CHAPTER 1

217 15 4
                                    

ERIN'S POV

Masaya kaming nagbabakasyon dito sa Spain nang mapansin kong wala si Syd.

Kaya naman nagpaalam ako sa kanila bago ako lumabas ng cottage.

Inilibot ko ang mga mata ko upang hanapin si Syd. Saan siya nagpunta?

Nang hindi ko siya nakita ay naglakad-lakad ako para lang mahanap siya.

Nakarating naman ako sa parking lot at doon ko nakita si Syd habang busy sa kausap niya sa cellphone.

"Hon? Are you okay?" tanong ko nang makitang ibinulsa niya ang cellphone at akmang babalik na sa loob.

Nakita naman niya ako at halatang nagulat.

"Hon, kanina ka pa ba diyan?" tanong nuya at lumapit sa akin.

"Hinahanap kita. Bigla ka kasing nawala kanina sa cottage," sagot ko naman.

Pero na-realize kong hindi niya sinagot ang tanong ko kanina.

"Are you okay?" tanong kong muli sa kaniya.

"Ah, o-oo, Hon. Halika na?" pag-aya niya sa akin bago hinawakan ang kamay ko at lumakad papasok.

Nang makarating kami sa cottage, agad na bumungad sa amin si Shawn habang natakbong papalit sa amin.

"Mommy! Daddy! Let's eat!" Napangiti na lang ako at tumango bago hinawakan ang kamay ni Shawn.

Inaasikaso naman sila ng yaya nila habang kami ni Syd napaupo na lang at pinapanood silang kumain.

Napangiti na lang ako dahil sa nakikita ko. Sobrang dami at hirap nang pinagdaanan namin.

Ang daming pagsubok ang nilagpasan namin bago namin nabuo muli ang pamilyang minsan naming pinangarap ni Syd.

Parang kailan lang, noong sumuko ako dahil alam kong hindi na ako magkakaanak pa, na hindi na namin mabubuo pa ni Syd ang mga pangarap namin.

Pero ngayon, heto kami at ine-enjoy ang bakasyon kasama ang twins namin at si Jariah.

Bigla akong napalingon sa paligid. Wala si Jariah dito kaya naman mabilis akong tumayo at tinanong sila.

"Where's Jariah?" tanong ko sa kanila.

Maski ang yaya ng twins ay napalingon na lang sa paligid. Tumayo na rin si Syd dahil sa sinabi ko.

"Im going to find her," sabi niya pa at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng cottage.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero narinig ko lamang iyong tumunog sa di kalayuan. Nakapatong iyon sa lamesa habang nailaw.

Shit! Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kabang nararamdaman ko.

"Yaya, pakibantayan sila Shawn at Sydney," utos ko bago sumunod kay Syd. Tinulungan ko na rin siyang libutin ang buong area na maaring pagpasyalan ni Jariah.

"Jariah!" pagtawag ko pa habang lumilinga sa paligid.

Halos nalibot na namin ang buong area subalit wala kaming Jariah na nakita.

Kaya naman hindi na kaming nagdalawang isip na tumawag ng tulong sa mga tao dito sa resort.

Ang sabi naman ng guard ay hindi raw lumabas si Jariah kaya possible na nandito siya sa loob.

Tinanaw ko na rin ang dagat. Impossibleng pumunta siya dito nang hindi nagpapaalam.

Alam ko ring hindi siya basta-basta malulunod dahil marunong siyang lumangoy.

Naglakad-lakad pa ako at nagbabakasakaling makita ko si Jariah.

Tinulungan na rin kaming maghanap ng mga lifeguard dito.

Sa sobrang pagaalala ko, hindi ko namalayan na medyo napalayo na pala ako sa mga cottage at tanging mga mallaaking bato na lang ang nandito.

Akmang babalik na ako nang may maaninang akong anino sa likod ng malaking bato. Halos takbuhin ko iyon nang makita si Jariah.

"Jariah!" sigaw ko.

Agad naman siyang lumingon. Nang makarating ako sa kaniya ay mabilis ko siyang niyakap.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinahanap," sambit ko sa kaniya.

"M-mama. I- I saw her," utal na sagot naman niya bagay na ikinatigil ko. Kita ko sa mata niya na nabigla siya.

"Her? Who?" naguguluhang tanong ko naman sa kaniya.

Agad siyang lumingon sa paligid pero walang ibang tao kung hindi kaming dalawa lang.

"Mama. She's here. I saw her right here. Where did she go?" naguguluhang tanong niya pa at mabilis na nilibot ang paligid ng malaking bato.

"Hey, honey. Calm down. Tell me who did you see?" tanong ko at tiningnan siya ng seryoso.

Natigilan naman siya at tumingin rin ng seryoso sa akin.

"My mom."

Halos mamutla ako sa sinabi ni Jariah.

"Okay, honey. Let's go back to the cottage okay? Just take a rest," sambit ko at inlalayan siyang maglakas pabalik sa cottage.

Lumingon pa ako sa paligid upang i-check kung may tao nga pero wala pa rin akong nakita.

Napaka-imposibleng nandito si Nadia. Nasa mental siya nakakulong at malabong makatakas pa siya doon dahil masyadong mahigpit ang mga bantay doon.

Pero hindi ko naiwasang hindi matakot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin.

Mas nangingibabaw ang takot ko ngayon dahil baka nga nandito si Nadia.

Mabilis kaming nakarating sa cottage at mahigpit namang niyakap ni Syd si Jariah. Hinatid naman siya ng isang yaya nila pabalik sa room namin.

"Hey, Hun. Where did she go? How did found her?" tanong ni Syd sa akin.

Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita.

"In the seashore. She told me that she saw someone," sagot ko naman sa kaniya.

Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Someone?" tanong niya muli.

"Syd, Jariah saw Nadia. I know that she is in mental, but Im scared. What if she is telling the truth? What if Nadia is really here? I don't know-"

"Hun, calm down, okay? Nadia's in the mental. She will never escape the guard in there. So, please. Calm yourself.Baka namamalik-mata lang si Jariah," mahabang paliwanag niya. Kaya naman huminga ako ng malalim.

"Im just scared, not for myself but for my twins," natatakot na sambit ko.

"You know Nadia. Gagawin niya ang lahat para lang paghigantihan ako. Paano kung ang twins ang gantihan niya? Syd, hindi ko makakaya-"

"No, hindi niya masasaktan kayo o kahit na sino sa inyo. I will protect everyone of you at all cost. Hindi ako papayag na saktan niya kayo," sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Niyakap ko na lang rin siya dahil sa takot ko.

Pero inaamin ko, mas lalo akong natatakot kay Nadia. Dahil wala na siya sa tamang katinuan. Mula nang banggitin ni Jariah ang tungkol kay Nadia, hindi na siya nawala pa sa isip ko.

Kailangan kong makabalik ng Philippines at i-check kung nandoon nga si Nadia. Hindi ako matatahimik lalo na at mga anak ko ang nakasalalay dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrath of the WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon