Vince
"Vince!" narinig kong tawag ni Paris sa akin.
Hindi ko siya pinansin dahil tinatamad ako. Kasama ko pa lang siya kanina bat di pa niya sinabi.
"Vincent!" tawag niya ulit pero hindi ko pa rin siya pinansin. Umayos ako ng higa tapos niyakap ko ang unan sa tabi ko.
"VINCENT!" tinakpan ko ang ulo ko gamit ang unan. Bahala siya.
Nang biglang tumahimik ay napangisi ako. Alam ko na ang mangyayari...
A few seconds passed at may biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sabi ko na nga ba.
"Vincent naman eh!" sabi niya pero nagpanggap lang akong natutulog.
Niyugyog niya ako pero dedma ko pa rin siya.
"Hoy, Vincent! Tumayo ka na nga diyan! Di ka naman talaga tulog eh!" she said with an annoyed voice.
Tinanggal niya ang unan na yakap ko pero kunwari ay tulog pa rin ako. Pilit kong pinigilan ang tawa ko. Ang saya talagang pikunin ng babaeng ito.
Tumigil siya ulit. I couldn't open my eyes even if I wanted to. Mahuhuli ako! So I just kept my eyes shut. Lumipas na ata ang isang minuto pero hindi ko pa rin siya naririnig.
Hala.
Napikon na ata talaga siya. Umalis na ata. Ang hirap pa naman suyuin non kapag nagtampo.
Natigil ako sa pag-iisip ng may naamoy akong mabaho. I tried smelling it again and I can't help but scrunched my nose because of how awful it is.
Biglang may tumawa at doon ko narealize kung anong nangyari.
Ang bruhang si Paris, inututan ako!
"Yuck!" napaupo ako bigla dahil sa sobrang pandidiri.
Tinakpan ko ang ilong ko. "Kadiri ka, Paris!" sigaw ko pero imbis na tumigil ay mas lalo pang tumawa ang kasama ko.
Babaeng to. Napaka-dugyot.
"Gawain ba yan ng matinong babae?!" Kinuha ko yung alcohol sa bedside table at ini-spray ito.
Nakita ko si Paris na nakaluhod na sa sahig habang hawak ang tiyan. Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa.
I crossed my arms and waited for her to stop. Hindi ko inalis ang irap ko sa kanya.
"You are one disgusting human being!"
"I-Ikaw kasi," sabi niya in between her laughs. "Nauna ka naman. A-yan tuloy."
I just rolled my eyes at her.
Noong tumigil na siya ay nagsalita na ako. "Ano ba kasi yun?" may inis ko pa ring sabi.
Tatawa na naman sana siya pero pinigilan niya dahil nakita niyang inis ako. "Aayain sana kita sa dinner," maayos na niyang sabi. "Pupunta kasi dito sila Dad bukas. He asked me to invite you to dinner kaya ako tumatawag sayo."
"Yun lang pala," sabi ko. "Tell Tito that I'll come."
Naututan pa ako para lang don? Bat di na lang niya sinabi kanina
"Okie!" she said with a mischievous look in her eyes. Clearly she knows what I'm thinking. "Yun lang naman ang pinunta ko. Baba na ako. Bye!" she said before sticking her tongue out.
Pagkatapos non ay tumakbo na siya palabas ng kwarto.
Napailing na lang ako. Umagang-umaga pero stress na ako. Para akong nag-aalaga ng bata.
Humiga na ako at pumikit. I need to rest. Naunos ang energy ko sa babaeng yon. I am going to sleep... for real this time.
****
Afternoon came at nandito na kami sa site. Kasama ko si Sian sa tent na tinayo para sa amin. He decided to stay here kasi raw wala naman daw siyang kasama sa transient.
"Grabe gusto ko ng umuwi," sabi niya.
"Edi umuwi ka na," sabi ko naman sa kanya. "Ang lapit lang ng transient."
"Siraulo!" tapos binatukan ako. "Manila ang ibig kong sabihin. Miss ko na higaan ko."
"Bukas naman na ang uwi natin," I said as I started arranging the papers on top of the table. "Magtiis ka na muna hanggang bukas."
"Ito na naman sobrang seryoso. Ikaw ba hindi mo namimiss jowa mo?"
I thought of Kyla. Namimiss ko rin naman siya pero kasi sanay naman akong hindi kami laging nagkikita. Dahil hindi nagtutugma ang mga schedule namin, madalang lang kaming nagkikita. We text and video call a lot though.
"Kausap ko pa lang siya kagabi," sabi ko habang patuloy sa pag-aayos ng mga papers.
"Sana all may jowa!" he dramatically said. "Buti ka pa may kausap bago matulog. Hanap na rin kaya ako?"
"Up to you."
He made a face. "Ikaw napakawalang kwenta mong kausap. May topak ka ba?"
Naalala ko na naman yung nagyari kanina and I internally cringed.
"Loosen up, bro!" masigla niyang wika. "Ang mabuti pa tulungan mo akong humanap ng jowa. Wala ka bang marereto diyan?"
"Wala."
"Eh kung si Paris na lang kaya," he said kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Bakit si Paris?" tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi? She's a catch. Pretty and sophisticated."
Ha! Akala mo lang yun. Di mo alam kung gaano ka-dugyot yung babaeng yun.
"Believe me, bro, she's not."
"Alam mo kung wala ka lang jowa, iisipin kong gusto mo si Paris eh."
I raised my eyebrows at him. "And what made you think of that?"
Lumapit siya sa akin. "Tignan mo. One, you're always together. Kapag nasa office kayo pareho, palagi kayong magkasama."
"Yun na yun?"
"Two, you text her all time," dagdag niya.
"Dahil palaging may pinapatanong ang parents ko sa kanya."
"And three, you're so protective pagdating sa kanya."
"That is because-" I wasn't able to finish because he cut me off.
"Yeah, yeah, because she's your bestfriend. Whatever."
Bumuntong hininga ako. "Look, if you really want to court her, go. I won't stop you. Just stop with this nonsense already. Issue ka eh."
He raised his arms to show surrender. "Chill! Topak ka na naman eh!"
Hindi ko siya pinansin.
"Pero wala ng bawian yan ah. Liligawan ko talaga siya."
I felt my stomach sink. My protectiveness kicked in but I stopped it.
"Matanda ka na,"sabi ko, "matanda na rin siya. Kaya niyo na yan."
"Nice!" he said tapos nagsimulang maglakad palayo.
"Where are you going?"
"Kay Paris," he said. "Bahala ka na diyan, bro!" and with that ay naglakad na siya ulit.
Napailing na naman ako sa kanya. Hay naku, Sian. Kung alam mo lang. You're in for a treat. Good luck na lang sayo.
BINABASA MO ANG
Help Me Remember Paris
Romance"Why didn't you tell me?" I asked her. She gave me a bitter smile before answering. "Because it won't change anything." "What do you mean? I have the right to know!" I said. "Bakit hindi mo sinabi na bumalik na yung ala-ala mo. Bakit hindi mo sinabi...