|| Kid ||
'Faster, Kid!'
'Ya! Tara na-ya!'
'Let's go.'
Bigla kong narinig sa isipan ko ang mga boses nila. Pilit akong ngumiti, sinubukan ko na 'wag sirain ang mood ng kasama ko. Pero mukhang hindi 'yon tumalab dahil napaangat ang dalawa niyang kilay at napaawang nang kaunti ang bibig niya.
"Y-You- what?!"
"H-Hehe." Naiwas ako ng tingin. "Mas mabuti na siguro 'yong gano'n."
Napailing si Aaron at hinarap niya 'ko. "Anong mas mabuti?! Anong nangyari? Sabihin mo sa 'kin!"
Malalim akong bumuntong-hininga. Kailangan ko rin ng mapagkekwentuhan kaya nagkwento na 'ko sa kaniya. Mula sa umpisa, ang pagkita ko kina Jin doon sa tirahan ni woody, hanggang sa pagkita namin kami cherlok, at ang pag-iwan ko sa mga kasama ko. . .
"Kailangan eh. . . masyado akong duwag para hindi sumunod, masyadong bobo para mag-isip ng paraan." Piliit akong tumawa. "Kaya heto. . ."
Hindi maipinta ang mukha ng lalaking kaharap ko. Naglalakad kami ngayon dito sa Gisa, naglilibot. Hindi ko alam kung naawa ba siya sa 'kin, o hindi niya maintindihan ang kwento ko. Pero pinilit kong pagaanin ang loob niya.
"E-Eyo, 'wag kang mag-aalala, mas mabuti na para sa kanila na wala ako. . . ang kaso nga lang, kinuha ko 'yong chess piece. . . siguradong inis na inis sa 'kin si Eivel." Napatingin ako sa baba.
Panigurado 'yon. . . hinding-hindi niya 'ko mapapatawad.
"Pero Kid, bakit hindi mo sinabi sa kanila?" tanong ni Aaron. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Baka natulungan nila."
Natatawa akong kumunot ang noo. "Baliw, bakit ko naman sasabihin? Dadagdag pa 'ko sa problema nila?" pabirong sagot ko.
Ayoko ng ako ang iniisip ng iba. Natuto na 'ko sa ate ko, ayokong pinoproblema ng iba ang bagay na dapat ako ang lumutas.
"Stupid, because you're a team."
Nahinto ako sa paglalakad, natulala akong nakatingin sa lapag. Biglang may sumakit sa dibdib ko. Napakagat ako sa ibabang labi at sumara ang kamao ko.
Nami-miss ko sila. . .
"Don't you think it's unfair?" muling sambit ni Aaron. "Parang andaya, kasi bigla kang umalis. Iniwan mo sila, iniwan mo si Miss Eivel."
Hindi ako nakasagot kaagad. Malakas ang loob ko na umalis, dahil alam kong magkakasama sila. Kahit umalis ako, kasama ni Eivel sina Sage at Potchi, hindi siya nag-iisa. Gano'n din kay Sage.
"Pero sa tingin mo, 'di ba mas okay na 'to?" sagot ko. "Masyado na 'kong sinuwerte no'ng nakasama ko sila sa laro, kahit ako ang humihila sa kanila pababa."
Nakaramdam ako ng marahang pagbatok sa ulo ko, dahilan ng pag-angat ng tingin ko.
Nakasimangot si Aaron sa 'kin. "Balanse ang pagpili ng players kada grupo. Kung sa tingin mo na masyado silang magaling para sa 'yo, e 'di sana isang solo game na lang 'to. Napupunan ng bawat isa ang mga kailangan nilang roles, kaya hindi ka sinuwerte na napunta ka sa grupo nila, nararapat ka talaga roon. You're meant to be in that team."
BINABASA MO ANG
Game Of Life: Volume 3
Science FictionVOLUME 3 Back from the start, but not as a team. What are they suppose to do FIRST? Continue playing the game and collect the pieces? Or fix their bond to win? Don't trust your eyes, Everyone is in disguise. Each of you is a player, Let's play the G...