Chapter 5

10 0 0
                                    

Nakarating na kami sa bahay. Ibang iba na siya sa inaasahan ko. Bitak bitak na ang pinta ng gate. Ang daming lagas na dahon na nakakalat. Hindi na rin gumagana yung fountain. Wala ng halaman ang garden. Para na siyang hunted house. Halatang napabayaan na talaga.

Habang linilibot ko ang mata ko sa dati kong tahanan, may biglang lumapit na lalaki mula sa loob. May balbas siya at mejo may edad na. Pinagbuksan niya kami ng gate. Siya siguro ang care-taker ng bahay.

"Magandang umaga maam." pagbati ng lalaki saka kami pinapasok.

"Magandang umaga naman po Mg Cardo. Mukhang lumuluma na itong bahay ah?" sabi ni mama sa Mg Cardo.

"Ah eh. Oo nga po eh. Pasensya na po hindi ako nakalinis, tag lagas na naman kasi. Kaya ayan, madami na namang dahon sa paligid." nahihiyang tugon ng Mg Cardo.

"Ganun ba. Hayaan mo, sasabihin ko kay ate pag uuwi sila. Kelangan na nito ng renovation. Ano sa tingin mo Fam?"

Nagulat ako sa pagtawag sakin ni mama. Nakafocus kasi ako sa bahay.

"Po? Opo. Mejo napabayaan na po kasi e. Uhm, mama, kelan daw po ba uuwi sina mommy?" tanong ko.

Namimiss ko na sila. Iniwan nila kami ni kuya noong kapapanganak palang ni Kaycee. 3 yrs old ako noon. 7 yrs old naman si kuya. 17 na ako at graduating. Meaning, 14 na si Kaycee. Wow, hindi ko pa siya nakikita mula noon.

Hindi ako sinagot ni mama. Tinignan lang niya ako.

"Ah, maam. Pasok na po tayo." pagaaya ni Mg Cardo.

"Ah hindi na. Aalis na kami. Maiiwan si Fam dito." sabi ni mama na ikinagulat ko.

"Po?! Pero wala akong kasama!" pagrereklamo ko.

Maiiwan ako dito kasama ni Mg Cardo?!

"No way!"

"Yes way." sagot ni mama.

At pag ganun na ang tono ng boses niya, wala ka ng magagawa kundi sumunod.

Tinulungan ako ni Mg Cardo na magbuhat ng gamit ko saka kami pumasok sa bahay.

Ang creepy sa loob. Omg.

"Teka lang maam. May kukunin lang ako sa likod." pagpapaalam ni Mg Cardo. I just nodded. At naiwan akong mag isa sa loob nito.

Hala..

What if biglang magsara yung pinto, tapos hindi mabuksan! Tapos lumabas yung mga engkanto! Tapos papatayin nila ako!

Ang o.a ha Fam.

Ugh. Bura bura bura!

"Iyakin!"

I ALMOST JUMPED. GULAT NA GULAT AKO.

"KUYA WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?! YOU ALMOST GAVE ME A HEART ATTACK!" iritado kong sigaw kay kuya saka ko pinulot yung pillow na nandun sa upuan at binato sa kanya.

Binato niya pabalik sakin! Aba. Hindi ako magpapatalo. Nagbatuhan kami ng nagbatuhan hanggang sa may nagsalita mula sa likod na ikinatigil namin.

"Seems like you both are having goodtimes together though." lumingon kaming dalawa.

Babae siya. Maputi. May fashion sense. Oo, maganda nga. Pero mas maganda parin ako.

Sino ba 'to?

FATED : Part 1, The Resplendent WelcomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon