1 0 0
                                    



Atasha's POV

"Staring at the bottom of your glass
Hoping one day you'll make a dream last
But dreams come slow, and they go so fast

You see her when you close your eyes
Maybe one day, you'll understand why
Everything you touch surely dies"

Oh ghad what's with the early music? Ala siete palang ng umaga puro mga ganyan na tugtog di ba nagsasawa mga tao sa ganun?

Hay nako basta mahalaga, important.

Hehe

Pero seryuso? Do people still believe in love? I mean no harsh feeling ha? Pero gurl it's 2022 na wala na tayo sa panahon na uso pa true love hello?

Not bitter but yeah you can call me one.

It's not that I'm against love or something, it's just we can't find that kind of love anymore in this generation because nowadays, people find people for their own personal interests and gains.

Just sayin, based on personal experience.

Anyways andami ko na nasabi but I didn't introduce my self yet so hi? Charot.

I am Atasha Claire Montenegro, 18, a BSBA student.

As of the moment I'm walking around the campus to find a quiet corner for me to stay at. Mahilig talaga akong pumasok ng maaga kahit ang klase ko naman ay alas otso pa. Trip ko lang bakit ba.

Ng makahanap na ako ng mauupuan ay agad kong nilapitan ito at iniwan ang nag at notebook ko sa may lamesa, eto isa sa mga nagustuhan ko sa university na to, yung mga upuan may lamesa na yung pang park ganun.

Pagkatapos ay iniwan ko iyon dun at bumili ng pancit canton, safe naman gamit ko dun tsaka wala ding case ng pagnanakaw dito dahil isa ito sa mga prestihiyosong paaralan dito sa lugar namin kaya di na nakapagtataka kung walang magtatangkang magnakaw sa mga gamit ko.

Di din naman kasi kagandahan or kilala na brand. Diko naman makakain yun bat ko pa pagaabalahan at paggagastusan diba?

Pagkatapos ng 10 minuto ay tapos na maluto yung order ko kaya dumaan din muna ako dun sa kabilang stall para bumili ng siomai at milo. Sarap ng almusal ko grabe napaka healthy.

Pagkabalik ko sa pwestong pinagiwanan ko ng gamit ko ay May nakaupo dun mismo sa harapan ko. Diko nalang to pinansin at deretsong umupo at nagumpisang kumain.

Habang ngumunguya ay nararamdaman kong may nakatitig sakin kaya agad akong tumingala at di nga ako nagkakamali.

Nakaharap sakin yung babaeng nakiupo dito. Di lang basta nakaharap kundi titig na titig ito sakin na akala mo isa akong napaka komplikadong bagay.

"Ah excuse me po, may dumi po ba sa mukha ko?" Tanong ko.

"Pardon?" Huh?

"Sabi ko po may dumi po ba ako sa mukha bat ganyan po kayo makatitig" tanong ko uli.

"I'm sorry I just can't understand you" sagot nito na ikinamaang ko.

Learning to love Miss Hopeless romantic Where stories live. Discover now