CHAPTER 10

259 18 1
                                    

CHAPTER 10

MIKA'S POINT OF VIEW

"Absent ka kahapon ah," Nakangiting ani ko kay Ericson, break time nila pero nanatili lamang eto sa loob ng classroom.


Ang iba ay lumabas maliban sa kanya at sa grupo nila Abra na walang ibang ginawa kundi matulog.


"Sorry, Ms." Ani niya, "Nag hanap kasi ako ng trabaho kahapon, pero ngayon okay na!" Ngumiti siya na kinangiti ko naman.

Good, ngayon ay di kana liliban pa sa klase. Nakita ko sa record niya na mas marami pa siyang absent kaysa pasok niya.


"Wag kanang liliban, and i want to inform you na mag su-suot na kayo ng school uniform starting now. Ikaw mag suot kana ng uniform mo bukas, tsaka ayusin mo yang buhok mo na makalat." Puna ko na kinakamot niya sa batok.

"A-ah, Ms."


Ngumiti ako sakanya, "Ano yun?"


"Sorry pala sa mga nasabi ko nung mga nakaraan, may dahilan naman kami bakit namin ayaw sa teacher." Mahinang sabi niya na kinatango tango ko.


"Okay lang yun, di naman ako natamaan dun." Ani ko. "Sige na, mag sisimula na ang susunod kung klase."


Kinuha ko ang bag ko at tiningnan sila, "Wag kayong maingay, papasok na ang susunod niyong guro." Pinandilatan ko sila ng humiyaw sila sa sinabi ko.


"Wag kayong gagaw ang kalokohan kung ayaw niyong managot kayo sakin!" Bahagya kung nilagay ang kamay ko sa leeg at iminuwestra na parang pinuputol ang ulo. Pinandilatan ko sila.


Akmang lalabas na ako ng pumasok si Yuhan na humahangos, hindi nakalampas sa mga mata ko ang pulang likido na umaagos sa ilong niya, nang makita niya ako agad niya etong pinunasan gamit ang likuran ng kamay niya.


"What the hell? What happened to you man?!" Gulat na sigaw ni Black ng makita ang kaibigan, agad namang napatayo ang iba. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang nakikinig sa sinasabi ni Yuhan.


"S-sila Sea! B-bigla nalamang sinuntok nang mga section a-1 si M-marco, kaya nagalit si Sea! Lumaban si S-sea at H-henri pero marami sila! May i-ibang nakisali sa rambulan, a-apat lang kami! P-pero sila! Ang r-rami nila! P-putangina nila!" Galit na salaysay ni Yuhan na kinababa ko ng gamit ko sa mesa.


Lima laban sa mga section A-1? How pathetic, ganun ba sila ka mga mangmang para mag simula ng gulo na lima lang ang kalaban nila?


Mga mangmang, bahag ang buntot.


Dali dali silang lumabas lahat ni di man lang nila ako napansin na nasa gilid pa nila, tiningnan ko si Yuhan na humahangos parin.


"Stay here, put some ointment nanjan sa first aid kit." Ani ko at dinaluhan siya paupo bago ko kinuha sa loob ng bag ko ang isang stick na pinang gagamit ko sa kanila, mahaba eto at hindi madaling masira o mabali, nahahati eto sa dalawa kaya lumiliit at nakaksya sa bag ko.


"This reckless student, akala ba nila madaling linisin ang gagawin nilang gulo?!" Inis na sabi ko at inayos ang buhok ko tsaka ako nag lakad palabas ng classroom, nasa palapag palamang ako ng room ay rinig na rinig ko na ang hiyawan na nang gagaling sa baba. Bahagya kung sinilip ang baba.


May ibang may dala dalang kahoy, tubo. Ano ba to, paaralan paba to? Bakit wala man lang umaawat?


Agad na nahagip ng mata ko ang isang simbolo na nasa batok ng isang studyante ng suntukin ni Gray ang batok likurang bahagi ng ulo nito.


HER SPHEREWhere stories live. Discover now