Chapter 2

176 11 0
                                    

AOD: CHAPTER 2

JAKE POV

"Na try mo na bang kumain ng mais?" Hindi ko mapigilang tanong sa kaniya dahil sa banat niya.

"Ah! Oo! Paborito ko 'yan! Bakit mag dadate ba tayo?"

"Kaya pala." Tumango tango ako. "Magkatulad pala kayo ng paborito mo, ang corny mo." Nilampasan ko siya at lumabas dahil 12:30 na. Sigurado akong maya maya ay dadating na ang School Bus na maghahatid sa kanila pauwi. Nalaman ko ito sa alarm na nasa cellphone ni Chinito.

Ilang minuto lang akong naghintay ay may huminto na Bus sa harapan ko at lumabas ang dalawang bata. Tumakbo ito palapit sa 'kin at niyakap ako. At dahil nakatayo lang ako, hindi makagalaw dahil sa ginawa nila. Kaya sa hita ko lang sila nakayakap dalawa.

"Hi babies! Nandito na pala kayo!" Masiglang sigaw ni Maine at niyakap ang dalawang bata kaya napabitaw ang dalawa sa 'kin.

Napakunot ang nuo ko. Wala bang ina ang dalawang bata na ito? Nasa'n ang nanay ng mga batang 'to?

"Pasok na sa loob!" Matinis na sigaw ni Maine bago sila naghabulan at tumakbo papasok sa loob.

Nakapamulsa akong pumasok sa loob. Nakita ko sila na nag aasaran sa may sofa, naglalaro nang bahay bahayan. "Look po! Ang pretty po ng barbie."

"Like you baby Charlie," pinisil nito ang pisnge ng batang babae.

Nagtungo ako sa kusina bago nagluto ng pwedeng kainin namin sa haponan. Pero bago 'yon lumabas muna ako para bumili ng snack. Para rin alam ko kung nasaan ba ako? Saang parte ng pilipinas ba ito?

Simple lang ang village pero tahimik. Halatang magkakaibigan ang mga nakatira rito. Nang tuluyan akong nakalabas sa Village ay doon ko nakita ang mga nagtitinda sa labas na mga vendor. Naghanap ako ng pwedeng snack ng mga bata dahil na rin gutom na ako. Nang makakita ako ng Bananaque ay lumapit ako roon at bumili ng saging. Kinapa ko muna ang bulsa ko. Doon ko nakita ang isang wallet. Binuksan ko ito at doon ko nakita ang pera. Napatigil ako ng makakita ng litrato. Picture ng kambal kasama siya.

Ano bang dahilan? Nasa'n ka ba ngayon Chinito?

Gwapo naman siya. Medyo maliit ang mata niya, inosente ang mata at mukha. Para siyang batang ama na walang alam sa mundo. Kaya lang pasensya na, mas gwapo ako.

Nang maibigay na niya sa 'kin ang sukli ay bumalik na ako sa village. Nakita ko sila na naglalaro sa may sala pagkabalik ko. Nilagay ko sa pinggan ang mga saging bago ko sila pinuntahan.

 "Thanks Papa!" Magiliw na sigaw nilang dalawa at kinuha ang saging nila.

Binigyan ko rin si Maine ng saging, umupo ako sa tabi niya at pinanuod ang dalawa na kumakain habang naglalaro.

"Wala kang alam? O baka kinalimutan mo lang?" Napatingin ako sa kaniya ng makarinig ako ng lungkot sa boses niya.

Pinagsasabi nito? "Ano ba kita?"

"Wala!" Masigla ulit nitong sabi. "Tulad nga ng sinabi mo sa 'kin no'n, kalimutan nalang natin lahat." Tumayo ito at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig agad din naman siyang bumalik. "Uminom kayo, kambal!"

Sino ba ang Chinito na 'to? Sino ba ang taong 'to? Ano bang kailangan kong gawin para makaalis na ako sa katawang 'to? Nasa'n naman ang katawan ko?

"Papa may event po sa school," ani Charlie pagkatapos niyang uminom.

"Anong event naman?" tanong ko sa batang babae.

"Family Day po!" Sabay na sigaw ng kambal habang masayang masaya na nagkukwento dahil excited na raw sila sa paparating na Family Day.

Family Day... Ibig sabihin, may papa at may... napatingin ako kay Maine na nakatingin din pala sa 'kin. Ngumiti siya sa 'kin pero kaagad din'g nawala ang ngiti bago nag iwas ng tingin.

"Ayos lang naman sa 'kin kung ayaw mo—"

"Pwede ka ba sa araw ng Family Day?" pagputol ko sa sasabihin niya.

"Talaga?" Gulat itong nakatingin sa 'kin na para bang hindi siya makapaniwala sa tinanong ko sa kaniya.

"Ayaw mo ba?"

"Syempre naman, oo!" masaya nitong sabi.

"Yehey!" Masayang sigaw din ng kambal na hindi ko napansin na pinapanuod pala nila kami. Bigla silang nagsayawan tatlo habang nagtatalon sa tuwa.

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa kanila.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Once A Dad || COMPLETED ||Where stories live. Discover now