PART 3

1 0 0
                                    

SUNSHINE AFTER THE RAIN 

(CHAPTER 3)

DIANNA POV 

Pagkatapos akong sinimangutan ni Frida ay  nagtawag na ito ng waiter. Nag-order kami ng pasta and orange juice.

Pagkaalis ng waiter, hinarap agad ako nito.

"So, Kamusta? anong balita?" tanong nito. "Wala ka pa rin nobyo?"

Ako naman ang sumimangot dahil sa naging tanong nito. Nagkita ba kami ng kaibigan kong ito para kamustahin ako  o intrigahin lang lovelife ko.

Inismiran ko siya. "Frida, anong klaseng tanong 'yan? Siyempre wala at wala akong balak magkaroon sa ngayon."

"Bakit wala?"

"Dahil ayoko." deretsong sagot ko na.

Napaiiling si Frida. Bakit ba kasi ito pa ang namomroblema sa love life ko.

"Best, bente otso ka na, malapit na mawala sa kalendaryo ang edad mo. Kailangan mo din ng makakatuwang sa buhay ah."

"Darating at darating yung lalaking para sakin, hindi lang ngayon." nasabi ko na lang para tumigil na ito sa pangungulit.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga." prangkang sabi nito. "Hirap ka na buksan ang sarili mo sa mga lalake."

Alam ko na kung saan patungo ang usapan namin ito, iyon ay ang tungkol sa nangyari sa mga magulang ko.

Dahil sa nangyari sa relasyon ng mga magulang ko, naging mahirap sakin ang magtiwala sa salitang pag-ibig. 

Naging hirap sakin ang magtiwala sa sarili ko sa darating na panahon, gaya ng ina ko na nagising na lang isang araw na hindi na niya mahal ang ama ko.

"Ang dami naman nanliligaw sayo. Pero ni reject mo lang." patuloy pa nito.

Oo, maraming nanligaw sakin mula nung college ako pero tinatanggihan ko lang.

"Kung ano man yung iniisip mo, hindi lang iyon ang dahilan." 

dumating na ang waiter at nilapag sa lamesa namin ang mga pagkain in-order namin saka na ito pagkatapos ng ginagawa.

"Kailangan pa ako nina lola at papa. Lalo na ngayon may problemang dumating." sumakit na naman ang ulo ko nang maalala ang problema na kinakaharap namin ngayon.

Dahil alam kong hindi ako nito titigilan ng babaeng ito at may dugong marites ay kinuwento ko na sa kanya habang kinakain namin ang in order na pagkain. Para gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Sorry, Best." anito pagkatapos ko magkwentp. "Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung paano."

nginitian ko siya, pinapahiwatiig na ayos lang sakin. "Ano ka ba, alam ko naman iyon. Ang makinig ka sa mga problema ko at naka suporta sa akin ay sapat na."

Mag-isa na lang kasi ito sa buhay at marami rin problemang kinakaharap.

ngumiti rin si Frida sakin at hinawakan ang mga palad ko.

"Malalampasan niyo rin yan, ipanalangin natin na may darating na solusyon para lutasin ang problemang 'yan."

***** 

Pagkatapos namin kumain ni Frida sa coffee shop, kalahating oras pa kami nag-kwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay namjn nang magpasya na kaming umuwi.

Inalok niya ako na siya na lang maghahatid sakin sa bahay namin dahil may kotse naman ito. pero nagpa-deretso na lang ako sa bakery namin dahil tutulungan ko pa si Lola Salome sa mga dapat i-prepare na baking ingridients bago isara ang bake shop.

"Nandito na tayo." ani Frida at pinatay ang makina ng kanyang kotse. 

"Salamat sa paghatid sakin." pasasalamat ko pero nagtataka ako kung bakit nito pinatay ang makina ng kotse.

"Mamaya na ako uuwi, kakamustahin ko lang si Lola." anito nang mapansin ang pagtataka ko. Lola rin ang tawag nito kay Lola Salome dahil kilala na nila ang isa't isa. "Saka gusto ko matikman ang mga gawa ni Lola."

Lumabas kaming dalawa sa kotse at sabay na naglakad papunta sa shop na ilan lakad lang ang layo mula sa kung saan kami nagparada. Nakita ko si Loisa na pinupunasan ang mga estante na wala ng gaaanong tinapay. 

Si Loisa ay ang all around assistant namin sa shop. Isa itong lalake na may pusong babae. Kalbo ito pero kilos babae. Maasahan namin ito sa trabaho namin sa shop.

"Ma'am Dianna." tuwang-tuwa na tawag nito sa akin at huminto sa ginagawa. Napatingin ito sa kasama kong si Frida. "Ay Madam, kaunti na lang po ang bake products namin, buns at loaf bread na lang po available."

Akala siguro nito na customer si Frjda.

Bago pa magsalita sj Frida, siya na ang sumagot.

Sunshine after the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon