CHAPTER 2

51.2K 1.3K 69
                                    

Avarie

“At kailan kayo magbabayad ng renta niyo huh.Buti nga't pinapaalis ko nalang kayo kasi wala naman akong gamit na makukuha sa inyo rito!” rinig mismo hanggang sa kabilang kuwarto ang pagpapahiya sakin ng landlady ng inuupahan namin na maski ang ibang tenants ay pasikretong nakitsismis na rin samin.

“B-bigyan niyo naman po kami ng kahit isang linggo pa po Manang.” alam kong rinding-rindi na ito sa palusot ko lalo na't two months na kaming hindi nagbabayad ng renta sa kaniya.

Pero hindi ako mapapagod magmakaawa rito dahil alam kong wala na kaming mapupuntahang iba pa.

Huwag muna ngayon at wala pakong regular na trabaho.

Oo at pinapasok ko kahit anumang side line na maaaring pagkakitaan ko basta makaipon lang para sa pangtustos sa pag-aaral ng anak ko.

Ngunit hindi parin iyon sapat  kaya tuwing gabi ay tumatanggap din ako ng labada sa mga ka-tenant ko rito mismo sa apartment.

Ang problema nga lang ay hindi iyon palagi at tuwing kada semana lang sila nagpapalaba sakin.

Maliit ang kinikita ko roon pero mas mainam na yun kompara sa wala at tumunganga lamang.

Hindi na'ko maghihintay na dumating pa ang grasya o magkahimala sa buhay ko at alam kong maghihintay lang ako sa wala.

Sa halos ilang taong pagpapalaki kong mag-isa sa anak ko ay naramdaman ko mismo kung gaano kahirap ang buhay.

Kaya kahit pagkaitan man ako ng opurtunidad ay araw-araw parin akong nagpapasalamat.

Na gising pako kinabukasan at mababantayan ko pa ng lubos ang paglaki ng anak ko.

Siguro hindi ko makakaila na ilang beses na pumasok mismo sa utak ko ang sumuko habang pinagbubuntis ko pa lamang si Vunter.

I was at my darkest on that time and I was struggling alone.

I felt trapped and isolated in the corner of the dark room with no light,  even windows and doors to escape.

Though despite of that I'm still here , I manage to survived.

But this time I'm not alone anymore.

I have my son.

Vunter.

“Hay nako , bahala ka na nga sa buhay mo. Ba't ka kasi nag anak-anak ka ineng, kung wala ka namang pera pangtustus.Ano ba't saan lupalok nagsususuot ang bastardong tatay ng batang 'yan.”

Natigil ako ng banggitin niya iyon , wala kong halos makapang sagot at tanging pag-iwas lang ng tingin.

Then I decided not to entertain her question.

Nahimigan iyon ng landlady kaya nagpatuloy nalang ulit ito sa panenermon sakin.

“Sige na ineng! Umaabuso ka na at hindi mo nako madadala diyan sa mga paawa mo. Alis na, kung ayaw mong ipabarangay pa kita.”

Bago paman ako kaladkarin palabas ng mga tauhan nito ay humingi na lamang ako ng ilang minuto para paghandaan ang pag-alis namin rito.

Kusa nakong nag-impake ng iilang gamit namin na karamihan ay gamit pang-iskwela ng anak ko.

Wala akong nagawa kundi bitbitin palabas ng apartment ang isang maleta at mga damit ko sa isang itim na travel bag na mabibilang mo lang din.

Nanghihina man ang tuhod dahil nalipasan ng gutom ay pinilit kong maglakad at tahakin ang mabatong daan hanggang sa makausad ako at maupo sa malapit na isang waiting shed.

Nag-abang ako ng jeep at naghintay muna roon ng ilang minuto nang maisipan kong halughugin ang pinaglumaan kong pitaka mula pa saking bulsa.

Singkwenta pesos.

Yun lamang ang tanging nahugot ko mula sa loob nito.

Kailangan ko pang sunduin ang anak ko sa paaralan kung saan ako ngayon patungo.

Kaya naghintay pa ko ng ilang minuto at bibihira lang ang dumadaang sasakyan.

Nilibot ko muna ang tingin sa paligid na maberde at halos halaman at mga puno lang ang matatanaw rito.

Nang may pumukaw sa aking atensyon mula sa isang matayog na poste ng kuryente ay nakasablay ang isang poster ng isang kilalang singer.

Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha niya mula sa malayo nang maramdaman nalang na kusang pumatak ang mga luha saking mga mata.

Walang lumipas na araw na hindi ko siya iniisip.

Kaya hindi nako magtaka kung bakit bigla nalang akong naging emosyonal   kahit litrato lamang nito ang aking nasilayan.

Our memories together in the past started flooding in my head again but there's only one thing I want to witness.

Gusto ko lamang masilayan ulit ang mga ngiti niya kahit isang beses lang.

I want to see a sight of him and my son smiling before God could take my last breath.

Spot LiesWhere stories live. Discover now