Chapter 4

134 6 0
                                    

Tumakbo ako at sumakay din doon. Pinagmamasdan ko siya. Pagod ang nakikita ko sa mga mata niya. Anong nangyari? Huminto ang Elevator kaya sinundan ko siya at pumasok ito sa Private Room. Nanlaki ang mata ko ng makita ang katawan ko na nakahiga sa Hospital Bed habang maraming nakakabit na aparato sa 'kin.

"Hi Love, Dalawang buwan na. Gising kana oh. Maawa ka naman, ayaw kong pati ikaw mawala at iwan ako." Iyak na pagkausap niya sa walang malay na ako.

Tumalikod na ako roon at umalis bago nagpatuloy sa paghahanap kay Doc Marquez. Ng makita ko ito ay nakinig lang ako sa Doctor at hindi nagtanong dahil wala naman akong alam tungkol sa kundisyon niya. Tulala ako habang umuuwi. Puno ng katanungan ang isip ko. Ang pag iyak ni Angel. Tapos nalaman ko na buhay pa pala ang katawan ko kaya lang naligaw ang kaluluwa ko sa ibang katawan. Tapos nalaman ko pa ang sakit ni Chinito, Brain Tumor.

Nagkulong ako sa kwarto bago sinabunutan ang buhok ko. Napatigil lang ako ng makarinig ako ng katok. Tumayo ako at binuksan ito. Sumalubong sa 'kin si Maine na nakangiti.

"Anong kailangan mo?"

"Tulog na ang mga bata."

"Salamat, makakaalis kana." Sinara ko ang pinto.

Dumating ang Family Day. Excited sila, nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila na masayang nagkkwentuhan. Nang marating na namin ang paaralan ay binigyan kaming apat ng pulang t shirt na may print na Family Day sa harap at sa likod naman ay kung ano kami sa pamilya, Papa, Mama, Ate at Kuya.

Madami ang nakilahok. Masaya ang mga magpamilya na nakikisali sa laro. Hinila ako ni Charlie at napansin ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa gitna. Piggy Back ride ang larong 'to. Kaya lang ang pinagkaiba, hindi mga bata ang mag pipiggy back kundi ang Mama.

"Go po!"

"Ayiee! Si Papa."

Nakipagtitigan ako kay Maine na namumula ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Tumalikod ako at tiningnan siya. "Piggy Back na."

Agad naman itong sumunod. Hinawakan ko ang hita nito para hindi siya mahulog at tumalon para maayos ang pwesto niya. Kaya lang ang pinagkaiba nito. Ay may nakatakip sa mata ko habang si Maine ang magiging mata ko siya ang magtuturo sa 'kin kung saan nakalagay ang red flag.

Mahigpit ko lang na hinawakan si Maine baka kasi mahulog ito. Nagsimula na akong maglakad. Naramdaman ko ang pagyakap ng hita ni Maine sa 'kin bago siya humiga sa balikat ko. "Lumiko ka, maglakad ng apat na hakbang tapos lumiko ka ng dalawang hakbang at magpatuloy ka ulit." Sinunod ko yung sinabi niya.

Hanggang sa pinahinto niya ako at tumahimik siya saglit. "May patibong dito eh," bulong niya.

"Ano ang gagawin?"

"Marunong kabang maglakad gamit ang isang paa mo?"

"Pinagluluko mo ba ako?"

"Seryoso ako," tawang sagot niya. "Tumalon ka ng dalawang beses gamit ang dalawa mong paa at tumalon ka ng pitong beses gamit ang kanan mong paa at isang beses sa kaliwa."

Napailing nalang ako at sinunod siya. Tumalon ako ng dalawang beses habang naglalakad, patalon naman akong lumakad ng pitong beses gamit ang kanang paa ko. At isang beses sa kaliwa. Hininghal ako na tumigil bago ko narinig ang malakas na palakpakan. Ramdam ko naman ang pagbaba ni Maine bago ko naramdaman ang pagtanggal niya sa nakatakip sa mata ko.

Napatingin ako sa kamay niya ng hawak na niya ang red flag bago niya ito kinaway sa ere.

Nag enjoy ang lahat sa Family Day pero hindi pa tapos ang lahat. Umupo kami sa upuan na nasa gym. Hindi namin kasama ang mga bata. Hanggang sa bumukas ang malaking kurtina na nakatakip sa stage. Bago namin doon nakita ang mga bata. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila.

Sumasayaw sila sa harapan ng buong sigla at ng buong pagmamahal habang nakatingin sila sa 'kin.

"Ako po si Charles, ang Papa ko po ay isang Doctor." Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon. Doctor si Chinito? "Ang Mama ko po ay," biglang lumungkot ang mukha nito at hindi pinatuloy ang pagsasalita.

Napatingin ako sa katabi ko ng marinig ko ang iyak niya. Umiiyak si Maine habang nakatingin sa kambal.

Maagang natulog ang dalawa pagkauwi namin dahil siguro sa pagod. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa likuran nito bago ko nakita ang isang hagdan patungo sa bubong. Umakyat ako doon at umupo sa bubong bago tumingin sa paligid. Tahimik lang, hanggang sa may naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Inom tayo," binigay niya sa 'kin ang isang baso na may laman na beer.

Tinanggap ko ito uminom ng kunti. Ramdam ko ang pait nito sa dila ko. Kunti lang ang nainom ko habang si Maine naman ay kunti nalang ay babagsak na ito sa sobrang pagkalasing.

"Alam mo, ikaw 'yong unang lalaki na nanakit sa 'kin ng ganito." Taka akong napatingin sa kaniya. "Mahal kita e. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sa 'yo. Pero bumalik naman ako diba? Bumalik ako para bumawi sa 'yo at sa mga anak natin."

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi niya. "Ikaw si Stephanie?"

"Tingnan mo, pati pangalan ko kinalimutan mo. Opo, ako po si Stephanie Maine Gonzales 'yong girlfriend mo dati. Alam mo ba na may sinabi ka sa 'kin n'on na hindi ko makalimutan? Ito 'yong araw na nakipaghiwalay ka sa 'kin. Sabi mo n'on... 'Hindi na kita kilala, anong pumasok sa kukuti mo at balak mong patayin ang walang malay na bata na nasa sinapupunan mo. Demonyo ka ba? Wala ka bang puso? Ayaw ko na maghiwalay na tayo. Pero isilang mo muna ang anak ko. Pagkatapos mamuhay kana ulit na parang dalaga parin. Walang pipigil sa 'yo dahil simula sa araw na 'to wala na akong pakialam sa 'yo'... Ang sakit sakit, ang sakit Chinito. N'ong pinanganak ko ang kambal. Hindi ko man lang sila nabuhat, hindi ko man lang sila nakita. Umalis ka nalang bigla pero bago 'yon may sinabi ka sa 'kin... 'Aalis na ako, hinding hindi muna makikita ang kambal. Wala ka namang pakialam sa kanila. Muntik mo na nga silang patayin diba? Mamuhay ka ulit na parang dalaga, kalimutan mong may anak ka, kalimutan mong naging tayo, kalimutan mo na may Chinito na nagdaan sa buhay mo. Dahil simula rin sa araw na 'to kakalimutan kuna rin kung sino ka.'... Bumalik ako at humingi ng tawad sa 'yo pero pinagtulakan mo ako palayo. Pinagsiksikan ko 'yong sarili ko sa inyo at nagbabakasali na patawarin mo ako." Walang tigil ito sa pag iyak hanggang sa nakatulog ito. 

Napapikit ako. Ano bang dapat kong gawin?

Once A Dad || COMPLETED ||Where stories live. Discover now