Matapos ang isang buong araw na pag tatrabaho dumiretso na ito ng uwi sa kanyang tinutuluyang apartment ng kanyang Tita, pinatira sya dito ng libre sayang naman daw kasi kung walang tatao. Kaya laking pasasalamat nya dito dahil ang kanyang iintindihin lamang na bayarin ay ang kuryente, tubig at kakainin sa araw-araw. Pag dating nya dito ay naupo muna sya saglit at tinignan ang phone nakita nya na may txt si Aly sa kanya at si 8080 agad nya itong binuksan at binasa.
" Malapit nang matapos ang iyong EasySURF 99, Ka-TM, sa 2022-11-09, 20:28:15. Para tuluy-tuloy ang GV, mag-register sa EasySURF 99 na may 2GB pang-internet, 14GB app freebies (2GB/day), at unli texts to all networks ...."
Nang mabasa nya ito isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.
"Buti ka pa lagi mo kong pinapaalalahanan, yaan mo bukas mag loload ulit ako inatake nanaman kasi ako ng katamaran ko, sorry 8080 kung hindi ako makakapag register sayo mamaya. Wag kang mag alala loyal ako di kita ipag papalit sa ibang network, may iba kasi na hindi loyal hindi makontento nag hahanap pa ng iba tss."
Agad itong tumayo at nilapag ang phone sa center table na hindi man lang binasa ang mensahe ng kayang kaibigan, dahil alam nyang pipilitin lang itong pumunta sa bahay ni Dan para sumali sa inuman session ng mga ito. Nag simula na itong mag luto ng kakainin nito para sa hapunan, pag katapos nun ay naligo na ito at kumain.
Kinaumagahan ... Pag kacheck nito sa kayang phone ay nanlaki ang mata nito at napabangon sa kanyang higaan.
Aly 15 missed calls
Miles 8 missed calls
Dan 5 missed calls
Arya 5 missed calls
Hanz 10 missed calls
Matt 4 missed calls"Anong trip ng mga to???." Kunot noo nitong tanong sa kanyang sarili.
Dahil maaga naman itong nagising ay namumog muna ito at nag hilamos bago lumabas at pumunta sa katapat nitong tindahan. Nang makabalik ito sa kanyang apartment agad itong nag register ng pantawag at tska tinawagan ang walang hiyang kaibigan nito. Naka ilang ring lang at sinagot na nito ang tawag.
"Hello...." Maririnig mo dito ang walang gana at antok na antok pang boses nito.
"Hello Aly ! anong trip nyo tinatawagan nyo ko kagabi." Tanong nito sa kaibigan
"Mmmm?? Sino ba to....??" Antok na boses na tanong nito sa kabilang linya
"Si Klay to!"
"Mmmm.. bakit friend....?? Aga aga init nanaman ng ulo mo." Napahikab ito matapos nitong tanungin ang kaibigan kung bakit ito napatawag.
" Ano bang trip nyo kagabe at halos lahat kayong nasa inuman e tinawagan ako, muntikan ng malowbat ang cp ko pano kung malowbat yun at di ko narinig yung alarm ??!." Saad nito sa kabilang linya
"Mmmmn .. e di yun tulog ka pa din." Sagot nito aa kaibigan na antok na antok pa din
"Oo! At malamang malalate ako, ewan ko sayo Aly nakakaloka kayo ."
"Pero maaga ka naman nagising kaya hindi ka malalate nyan friend, galing nga eh di ka man lang nagising sa tawag namin .. uhmmn tulog muna ako ulit antok pa ko eh byeeeee."
Napabuntong hininga na lamang dito at napailing, nag desisyon na lamang ito mag luto nang agahan dahil napaka aga nitong nagising hindi na din naman ito makatulog sa nangyari.
YOU ARE READING
Walang Forever Periodt
Chick-LitIsang babaeng napaka ampalaya sa pag ibig at hindi naniniwala na mayroong forever. Forever na kaya ang paniniwala nya dito? paano kung may isang taong mag patunay sa kanya na totoo ang forever?? mag babago kaya ang pananaw nya sa pag ibig? hmmmn...