Isang araw, nung naglalakad ako sa isang daan patungo sa park, nakita ko siya.
Ang babaeng hinahangad ko.
Natulala ako mula sa kinakatayuan ko simula ng makita ko siya..
5"4 siguro yung height. Yung buhok ay mahaba at meron siyang bangs. Nakasalamin siya pero bagay naman yun sa itsura nya. Hindi siya mukang nerd. Mas bagay nga ata kung may salamin siya eh.
Dala dala nya yung books niya. Papunta siguro ng school? Siguro lang naman. ?
Pinagmasdan ko lang siya mula sa kinakatayuan ko. Mga 15 meters lang siguro yung layo ko sa kanya.
Grabe ang ganda nya.. Siya ang dream girl ko na hinahangad ko dati pa. Hindi ko inaakalang dito lang sa daanan ko siya makikita..
Gusto ko kausapin ngunit nahihiya ako.
"Aids, kausapin mo naman." Sabi ko sa sarili ko. Nauna parin ang hiya ko.
Habang pinagmamasdan ko siya, biglang nahulog yung mga libro na hawak hawak nya.
Tumakbo ako mula sa kinatatayuan ko at nilapitan ko siya. Tinulungan ko siya sa pagpupulot ng libro. Tumingin siya sakin sandali at ngumiti. Natuwa naman ako. Grabe, mas maganda pa pala siya kapag malapit siya. Ang bango bango niya rin..
Instantly, nagusutuhan ko siya. Hindi ko alam kung bakit, pero..Ay basta ewan.
Tumayo kami,dala ko mga libro nya. "Miss saan ba punta mo? Oras na ba ng klase mo?" Sabi ko sa kanya. "Ay kuya, wala pong pasok ngayon. Sabado eh." Ngumiti ulit siya. Ganda niya lalo kapag nakangiti.. "Pauwi na ako." Ani niya muli. "Ay Miss, hatid na kita. Ok lang ba sayo?" sinabi ko sa kanya.
"Haha, ikaw bahala." Nakatingin siya sa akin, nakangiti. Nakakatuwa talaga yung ngiti niya eh. Yung feeling na, nakita mo na yung langit dahil lang sa babae at sa kanyang ngiti.
Naglakad kami. Sinundan ko na lang siya. Hindi ko alam bahay nila eh! Haha. Oks na siguro yun diba? Pinagmasdan ko na lang siya. Ganda niya talaga mula ulo hanggang paa. Abot langit ang ngiti ko gawa niya.
Bigla siyang huminto. "Dito na ako kuya. Salamat ah." Sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako. Hinalikan niya ako sa pisngi. Nagulat ako! Na may halong kilig. Haha. Paali n asana ako ng maalala ko na hindi ko pa pala nahihingi pangalan niya.. "Ay Miss, ano nga pala pangalan mo?"
"Ay, haha. Ang pangalan ko ay.."
Bigla akong nagising sa aking napakagandang panaginip.. ARGH BADTRIP! >:(
