"BIGYAN MO NG HALAGA BAKA MAIWAN KANG MAG-ISA"

1 0 0
                                    

Kinapos ng paghinga
Laging tulala
Mata'y lumuluha
Wala akong kikita

Tinatanong ang sarili
Tunay ba ang pangakong sinabi?
Saan nga ba ako nagkamali?
Bakit iba ang iyong pinili?

Hindi ako perpekto
Tao lang din ako
Nag kakamali tulad mo
Pero marunong akong makuntento.

Mas pinili kong lumaban
Kesa relasyon ay bitawan
Naniwala sa salitang pagmamahalan
Kahit sa huli ako'y iiwanan

Utak ay binalot ng pangamba
Puso'y hindi mapigilang mabahala
Tama bang ipaglaban ka
O hayaan nalang mawala?

Hindi mo binigyan ng halaga
Oras mo ay nasa iba
Kaya wag kang magtaka
Kung sa huli maiwan kang mag-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"BIGYAN MO NG HALAGA BAKA MAIWAN KANG MAG-ISA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon