Chapter 2: I Didn't Notice Until now.

151 5 3
                                    

Siguro 5 chapters lang tong story na to. XD first story eh. haha. Hope you guys like it. parang nakakatamad kasi ang daming silent readers.:c sana naman ivote nyo naman din yung work ko. haha.

********************************************

Nanonood ako ng MYX Daily Top 10 sa channel 59.  Nahiga ako sandali habang nanood at nagtetext.

"Johnjay, may sasabihin ako sayo bukas."

*Sent*

*Ringtone* THIS IS.. a Text message.

*Opens*

"ok."

HAHAHAHA. Ang hirap talaga sagutin ng ganun eh noh? yung gusto mo magstart ng conversation through text tapos ang isasagot sayo ok lang o kaya haha. kakayamot. -.-

Nagpatuloy na lang ako sa panononood ng Daily Top 10.

nag magsisimula na yung pagkatapos ng Top 2, nakatulog ako. Gusto ko sana marinig yung Top 1, eh wala ako magagawa eh. Nakatulog ako. XD

Kasama ko na naman siya. yung Dream girl ko..

Nakain kami sa park. Picnic na siguro yun. Pinapanood namin yung mga tao na dumadaan sa harap namin at mga aso na nagtatakbuhan. Nagkekwentuhan na rin kami ng kung ano ano.

"Alam mo ba yung 500 Days of Summer?" Sabi ko sa kanya.

"Yup, maganda yung story plot nun. I mean, nag a-anuhan sila pero.. sasabihin ng babae friends lang sila? Pero mahal na mahal siya nung lalaki. Kawawa naman yung lalaki noh? 1 sided love."

Nganga ako sa sinabi nya eh. Tinanong ko lang naman kung alam nya yung movie na tinutukoy ko, bigla nya naman sinabi yung Summary ng buong movie.. Yaan mo na. Pagbigyan na. Maganda naman eh. XD

"Its this greeting cards, they are all the reasons for all the lies, pain.." padagdag nya.

Oo nga naman. May mga bagay na binibigay tayo sa mga taong espesyal sa atin na nagiging espesyal sa atin kasi binigay ito sa atin ng mga taong napakahalaga sa atin. Nagkakaroon tayo ng matinding sentimental value sa bagay na binibigay nila sa atin.

"Buti nga nakabawi yung lalaki sa ending eh. May nakita naman siyang iba. Sana hindi na siya lokohin nung sumunod na babae noh?" Sabi ko naman.

Ngumiti lang siya. Ang ganda ganda nya talaga kapag ngumingiti siya. Its like a glimpse of heaven,

I should say.

"Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkita? Nakakatawa ka nun eh. Tinatanong mo kung oras na ng klase namin eh sabado pa naman nun." Tumawa siya ng mahinhin.

Napahiya naman ako. Pinaalala pa talaga yun eh. "Yaan mu na. Minsan lang naman yun eh. Haha."

May kinukuha siya mula sa bag niya. Ano kaya yun?

"Uy uy, pikit ka." Sabi nya.

Pumikit ako. Ano kaya gagawin nya? Iiwan nya ako bigla? Sasampalin? anoo!!! Naeexcite na ako. XD

May sinuot siya sa leeg ko. Binuksan ko mga mata ko. Nakita ko sinuotan nya ako ng Couple's Necklace.. Pero.. Bakit? Hindi naman kami..

"Sinuot ko yan sayo para hindi mo ako makalimutan. Baka kasi balang araw baliwalain mo na lang ako kagaya ni Summer sa 500 days of Summer.. Wag mo tatanggalin yan ha? except na lang kapag maliligo ka. Haha." Niyakap niya ako.. Ang sarap ng feeling. Ang sarap ng feeling ng niyayakap..

May tumawag mula sa likod ko. "Tol."

Lumingon ako. Bumitaw siya sa pagkakayakap at yumakap nman sa braso ko.

"Nasa pwesto ka namin." Sabi ng isang lalaki na mukang siga na may kasama pang 3 na mukang siga. Kala mo naman kung sinong pogi na nagmamay-ari ng park. Sino siya para angkinin tong park?

Kinuha bigla nung siga yung babae na kasama ko.

"Umalis ka na bata at sa amin na tong babae na to.Hehehe.." Sabay demonyong ngiti nung 4 na siga.

Nabadtrip ako. Inaatake na rin ako ng pagkademonyo ko.

"Ano bata? nasobrahan ka na sa takot at napatayo ka na lang diyan? HAHAHAHAHA."

Nanlisik ang mga mata ko dun sa lalaki, Bigla kong sinapak yung siga sa muka. Kinuha ko yung babae na kasama ko(Syempre yung dream girl ko yun xD). Binuhat ko siya bigla sabay TAKBOOOOOOOOOO.

Ganito pala yung feeling na hinahabol ka ng mga siga na may kasamang babae na nakasakay sa likod mo. Parang itinakas mo lang yung prinsesa sa kanyang malaprisintong nakakabagot na kastila na gusto makita ang totoong mundo.

Habang natakbo kami, naisip ko eto na yung oras para tanungin yung pangalan nya.

"Miss ano nga pala pangalan mo?"

"Diba nasabi ko na dati? Uulitin ko pa ba?"

"Eh.." Napaisip ako. Nasabi nya nga ba talaga? Ay bahala na. Gawa na lang ako ng excuse. "may Short term memory lost ako eh." HAHAHAHAHAHA. Ewan ko na lang kung tatalab yan.

"Ay oo nga pala. Haha. Ang pangalan ko ay Ma-----"

Nakaramdam ako ng may napalo sa paa ko. " HOY GISING! "

Napatayo ako sa pagkakahiga ko sa kama. Napatingin ako kay nanay na natatawa sa hindi ko alam na dahilan.

"Ang likot likot mo matulog talaga kahit kelan. Hahaha. kala ko napano ka na eh."

"Ah ah naman nanay, ganda ganda na ng panaginip ko eh. Bigla mo naman ako ginising!"

"sorry naman. Eh ang likot mo kasi eh. Kala ko tuloy kung napano ka."

Tumingin ako sa TV. Myx Daily Top 10 Parin. Top 1 Song, Pangarap Lang Kita-Parokya Ni Edgar. Kakatapos lang. Pinapatamaan ba talaga ako ng Myx na to? XD Hay nako. nakakainis.Bakit eto pa talaga naging Top 1 eh. Pero nakakapagtaka noh? Bakit kaya kapag malalaman ko na yung pangalan nya saka ako nagigising? Naatat tuloy ako malaman pangalan nya.

Nicheck ko cellphone ko. Nagbasa ako ng mga GM. Nakita ko sa dulo ng GM ni Kyla: #God's Plan.

Siguro plano ng Diyos 'tong lahat. Plano nya siguro na hindi pa siguro oras para malaman ang pangalan nya. Hindi pa siguro time para malaman kung sino ba talaga siya. oh well. God, kung sinusulat mo na talaga ang Love story ko, sana maganda kalalabasan nito ha?

************************************

SHARE.VOTE. XD

Ewan ko lang parang di ko feel na maganda tong part na 'to.

Kayo na bahala :) PLEASE NO SILENT READERS! XD MAGVOTE NAMAN KAYO. HAHA.

Thanks sa supporters. :)

Pangarap Lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon