Chapter 3

60 19 1
                                    

Vince

Busy akong nag-iimpake ng mga damit kong dadalhin sa Batangas. Bukas na ang alis namin so I am scolding myself kung bakit hindi pa ako nagpack ng mas maaga. It will be one week's worth of clothes kaya medyo marami rin. Though we don't really have to stay that long, sinabihan kami ni chief na magstay na roon ng one week. Para raw masanay na kami sa mga on site na trabaho. I will be going with Sian. Si Chief sa unang araw lang siya doon. Kasama rin namin ang to galing da engineering department namin na kinabibilangan ni Paris.

I am really looking forward to this dahil this is my first major project. I want to do a good job para naman makita nila na I am capable.

After packing ay bumaba na ako papunta sa dining table to have dinner. My family is already seated when I arrived.

"Oh nandiyan ka na pala Vince!" exclaimed my mom. "I was about to tell manang to call you."

I bent down to give her a kiss on the cheek bago ako umupo sa upuan ko. "Hello, Mom," I said. I also greeted my father and brother.

"Done packing?" tanong sa akin ni kuya habang sumasandok siya ng kanin.

"Yep," sagot ko naman.

"You'll be staying there for a week, right?" si Dad naman ang nagtanong this time.

"Yes po. Gusto kasi ni Chief na masanay kami sa mga site."

"Hay naku, tahimik na naman sa bahay niyan. Palagi na ngang wala sa bahay ang asawa at panganay ko tapos ngayon pati yung bunso ko aalis na rin," may pagtatampong sabi ni Mom na tinawanan lang nila.

"Huwag ka nang magtampo, 'My," panunuyo sa kanya ng kanyang asawa. "Alam mo naman na busy lang kami ngayon sa firm. Hayaan mo, kapag natapos na ang mga projects na hawak namin, we'll go on a vacation, okay?"

If you're wondering, the firm that my father is talking about, is the same firm where I work. Actually... kami ang may ari ng firm. Kaya nga super busy ni Dad dahil siya talaga ang nagmamanage ng company.

Nagliwanag naman ang mukha ni Mom dahil sa narinig. "Really?" she exclaimed, her excitement clearly evident.

"Oh, ayan Mom," pagsali naman ni kuya sa usapan. "Magbabakasyon daw kayo sabi ni Dad. Huwag ka nang magtampo."

She gave him a look before answering, "Isa ka pa! Palagi ka na lang nasa ospital. Doon ka na ata nakatira eh."

Kuya Val is a doctor, a surgeon to be exact kaya busy siya lagi sa ospital. Mayroon ngang mga times wherein he just sleeps sa office niya sa hospital dahil sa sobrang dami niyang ginagawa. Of course, our Mom understands naman pero siguro namimiss niya lang siguro si kuya. Pero kahit na ganon siya we know that she is so proud of him and his achievements.

Tumango lang siya at pilyong ngumiti pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa pagkain. The food is good at nagkataong paborito ko pa kaya napalakas ang kain ko.

"Oo nga pala, Vince," pagsisimula ng conversation ni Mom. "Diba kasama mo sa project na yan si Paris?"

"Yes po."

"One week rin siya doon?"

The desserts arrived at agad akong kumuha ng tiramisu. "I think mas magtatagal po siya doon since they have to oversee the construction."

"You better take care of her habang nandon ka, okay?" pagpapaalala niya sa akin.

As you can see, my mother loves Paris, no scratch that, my whole family does. Simula nang makilala namin siya ant ang family niya ay tinuring na namin siyang part ng family. It's like we all feel protective when it comes to her.

"Ito namang si Mom," sabi ni kuya. "Hindi naman na kailangan ni Paris ng bantay no. Baka siya pa ang magprotekta dito kay Vince," dagdag pa niya na ikinatawa nila.

I just rolled my eyes at him. "Don't worry, Mom, ako na bahala sa babaeng yun. Hinabilin na rin siya sa akin ng mama niya."

She seemed satisfied with my answer kaya naman nagpatuloy na siya sa pagkain.

***

After dinner, I went back to my room to double check my things then I prepared for bed. Maaga kami bukas and for sure hectic so I want to sleep as much as possible. Matutulog na sana ako when I heard a notification sa phone ko.

A smile immediately formed on my lips when I saw who it was.

"Hi, Love! Good luck on your project. Ingat ka doon ah. Good night! Love you <3

Sweet talaga ng girlfriend ko. How did I get so lucky. Agad akong nagreply

Thanks, Love. Ikaw rin, mag-iingat ka. Huwag masyadong magpakapagod. I'll miss you <3

We talked for a while then we said our goodbyes.

Matutulog na sana ako ulit nang biglang may nagnotify na naman sa phone ko. Sunod sunod ang mga dumating na message kaya kinuha ko na agad ang phone ko sa bedside table.

Can you guess kung sino ang may kagagawan?

Vince! See you tomorrow!

Huwag kang mag-ooversleep ha!

Naset mo na ba ang alarm mo?

Magkape ka bukas bago ka magdrive at alam naman nating hindi ka morning person.

I-charge mo ang phone mo dahil alam naman nating kailangan mo ang gps

Matulog ka ng maaga

Pagdala mo ako ng snacks!

Natawa naman ako sa babaeng to. Daig pa ang nanay kung maghabilin. Ito talagang si Paris.

Hindi ko na siya nireplyan at binalik na sa table ang phone ko para macharge. Buti na lang at pinaalala niya. After that ay umayos na ako ng higa.

Once I found a comforable position ay pinikit ko na ang mga mata ko.

Finally makakatulog na ako.

Help Me Remember ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon