Chapter 1

431 13 0
                                    

OAD: CHAPTER 1

JAKE POV

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ang pagkirot nito. Biglang pumasok sa isip ko ang banggaan, ang apoy, ang ingay ng ambulansya at ang ingay ng mga tao sa paligid.

Napakunut ang nuo ko ng maramdaman na may nakadagan sa 'kin. Nakakapagtaka lang, sa pagkakaalam ko patay na ako. Mas'yadong malakas ang pagkabangga ko sa truck.

Sinubukan kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko kulang pa rin ang tulog ko.

"Papa! Gising na po! Ma lalate na po ako sa School!" Agad akong napamulat dahil sa batang bumulong sa 'kin. Napaupo ako ng wala sa oras agad kong hinawakan ang bata bago pa ito mahulog sa kama. Nakaupo siya sa t'yan ko habang ang inosente niyang mga mata ay nakatingin sa 'kin.

Nasa'n ako? Kung hindi pa ako patay, edi sana nasa hospital ako ngayon. Ito ba ang kabilang mundo? Mundo ng mga pumanaw na? Pero bakit naman bigla akong nagkapamilya sa mundong 'to? Nakipagtitigan ako sa bata na seryoso ring nakatingin sa 'kin.

"May problema ka po ba Papa? Ang creepy niyo po tumingin."

Bago pa ako makasagot ay biglang tumunog ang cellphone na nasa gilid ng kama. Kinuha ko ito at tiningnan. Naka alarm ito, 7:30 am ALARM!... Kailangan mo nang gumising dahil ihahatid mo pa si Charles sa School.

Siya si Charles? Tanong ko sa isip habang nakatingin sa batang nakaupo parin sa kandungan ko.

"Papa naman! Ma lalate na ako! Si Ate po ayaw pa pong gumising!" Ate? May isa pa? Ilan ba sila?

Nang hindi ako tumayo ay hinawakan ng bata na si Charles ang kamay ko at iginiya ako palabas. Tumambad sa 'kin ang magulong bahay pagkalabas ko sa k'warto.

Nakakalat sa sahig ang mga laruan, nasa gilid gilid ang mga maduming damit. Nagkalat din ang mga unan at halos lumabas na laman ng unan na mga feather at foam. Dinala ako ni Charles sa isang maliit na kwarto na may dalawang maliit na kama na kulay pink ang isa at kulay blue naman ang isa. Sa kulay pink na kama nakahiga doon ang isang batang babae na mahimbing na natutulog.

"Gisingin mo po si Ate Papa!" utos nito sa 'kin.

Dahil wala naman akong alam kung anong gagawin ko ay sinunod ko ang utos ng bata sa 'kin. Ginising ko ang batang babae. Mahina ko itong niyugyog pero hindi pa rin ito nagigising.

"Kilitiin mo po siya Papa," tawang sabi nito sa 'kin.

Napakunot ang nuo ko bago kiniliti ang batang babae na natutulog. Ang kaninang mahimbing na natutulog ay bigla nalang naglikot sa kama dahil sa pagkiliti ko. Tawa ito nang tawa at sigaw nang sigaw dahil sa ginawa ko. Ang batang lalaki naman na nasa gilid ko ay patuloy sa pagtawa habang inaasar ang Ate nito.

"Papa! Tama na po! Gigising na po ako! Haha opo!" Tumigil ako dahil sa sinabi niya.

Inayos ko ang higaan nila nang umalis na ang dalawa para maligo. Tinupi ko ang mga nagkalat na damit sa sahig. Nilagay ko sa gilid ang mga nagkalat na laruan. Inayos ko rin ang kama. Nang matapos ako ay lumabas na ako sa k'warto ng mga bata, sakto namang lumabas na ang dalawa sa banyo habang may suot itong roba. Pumasok silang dalawa sa k'warto nila kaya sumunod din ako sa kanila.

Kinuha nila ang uniform sa kabinet na nasa pinakagilid ng kwarto. Nakatingin lang ako sa kanila habang nagbibihis sila. Nang makita kong nahirapan sila ay umupo ako sa maliit na kama bago ko sila tinulungan na isuot ang uniporme.

"Papa! Kakain na po tayo!" Excited ang dalawa na tumakbo patungo sa kusina. Umupo sila habang nakatingin sa 'kin.

"Amh, hindi pa ako nakapagluto," peke akong tumawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Once A Dad || COMPLETED ||Where stories live. Discover now