"Damn girl! You look stunning!" My makeup artist praised as she stepped back to look at me.
"Thanks," natatawa kong sabi. Tonight, I'm getting ready for the charity ball at Sibol. Nasa kwarto lang ako, inaayosan.
"I'm sure your boyfriend is so lucky tonight." Dagdag pa niya.
Umiling ako. "I don't have a boyfriend po."
"Talaga ba? Akala ko kase kayo ni Dos. I saw you both one time sa Rancho, and balita ko rin sa mommy mo that you guys are very close." Ani niya.
"We're just friends po," tumango naman siya habang nakangisi. Hindi ata naniniwala. Hinayaan ko na siya dahil wala rin namang kwento yung paliwanag kase ayaw niya maniwala.
Pinatuloy na niya ang pag-aayos sakin ng may kumatok sa pintuan. "Ma'am, delivery po galing kay sir William."
Agad naman akong napatayo para kunin yung gown ko. Nilatag ko naman iyon sa kama at binuksan. Kumunot ang aking noo ng makita yung gown na una kong pinili. Di naman ito yung kinuha ko. It was nice, but it wasn't my mother's choice.
Hinanap ko naman kaagad yung card na kasama. Nanlaki ang mga mata habang binabasa iyon.
From: Demitri Montero
This matches more with my suit ;)
Bago ko pa man kunin ang cellphone ko, kaagad naman itong nagring. And I wasn't even surprise of who was calling.
Incoming call from @Dalawapogi
Agad kong sinagot. "What did you do?"
[Binili ko. Yan naman daw yung gusto mong gown sabi ni William.] He sounded proud. Napamasahe ako sa sentido.
"But mother's going to kill us both, Dos." I bit my lower lip.
[Chill lang, ha? Pinaalam na kita nga kita kay tita.]
Napabuntong hininga ako. "But why do that? William's gowns are expensive, Dos."
[E ano naman? Pera ko yung ginamit ko diyan. 48k lang naman. Di masyadong masakit sa bulsa.] He said in an ease. Napanganga ako sa sinabe niya.
"Dos!"
[Ha? Chappy ka A-ail. Nawawalan ng s-signal. H-hello? Ail?] And with that he ended the call. Napasinghap ako at wala nang nagawa.
"Friends," Natawang sabi ni make up artist ko. Umirap nalang ako at patuloy na nagpa-aayos sa sarili.
I was standing all alone in the cocktail table like a lost puppy. Wala akong ginawa kundi makipagbeso at kumausap ng mga taong gusto ipakilala sakin ni mommy.
Kanina pa ako rito at wala parin yung sira-ulong yun. Well, the event hasn't really officially started yet. They were just taking pictures and filming for interviews and other media stuffs.
I sighed as I opened my phone to message him.
@its_Ailopez: where the hell are you?
@its_Ailopez: late again, huh?
I arched a brow when he responded quickly.
@dalawapogi: fyi madam di ako late, sadyang bobo ka lang maghanap
Napakunot naman ang noo ko nang mabasa ko yun. Kaagad naman ako lumingon sa paligid ko, pero kaagad naman akong natigilan nang may humawak sa bewang ko kaya nagulat agad ako.
"Anak ng gag-"
"Lutong magmura, ah?" He teased. Napairap naman ako at kinurot yung gilid niya. "Aray!"
"Gago ka kase!" I crossed my arms above me chest, looking away.
"Kala mo di ako sisipot?" Tumawa siya, kaagad ko naman hinampas yung braso.
YOU ARE READING
Memories with the Sorin
Romance🎸 Querencia Series 2#. Ail Lopez has always been Querencia's muse, well that's what she wants the people of Querencia to think. Under her mother's constant pressure, she must pretend and must put up a fake image of herself for the people's likings...