Past or Present

871 26 1
                                    

Naglalakad si Deanna at Ivy papasok sa building ng condo ni Deanna. Ilang linggo na ang nakalipas simula nung nanalo ang N.U. Mag-iisang buwan narin simula nung naging sila. Nakatira na ngayon si Ivy sa condo ni Deanna dahil ayaw nga ng huli na sa NU dorm pa tumuloy si Ivy since may condo naman daw siya. 

Kasalukuyang nasa condo si ate Mara, Angelica at ang nobya netong si Donna. May balak kasing mag tagaytay ang magkakaibigan bukas ng umaga kaya minabuti na ni Deanna na sa condo na niya patulugin ang mga kaibigan.

Pag pasok ng condo ni Deanna at Ivy ay nagulat sila sa taong nakaupo at kausap sila ate Mara. 

Si Jema. Jema Galanza, ex ni Deanna.

Agad naman napatayo ang apat pagkakita sa mag kasintahan.

"Deanna" sambit ni Jema. Napatingin rin naman ito kay Ivy "Ivy nandito ka pala" dagdag nito.

"Jema. anong ginagawa mo dito? may kailangan ka ba?" Casual na tanong ni Deanna habang paupo sa upuan. nahalata naman niyang hindi komportable si Ivy kaya hinawakan niya ang kamay nito.  Napatingin naman si Jema sa kamay ng dalawa.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Jema.

"Sure! About saan ba?" sagot ni Deanna

"Tayong dalawa lang sana"- Jema.

"Ahh sige Deanna lalabas muna kame nila ate A. Bibili narin kame ng makakain natin" sagot ni Ivy dahil di na nakasagot si Deanna. Agad namang tumayo si Ivy at ang mga kaibigan nila.

"Ah Jema pwede bang dito na muna ako? ang sakit kasi ng tyan ko eh. Mag babanyo lang sana hehe" Pagdadahilan ni Donna. sabay pasok sa banyo bago pa makapag salita si Jema. palihim rin itong kumindat kay Ivy na para bang nag sasabing siya na ang bahala kay Deanna. 

 Tinitignan lang naman ni Deanna si Ivy at mga kaibigan palabas ng bahay.

"Tungkol saan ba Jema?" tanong ni Deanna "bakit kailangang tayong dalawa lang?" dagdag pa nito.

"I want you back! Mahal parin kita Deanna." Sambit ni Jema sabay lipat sa tabi ni Deanna at hinawakan ang kamay ng huli.

Agad naman binawi ni Deanna ang kamay niya at umurong palayo kay Jema. "haha Jema Ok ka lang ba? Isang taon na tayong hiwalay."

"Sa isang taong yon Deanna ikaw parin yung nasa isip ko" sagot ni Jema. "After kitang makita nung game natin napatunayan kong ikaw parin talaga" dagdag pa nito

"Si ate Ella? lolokohin mo rin siya gaya ng ginawa mo sakin?" tanong ni Deanna

"Nakipag hiwalay ako. nung nakita kita nawala yung pag mamahal ko sakanya. hindi ko alam Deanna pero....pero ikaw lang naiisip ko pagkatapos non. Kaya lagi kameng nag aaway hangang sa nakipag hiwalay na ko." paliwanag ni Jema

"Wow ibang klase karin talaga no. Pagkatapos mo kong iwan at lokohin haha. Unang una sa lahat Jema tapos na tayo, nakamove on na 'ko. Pangalawa ayoko makipag balikan sayo at higit sa lahat may girlfriend na 'ko."  sagot ni Deanna sabay tayo. "Makakaalis ka na" dagdag pa nito. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan dahil gusto na niyang makausap si Ivy. alam niyang nasasaktan ito at galit sakanya. At baka lalo pa itong masaktan kapag nalaman itong mga sinasabi ni Jema. Ayaw niyang mangyari yon. Ayaw nyang masaktan ang kasintahan.

"Si Ivy ba?" tanong ni Jema na nakayuko na ngayon.

"Oo si Ivy nga. Mahal ko siya at ayoko siyang masaktan kaya please umalis ka na. Baka kung ano na iniisip non" - Deanna

"Mahal mo talaga siya?" Tanong ni Jema na tumayo narin

"Oo Jema. Mahal na mahal ko siya." Diing sagot ni Deanna

DeaVy Oneshot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon