EPILOGUE

486 47 2
                                    

Follow me in my other social media accounts:

- Facebook Account: Marple Dame

- Facebook Group: MARPLE DAME Stories

- Facebook Page: Yours Truly by Lady On The Next Cubicle

See ya!

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

10 YEARS AFTER

"Ah! Ang sakit sa balakang!" Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutin ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom.

"Mind over matter. Mind over matter." Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. "Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman."

"Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako."

She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students.

"Ahhh... hindi ka maka-relate kasi baby face ka."

"Ewan ko sa'yo." Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands, 'Don't mind Teacher Cynthia, kids. She's just hungry.'

Siniko siya ng kasamahan. "Oy! Anong sinabi mo sa kanila? Ang nakuha ko lang ay Teacher Cynthia.'"

"Sinabi ko lang sa kanila na kinagat ka ng butiki kaya panay reklamo mo."

"Pero Naomi, ang galing mo magdala ng mga bata, 'no? Lalo na sa mga katulad nila na may kapansanan."

"Hindi naman kasi sila naiiba." She tucked her hair behind her ear. Umupo siya sa isang maliit na upuan at binabantayan ang mga estudyante niyang may coloring activity. "You just treat them like normal kids with special needs. That's all. Doon kasi nagsisimula ang insecurities nila kung pagbabawalan mo silang makipaghalubilo sa mga kaedad nilang walang mga diperensya."

"Pwede ka nang mag-asawa."

"Ha? Ba't dumating diyan pag-uusap natin?"

"Magaling ka sa bata, maganda, mabait, masarap pang magluto... perfect wife material kumbaga."

Naomi looked outside the window as she leaned her cheek on her hand. "Wife material, huh?"

"Nao, ang dami nang nanliligaw sa iyo pero lahat sila binasted mo. Nasa marrying age na tayo, 'no." Umupo ito sa tapat niya. "Sayang iyong seaman na manliligaw mo. Sino nga uli 'yon? Direk? Drake?"

"None of the above. Si Declan."

"Ah, Declan pala. Sayang 'yon! Gwapo, mayaman at higit sa lahat... seaman!"

She shrugged. "Wala pa sigurong nakakakuha ng kiliti ko."

"Weh? O may hinihintay ka lang talaga."

Tumayo na siya nang may isang estudyante ang nagtaas ng makulay nitong papel. Good thing her students can't hear Cynthia being noisy and nosy at the same time.

"Ha! May hinihintay ka ngang talaga" Ngumisi ito. "Sino 'yan, ha? Sino 'yan! Childhood sweetheart mo na pinangakuan kang pakakasalan ka kapag nakapagtrabaho na siya?"

"Hindi. Hinintay ko lang na pumunta sa Pilipinas si Chris Evans para pikutin ko."

"Baliw."

Tumawa siya nang lumukot ang mukha nito.


Hinawakan ng isang bulag na estudyante ang kamay ni Naomi nang magsiuwian na kinahapunan. Naomi kneeled infront of the little boy and pinched his cheek – a reassuring sign that she sees him. "Mag-iingat ka pauwi, Ian."

Fortune Cookies (A Novelette)Where stories live. Discover now