Nakadating kami sa bahay ko dito sa palawan at kasama ko nga si Aki. Ipinalinis ko pa ang isang kwarto kung ang clingy naman nito. Akala mo naman eh palagi akong aalis.
Eto nga at tulog na naman sya at nakayakap sakin. Pag-dating namin ay hindi na sya umalis ng kwarto at natulog agad.
Tumawag si mama, sigurado ako na kakamustahin nya ako sa pag-uwi ko dito sa Palawan.
Hello anak! Anak may nagpadala ng mga bulaklak dito sa bahay, galing kay Tyler Miranda
Ah sige po mama hayaan nyo--hello tita si Aki po ito, paki-tapon nalang po ang mga bulaklak dahil balewala na po iyan kase kami na po Maevis
Narinig ko ang iritan sa kabilang linya kaya napanganga ako sa kasama ko na naka-ngisi ngayon habang naka-pikit.
Ah Ganon ba! Oh sya sige ako na ang bahala!
Sige na po ma
Sige mag-iingat kayo dyan
Napapikit ako ako dahil anytime gustong umusok ang ilong ko.
"At kailan naman naging tayo?" tiningnan ko ang lalaki na ngayon ay kakabangon lang.
"Nagugutom ako tara kain" sambit nya at binalewala ang tanong ko.
Sinamaan ko sya ng tingin at hindi sumunod sa kanya kaya bumalik pa sya palapit sakin.
"Look, i have a plan to court you again, alam kong hindi mo pa ako napapatawad pero gusto ko ng itama this time ng hindi ako aalis"
"Gusto ko makasama ka at willing ako na pakasalan ka basta wag ka lang malayo sakin. Pagbalik natin sa Cavite ipapaalam ko na agad sa kanila ang nangyare satin at ang plano ko" tumulo ang luha ko at alam ko na tears of joy iyon.
"Pina iyak mo na naman ako, palagi nalang akong naiyak dahil sayo" pinunasan nya ang luha ko gamit ang mga kamay nya.
"Pinapangako ka na iiyak ka na dahil sa saya. Hindi ako perfect at hindi rin ako buo kung wala ka, baka sa mental ako makita kapag nawala ka pa" ani nya at ni yakap ako.
"Hindi ko susubukan na mag-worth ito dahil gagawin ko ang lahat mag-worth lang uli ako para sayo. Pipilitin ko na pangitiin ka kahit pa sa kalungkutan, isasa-isip at isasa-puso kita palagi Elisabeth" masaya akong tumango sa kanya.
Mali talaga ako ng hiniling ko sa kanya na kalimutan namin ang isat-isa dahil hindi ko din talaga kaya na alisin sya sa puso at isipan ko. Parte na sya ng buhay ko na mahirap alisin.
Sinabi ko pa magiging masaya ako kapag kinalimutan nya ako pero sa loob ng limang taon ay binabagabag ako ng hiling na iyon. Hindi ako naging masaya bagkos ay naging malungkot iyon at parang may kulang.
Nasaktan ako ng time na iyon kaya hindi na ako nakapag - isip ng tama. Basta ko nalang hiniling na mawala sya sa isip ko.
AKI'S POV
She's fifteen years old that time at naguumpisang i-bulid ang sarili at mag-grow kaya hindi pa iyon ang tamang panahon para sa aming dalawa. Hindi ako bantay salakay dahil gumawa ako ng pangako kay daddy na iiwasan ko si Elisabeth dahil bata pa ito.
Nag-promise kami ni Elisabeth na gagawa kami ng pader sa pagitan namin para hindi pakialaman ang buhay ng isat-isa, alam ko na pinasama ng parents ko ang image ko kay Elisabeth para hindi ito magka-interesado sakin at mag-focus sa pag-aaral.
Sabi naman ni daddy na kung kami talaga ni Elisabeth ay dadating ang araw at panahon para sa amin.
Graduate na ako ng mag-umpisa sya ng high school pero nagpanggap ako na napasok pa din para pumasok sa isip nya na bumalik ako sa pag-aaral dahil sa katamaran ko.
