••~••♠️♠️♠️♠️♠️••~••
Uga ng Higaan
••~••♠️♠️♠️♠️♠️••~••
Click! Click! Thud!
Mabilis na napadilat ang aking mga mata.
"Ang tatay!!!" Awtomatikong sigaw ng aking isip.
Pupungas-pungas akong bumangon sa aking kama at lumabas ng aking silid. Katulad ng dati ay muli kong binuksan ang ilaw upang lumiwanag ang bahay. Muli kong nakita ang aking ama na nakatayo sa harapan ng pintuan at pilit itong binubuksan.
"Tay....." tawag ko sa pangalan nito kasabay ng marahang pagharap nito sa akin.
Ini-abot ko sa isang kamay nito ang laylayan ng aking damit. Panandalian itong tumayo lamang doon habang sinasalat ang tela ng aking suot na t-shirt. Maya-maya pa ay ipinatong ko ang aking kamay sa balikat nito upang ito ay gabayan pabalik ng kanyang silid.
Muli akong kinabig nito sa kanyang tabi matapos makarating sa kanyang kama. Katulad ng nakaraang gabi ay mahigpit uli ako nitong niyakap.
Tumagilid ako ng higa at tinalikuran ito. Kusa namang lumingkis ang isang kamay ni itay sa aking bewang. Damang-dama ko ang pagdampi ng hininga nito sa aking batok at ang maiinit na singaw ng kanyang katawan.
"Pagbigyan mo na ang tatay..... nalulumbay lang iyan..... wala namang masama sa yakap ng isang ama" sabi ng isang bahagi ng aking isip.
Sinabayan ko ang ritmo ng paghinga nito at bago ko pa namalayan ay tuluyan na akong nilamon ng antok at matinding pagod.
••~••♠️♠️♠️♠️♠️••~••
Mabilis na lumipas ang mga araw matapos ang nangyaring paglalahad ko ng saloobin sa aking ama. Mukhang malaki ang naging epekto nito dahil unti-unti ko itong nakitaan ng pagbabago.
Bagamat paminsan-minsan ay di pa rin nito mapigilan ang sariling mag-inom, at least ngayon ay regular na itong pumapasok sa trabaho at nabawas-bawasan na rin ang paglalasing nito.
Sabi nga nila, ang pagbabago ay hindi binibigla. Isang maliit lamang na hakbang ang kailangan araw-araw sapagkat maiipon din iyun ng hindi natin namamalayan.
Ang isa pang bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ay ang paglalakad nito habang natutulog. Madalas pa din akong nagigising sa kalagitnaan ng gabi dahil sa kaluskos at kalabog ng pintuan.
Bagamat hindi ito nagsasabi sa akin ay alam kong labis pa rin itong nalulungkot. Siguro sa paglipas ng panahon ay maghihilom din ang sugat nito sa puso at kusang mawawala ang pag sleep walk nito.
Ang importante sa ngayon ay nandidito lamang ako, laging nakaantabay at handa siyang tulungan. Kahit pa nga na madalas akong napupuyat sa gabi ay hindi ko na ito masyadong iniinda sapagkat unti-unti na rin akong nasasanay na makatabi ito sa pagtulog.
Sinisigurado ko na lamang na lagi akong nauunang gumising dito sa umaga upang lumipat sa aking silid para hindi ito makaramdam ng guilt. Ayokong isipin nito na siya ay nagiging pabigat lamang sa akin.
Lingid sa aking kaalaman ay mas lalo pa pala kaming paglalapitin ng tadhana sa paraang hindi ko inaasahan.
••~••♠️♠️♠️♠️♠️••~••
Nag simula ang lahat isang gabing kainitan ng panahon. Muli akong nagising dahil sa ingay sa labas ng aking kwarto. Awtomatikong dumilat ang aking mga mata upang puntahan si itay at ibalik ito sa kanyang silid.
BINABASA MO ANG
Tattoo Book 2: Itay
Short StoryR18+ Mature Content Gay story Please don't forget to vote and comment