V: WO AI NI

3.8K 282 48
                                    

Follow me in my other social media accounts:

- Facebook Account: Marple Dame

- Facebook Group: MARPLE DAME Stories

- Facebook Page: Yours Truly by Lady On The Next Cubicle

See ya!

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Hindi magkamayaw ang mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya.

Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to.

"Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!"

"Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?"

"Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?"

"Sino kaya groom niya?"

"Hala! May nabiktima na naman!"

Yumuko nalang ang namumula sa hiya na dalaga. 'Lintek! Ano ba 'to?! Sino'ng Hudas ang trinaydor ako?! Oras na malaman ko kung sino ang hinayupak ang na 'yon. Humanda siya!'

Nag-ngitngit siyang nag-iwas ng tingin sa mga tumitingin sa kanila.

She hated being the center of attraction. Nilalamon kasi siya ng insecurities niya.

Napa-atras siya para hindi mabangga sa nakaunang Kupido nang bigla itong huminto sa harap ng isang classroom. Lumapit siya rito. "E-Excuse me po. A-Anong gagawin ko po rito? K-Kuya, baka naman palampasin niyo nalang 'to, o. Dodoblehin ko kung magkano ang binayad nila sa inyo."

Hindi siya nito pinansin. Bagkus binuksan nito ang pinto. "May isang bride pa rito!"

Sumilip siya sa loob.

"D-Diyos ko..." Napalunok siya. Gusto niyang mawala na parang bula sa nakita. "Seryoso ba talaga sila?'

Nagkakagulo ang nasa loob sa mag-me-make-up at sa pagsusukat ng mga gown sa mga babaeng estudyante na ikakasal kuno.

Ito ang ayaw na ayaw niya. Make-up at gown.

Aatras na sana siya nang bumangga ang likod niya sa dibdib ng isang Kupido na noo'y nakangiti na sa kaniya. "Pasok na po kayo, Ms. Sandoval."

"Hehe." Pagak niyang ngiti. "S-Sigurado ba kayong Naomi Ruth B. Sandoval ang nasa papel? N-Naku, ang dami pa namang Naomi sa eskwelahan! S-Sa mundo!"

Niyuko nito ang hawak na papel. "Pero ikaw lang ang Naomi sa Section Jupiter, tama?"

Bahagya niyang nasilip ang hawak nito. 'Requested by...' "Tang*na..." Palihim niyang mura. '...Chad Michael Jaime.' "Letse ka, Chad..." Nangangalaiti siyang pumasok sa classroom.

"Bobby? Sino 'yan?" tanong ng isang babaeng estudyante na siyang nagmamando sa mga kapwa estudyante rin na nag-me-make-up sa ikakasal. "Bagong dampot?"

"Oo." Binalingan siya nito at nilahad ang kamay sa papunta sa bakanteng upuan sa harap ng salamin. "Upo ka doon, Ms. Sandoval."

"Bobby! May dadamputin tayo sa Section Sampaguita!" tawag rito ng isang Kupido sa labas.

"Andiyan na!" Dali-dali nitong tinanggal ang lubid sa kamay niya sabay tumakbo palabas.

Nang mawala na ito'y agad siyang nagplano na tumakas pero...

Fortune Cookies (A Novelette)Where stories live. Discover now