September 26, 2016

3 1 0
                                    

ALA-ALA

Sa lupa na ika'y huling nakasama,
ako'y nangungulila sa iyong presensya,
tumulo ang luha, pinikit ang mata,
dito bumalik ang mga ala-ala.

Mga labing nakangiting masaya,
nasa harap ko siya ay kumakanta,
pagbukas ng mga mata wala ka na—
kung nasaan ka man, nawa'y masaya ka.

Ako'y naglakad patungo sa kawalan,
binibitawan na ang mga pinapasan,
paalis sa lupang kinasusuklaman—
pangako, mga ala-ala ay kakalimutan.

SPECIALSWhere stories live. Discover now