Chapter 3

38 2 0
                                    

Walter's POV

Napabalikwas ako sa kama ng maalala kong kailangan ko palang pumasok ng maaga.

Naligo at nagbihis.

Chineck ko ang phone ko. At nakita ko ang message ni Macy kagabi.

Diba dapat unread pa 'to? Di ko pa naman to nabasa eh

Or baka nabasa ko na kagabi pero di ko lang napansin dahil sa sobrang antok na ako.

Tulog pa si Isabel kaya dahan dahan akong lumabas ng kwarto.

Umalis na ako boarding at nagdrive papuntang school. Ayokong malate. Gusto kasi ni mommy lagi akong maaga pumasok.

At gusto din ni mommy na wag akong umabsent at laging mag-aral ng mabuti.

And guess what? Bawal din ang girlfriend. For real yan!!
--

"Babe. Sa boarding house kaba matutulog mamaya?"

Kasama ko pala si Macy. Girlfriend ko.

"Oo. Tatawagan ako ni mommy mamaya dahil gusto niya makausap yung may ari ng boarding house na tinutuluyan ko."

"Ah. Okay. So hatid mo na ako sa house?"

"Sige. Sakay na."

sumakay siya sa kotse ko at pinagdrive ko siya pauwi.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako may girlfriend, isang mahabang kwento. Wag niyo nalang alamin. Hahahaha

Walang forever.

"Thanks you sa paghatid sakin Walter" sabi ni Macy ng makababa na siya sa kotse.

"Welcome Macy. Btw, break na tayo."

Pinaharurot ko ang kotse ko para wala ng marinig sa sasabihin ni Macy.

People Change...

Lahat nagbabago...

At isa pa...

Walang permanente sa mundo.

Yan ang tandaan niyo.

--
Isabel's POV

"Nakakapagod. Ayoko na magtrabaho." Nandito ako ngayon sa bahay ni Jade. Nagdadrama na naman ako.

"Fine. Magresign kana dyan sa work mo. Mag-aral kana lang. Scholar ka naman eh"

"Sabagay. Sige bukas na lang ako magbibigay ng letter"

Nagpaalam na ako kay Jade at umuwi sa boarding house.

"AYYYYY ANOBAAAAA"

Napasigaw naman ako. Dahil patawid na sana ako nang biglang bumusina ng malakas itong si Walter.

Nakakagulat kaya.

"Sabay kana sakin. Pauwi nadin ako." Pag-yaya sakin ni Walter.

Ang gentleman talaga.

"Okay lang. Wag na." pagtanggi ko

"Bahala ka, ang itim mo na nga naglalakad kapa sa initan"

Ang yabang nito!! Para kang si Patrick dun sa Growing Up!!

"Kapal mo."

"Sige na, sumabay kana. Libre naman to eh. Walang bayad."

"Ayoko" tinarayan ko siya at naglakad.

Nang-iinis ba to? Kagabi ang sweet niya tapos ngayon kung makapanglait, akala mo kung sinong gwapo.

"Maawa ka nga sa balat mo!" Sinigawan niya ako.

"Mas maawa ka sa kaluluwa mo! Ang yabang mo" Sinigawan ko din siya.

Leche nakakainis!!

"Hahahahahaha!" Tumawa siya at nginitian lang ako. "Joke lang ano ka ba. Tara na kasi sumakay kana. We're friends right?" sabi niya.

Sumakay ako sa kotse dahil ayoko ng makipagtalo.

"Lakas mong mang-asar. Totoo bang maitim ako?" Tanong ko sa kanya.

"Joke lang yun. Ang puti mo kaya. Sexy pa!"

Sus! Nambola pa. Di mo ako madadaan sa ganyan.

"Alam mo, magdrive kana lang" nginitian ko siya ng pilit at inirapan siya.

--

Nandito na kami sa boarding house.

Yung mga kasama ko sa bahay nakatingin lang samin at nakangiti.

Nang-aasar pa. Tinatanong kung bakit daw kami laging magkasama.

Pffft. Tinignan ko sila at binigyan ng 'walang meron samin look'

Pumasok ako sa kwarto ko at ganun din naman si Walter.

Syempre san siya pupunta edi sa kwarto ko din.

Tahimik sa buong kwarto ng bigla siyang nagsalita.

"You? Do you have a boyfriend?" He asked

Bumilis naman tibok ng puso ko.

May boyfriend ako.

"Yes! Of course." Mabilis na sagot ko. "Ang ganda ko kaya."

"Nasan siya? Bakit hindi ka niya hinahatid pauwi. Bakit hindi ka niya sinusundo dito?"

"Long distance eh. Nasa ibang bansa siya" paliwanag ko kay Walter.

Tumayo si Walter at dahan dahang lumapit sa akin.

Tumalikod ako at lalabas na sana sa kwarto pero nagulat ako ginawa niya.

Bumilos na naman ang tibok ng puso ko.

//
yerunexpectedauthor

follow me on twitter please : @acmpadilla_

Perfect Two (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon