WHO'S MOST LIKELY TO LAUGH DURING A SERIOUS MOMENT?
"Aybi gusto kita" Pag-amin ni Deanna sa kaibigan.
Magka video call sila ngayon. Ilang buwan narin silang nag-uusap ni Ivy. Hindi niya alam kung saan o paano at kailan nangyari. Basta nalang siya nahulog sa dalaga.
"Hindi ko alam kung paano o kailan pa. Pero gusto kita. Gusto kong kausap ka lagi kasi gustong kong marinig yung boses mo. Gusto kong nakikita ka lagi. Gusto kong masaya ka lagi. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka. Kapag umiiyak ka gusto kong yakapin ka. Gusto ko nasa tabi mo 'ko palagi. Gusto ko ako lang yung kausap mo. Gusto kong gustohin mo rin ako Aybi." pagpapatuloy ni Deanna.
Nakikinig lang naman ang dalaga sa kanya. Nakatitig ito sa cellphone.
"HAHAHAHAHAHAHA ate Deans ano yan? Nag pa practice ka bang umamin kay Carly? Eto naman saakin pa talaga. Ang pangit mo palang mag seryoso te ano bayan. Akala ko ba papi ka? HAHAHAHAHAHAHA" Pang-aasar ni Ivy sa kaibigan. tawa siya ng tawa. Binatukan naman siya ni Cal dahil sa kakatawa.
"Aray naman lavyah!" pagreklamo ni Ivy sabay himas sa ulo niya
"Nababaliw ka na ba? ang lakas ng tawa mo teh" Cal
"Eto kasing si ate Dea.... ay pinatay bayan" ipapakita sana niya kay Cal si Deanna pero pag tingin niya sa cellphone niya ay pinatay na ni Deanna ang call nila.
"Bakit ka ba kasi tumatawa? sabihin mo kaya para tumawa rin ako. nag mumukha kang baliw eh" saad pa ni Cal na ngayon ay binitawan ang hawak na cellphone at tumingin ka Ivy.
Nag message muna naman si Ivy kay Deanna bago niya lingunin si Cal at mag kwento.
To: Ate Deanns
Uy te! seryoso naman neto. ok naman yung sinabi mo. Kailan ka ba kasi aamin kay Carly? Pupunta ka ba sakanila? Make sure na sa personal mo sasabihin ha. minus 1 kapag hindi. bala ka ikaw rin. Sorry tinawanan kita huhu. Good luck!
Pagkatapos mag text ay binitawan niya ang cellphone at nag kwento kay Cal
"Eto kasing si Ate Deanna ang seryoso hahahaha bigla bigla nalang nag pa practise." Tumatawa parin niyan sabi.
"Anong practise?" nagtatakang tanong ni Cal
"Basta sabi niya 'mahal kita. di ko alam kung pano saan at kailan. Gusto kong masaya ka lagi. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka. Kapag umiiyak ka gusto kong yakapin ka.' mukhang natamaan talaga kay Carly. tapos yung huli 'Gusto kong gustohin mo rin ako ayb....'. wait " pag kikwento ng dalaga. natigilan siya nung narealise na hindi Carly ang pangalan na binabangit ni Deanna kundi pangalan niya.
"Oh bakit?" pagtataka ni Cal
"Lavyah ayoko mag feeling ha. Pero hindi Carly yung sinasabi niya kanina. Sabi niya 'Gusto kong gustohin mo rin ako Aybi.' mali ba ko ng dinig?" pag tatanong niya sa kaibigan
"Ay tanga. di ko alam lavyah kung tanga ka o feelingera." sagot ni Cal
"bat di mo kaya itext?" dagdag pa nito. bigla namang tumunog ang cellphone ni Ivy. may nag text.
![](https://img.wattpad.com/cover/324538720-288-k153925.jpg)
BINABASA MO ANG
DeaVy Oneshot stories
General FictionAng kwento ng pag kakaibigan na nauwi sa Pag-iibigan ni Deanna at Ivy. OneShots lang to ha wag kayo malito.