Chapter 1

5 0 0
                                    

  

Isang panibagong umaga nanaman para kaya Klay Marie Ruiz isang dalagang masayahin, mapag bigay, maunawain at mapag mahal sa kanyang mga kaibigan at sa taong minamahal nya binibigay nito ang lahat lahat dahil mas maganda ng ibigay ang lahat at least alam mong sa sarili mong hindi ka nag kulang. Halos araw araw nito ginagawa mag luto ng agahan, maligo, kakain, mag-aayos at papasok ng trabaho kung baga dito nalang umiikot ang mundo nito. Nakatihaya ito sa kanyang higaan habang nakatingin sa kisame na akala mo ay nag uusap ang mga ito at may sariling mundo, napabalik na lamang sya kanyang ulirat ng tumunog ang kanyang cellphone. Nakita nito ang pangalan ni Aly, isang kaibigan na nakilala nya sa kanyang trabahong pinapasukan mabait at may tama sa ulo at agad naman nitong sinagot ito.

"Hello?"

"Hello Klay good morning!, salamat at gising kana nag almusal ka na ba?" Masiglang bati nito sa kaibigan

"Hindi pa, bakit?"

"Buti naman makikikain kasi ako hehe, may naluto kana ba?"

Napakunot naman ang noo nito sa tanong ng kanyang kaibigan.

"Ay wow, Girl ako pa talaga tinanong mo nyan? Alam mo namang umaalis ako ng bahay na walang laman ang tyan ko." Narinig nito ang bungisngis sa kabilang linya

"Hehehe ito naman nag babasakali lang naman ako, o sya cge na mag aayos na ko kitakits nalang maya ingat sila sayo byeeeee."

  Nag simula na itong kumilos ng narinig nya na binaba na ng kanyang kaibigan ang linya, nag simula itong ayusin ang kanyang higaan, maligo, mag ayos hindi na ito nag blower dahil matutuyo naman ito sa byahe patungo sa kanyang pinapasukan. Nang tumingin ito sa kanyang relo medyo maaga pa para sa kanyang shift, sumakay na ito ng jeep at pag kababa nito dumaan muna sya sa isang convenient store  para bumili ng kanyang almusal tutal meron pa naman syang 30mins para kumain.

   Isa itong barista sa isang coffee shop, dahil noon palang gustong gusto na nya ang gantong klaseng trabaho at masaya sya dito. Kaya noong sinubukan nyang mag apply laking tuwa nya ng makapasa ito, since nakapag tapos ito ng dalawang taong kurso ng HRM mahigit isang taon na din itong nag tatrabaho dito.

Habang nag pupunas ito sa counter nilapitan ito ng isa sa mga katrabaho nito.

    
  "Oi Klay sama ka samin maya inuman kila Dan libre nya daw Alfonso, ano gora ka? Cge na minsan lang manlibre yun sinapian ata ng isang galanteng ispiritu kaya yun nag aya, kala nga namin ibang Dan yung kausap namin kanina." Pag aaya ng katrabaho nitong si Miles.

  "Naku pasenya na pass ako dyan, di na kasi ako umiinom ngayon tinigil ko na kasi yan bad sya sa health alam ko."

Napangiwi si Miles sa sinabi nitong si Klea, di na rin naman nakakapag taka kung ganoon ang sabihin nito dahil dati pa pahirapan ito sa pag kumbinsi sa kanyang sumama sa inuman. Napatingin na lamang sila sa kanilang gilid ng maramdaman nila ang presenya ng isang binatilyo na papalapit sa kanila.

"Good morning po Sir Louie." Sabay na bati ng dalawa dito.

"Good morning, in 5mins mag open na tayo Miles pakisabihan nalang yung iba."

"Ok po sir."

Agad naman itong umalis ng counter at sinabihan ang iba na nasa labas at nag pupunas ng salamin na bintana. Ganito araw araw ang gawain nila pero masaya pa din sila, kahit  minsan ay ngarag sila pag madaming customer lalo na pag weekend. Inienjoy lang nila ang kanilang ginagawa.

Walang Forever Periodt Where stories live. Discover now