CHAPTER 29

256 13 0
                                    

CHAPTER 29

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nakaupo sa ilalim ng kahoy si Armiah kung saan sila mag kikita ni Jro. Naisipan kasi nilang dalawa na mag simba at manood ng cine.

"Ang tagal niya naman." Bulong ng dalaga at bahagyang tiningnan ang relos na nakasabit sakanyang kamay. "Baka na lang traffic." Pag kukumbinsi niya sa sarili.

Ilang minuto lang ay natanaw niya ang kanyang nobyo na may bitbit na bulaklak. Ang paborito niyang bulaklak, di maiwasang mapangiti siya. Di niya akalain na, sa kabilang ng takot na naramdaman niya sa pag pasok sa bagong relasyon mapupunta siya sa tamang lalaki.

Ang problema nga lang ay, masyadong takaw ang nobyo niya sa gulo.

Agad na napangiti si Jro ng matanaw si Armiah na nakasuot n bistida. Para etong anghel sa paningin niya dahil sa puti nitong suot. Nang makalapit siya dito agad niyang binigay ang bulaklak na dala at hinalikan sa pisnge.

"Hi."

"Traffic ba?" Tanong ni Armiah kay Jro ng makaupo eto sa tabi niya. Bahagyang inamoy ni Armiah ang daisy na bulaklak na bigay sakanya ng lalaki.

Ang bango ani ni Armiah sa isip niya.

"Hindi naman, i stopped nearby to buy you flower." Sagot ni Jro at hinawakan ang kamay ni Armiah, "Happy third anniversary, Miang."

Napangiti si Armiah, "Akala ko nakalimutan mo na ang araw nato."

Natawa ng mahina si Jro at bahagyang pinisil ang pisnge ng nobya, "Why would i forget this day? Huh? Ngayon araw nato ay sinagot mo ako. Bakit ko kakalimutan ang paboritong araw ko, inaantay ko to ng halos labing isang buwan."

Napailing si Armiah, di niya maitago ang saya sa puso niya.

Bulaklak lang ay sapat na kay Armiah, yun lang ang taningin hinihiling ni Armiah kay Jro sa tuwing sumasapit ang anniversary nila, gustohin man ni Jro na dalhin ang girlfriend sa mamahaling restaurant di niya magawa dahil nobya niya na mismo ang may ayaw, gusto nito na kumain sa fastfood at hindi sa restaurant, kung hindi sa isang restaurant sa isang karenderya o streetfood ang gusto nito.

Kung gaano kaganda si Armiah ganon rin eto ka simple.

"Tara, mag uumpisa na ang misa."

Nang matapos ang misa, agad na nag tungo ang dalawa sa mall para manood ng cine. Habang pumipila silang dalawa para makakuha ng ticket, di maiwasang di ma titigan ni Jro si Armiah na nasa harapan niya na namimili ng panonoorin nila.

Hindi alam ni Jro kung bakit sa rami rami ng babae sa mundo, isang Armiah pa ang napunta sakanya. Hindi niya alam kung bakit ang swerte niya.

"Eto nalang oh, maganda raw to sabi ng kaklase ko. Napanood na nila to." Nakangiting turo ni Armiah dun sa movie na kakashowing lang. Agad naman na nag okay si Jro.

"Bili muna tayo ng popcorn, at tubig." Ani ni Jro. "Antayin mo nalang ako rito, bibili lang ako para sating dalawa."

"Just buy one, di natin mauubos ang dalawa."

Tumawa si Jro at napailing, "Yes Señora, alam ko po yun. Nakatatak na sa isip ko yun."

Tumawa si Armiah, "Good! Buy kana I'll wait you here."

Agad na bumili si Jro at nang makabili siya agad siyang nag tungo kay Armiah at sabay na pumasok sa cinehan. Pumwesto sila sa pinakadulo.

"Are you okay here? We can move forward." Tanong ni Jro sa girlfriend.

Umiling si Armiah at ngumiti.

"No, okay lang ako dito. Malamig nga lang." Tumawa eto, agad naman na nabahala si Jro at kinuha ang kamay ni Armiah.

HER SPHEREWhere stories live. Discover now