Chapter 1

14 0 0
                                    

"Fam! Kakain na!". I recoilded. Pababa na ako, ng sumigaw sigaw si Jesse. Palibhasa, first day kasi. Ayan, excited. Hay. Hindi ako atat pumasok, dahil sa maraming kadahilanan. Maliban nalang na makikita ko ulit yung mga kaibigan ko.

Tahimik lang akong kumain. Sa tabi ko, si Jesse, na panay ang dakdak tungkol sa soap na napanood niya kagabi. Sa harap ko, si papa, tulad ko, taimtim lang din siyang kumakain. Sa tabi ni papa, si mama, na nakikinig sa mga kwento ni Jesse. Sa gitna naman ni mama at ni Jesse ay si kuya. Nakikinig siya sa mga kwento ni Jesse pero pinili na lamang na manahimik.

"Fatima, bat tahimik ka jan?". Nabalik ang kaluluwa ko ng tinawag ako ni kuya. Nakatingin naman silang lahat sakin ngayon. Natigil din ang kwentuhan nina Jesse.

"Ha? W-wala. Di ko lang matake na may pasok na naman." napayuko ako. Parang kelan lang nung katatapos ng clearance namin. Tapos, pasukan na naman. Hay.

"Hm. Talaga lang ha? Kahit naman gustong gusto mong makita si ano." he winked. Kahit kelan talaga, alam ni kuya kung paano ako asarin.

"Pinagsasabi mo jan?" pagtataray ko sakanya.

"Asus. Kunwari ka pa. Alam mo Fammy, kilala na kita mula sa amoy ng utot mo." saka niya ako tinawanan. Nakijoin naman yung iba. Hay. Bwisit.

"Kuya, magtigil ka. Kakalbuhin talaga kita." i glared.

"Oy oy." pag aawat ni mama. "Magtigil nga kayo. Mamaya, magaway na naman kayo"

"Si kuya naman kasi." pamimintang ko.

"Bakit ako? Denial ka kasi!" sagot niya sabay tawa. Pinapatay ko na siya sa mga titig ko. Kaasar.

"Haynako. Fam, Jared. Umagang umaga. Dali na! Malelate ako!" patak ni Jesse.

"Oo nga. Sige na, tumayo na kayo jan. Ikaw Red, ngayon ka ba babalik sa trabaho?"

"Opo pa. Idadaanan kon nalang po yung dalawa sa skwelahan nila. Maaga pa naman."

Dinig kong naguusap pa si papa at si Jared. Umakyat muna ako pansamantala para magpalit ng school uniform. Habang nasa harap ng salamin, nakita ko ulit tong ba-lat sa likod ko. Sabi ng parents ko, inborn daw. Eh hindi naman siya mukhang birth mark. Its more of a scar. Nagwowonder tuloy ako kung may nangyari bang masama sakin nung bata ako. Nahulog tapos nasugatan or whatever. Itinuloy ko nalang ulit ang pagpapalit, baka malate na naman ako e. First day pa naman.

Bumaba na ako. Tinabihan ako ni Jared sa paglalakad. "Hi iyakin." pangasar niya. Siniko ko siya ng mahina sa tiyan, saka kami tumawa. Iyakin ang tawag ng kuya ko sakin. Iyakin daw kasi ako nung bata pa kami, kaya ayan, hindi uso sakanya ang salitang get-over at move on. Hays.

"Jesse! Tara na!" pagtawag ni kuya kay Jesse. Ang tagal naman kasi. Akala ko ba excited. Hay. Grade 7 na kasi siya. At simula sa araw na to, lagi na kaming magkasama sa iisang school. Aba, magenroll ba naman kasi sa school ko.

Tumakbo si Jesse pababa, humalik muna kina mama at papa bago sumakay sa kotse. Sumakay na rin ako. Then I bid bye.

Take care, mama mouthed. I smiled.

FATED : Part 1, The Resplendent WelcomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon