PART 4

1 0 0
                                    

SUNSHINE AFTER THE RAIN 

CHAPTER 4 

DIANNA POV 

Bago pa magsalita si Frida, ay ako na ang sumagot. 

"Loisa, kaibigan ko 'yan, kasama ko siyang dumating." sabi ko.

"Ganoon, po ba. Sorry, akala ko customer eh."

"Si Lola Salome?" tanong ko.

"Nasa loob, nagkukwenta na ng kinita namin ngayon araw."  sagot nito.

Hinarap ko si Frida na abala sa pagse-cellphone. "Tara, nasa loob si Lola Salome. Siguradong matutuwa iyon kapag nakita ka." hinarap ko ulit si Loisa. "Loisa, ikaw na muna bahala rito ah." paalam ko.

Pumasok kami sa loob ng shop at dumaretso sa kitchen. Siguradong doon namin makikita si Lola Salome dahil doon naman ito palagi.

Nadatnan nga namin si Lola na abala at seryoso sa pagbibilang ng pera habang soot nito ang salamin pang mata.

"Lola," tawag pansin ko.

Agad naman itong tumingin sa akin at napangiti. Mas lalong lumawak ang ngjti nito nang makita nito ang kasama ko.

Lumapit kaming dalawa ni Frida at nagmano bilang tanda ng paggalang.

"Frida, mabuti at napadalaw ka." masayang pahayag ni Lola. 

Inakbayan ni Frjda si Lola. "Na-miss ko po kasi kayo, matagal tagal na rin nung huli ako nakadalaw rito. At saka gusto ko rin tikman ang kape po ninyo at gawang tinapay." lambing nito.

natawa naman si Lola Salome. Parang apo na rin kasi ang turing niya kay Frida.

**** 

Nakaupo kami sa upuan ng lamesa na nasa kitchen. Hinihintay si Lola Salome na matapos ang pagtitimpla niya ng kape.

Nang makita kong bubuhatin na nito ang tray na may dalang apat na tasa ng kape ay agad akong lumapit sa pinaroroonan niya. 

"Lola, ako na po 'dyan." prisinta ko at binuhat na ang tray.

"Sige, kukuha lang ako ng doughnut at cookies. Alam kong may natira pa at nakatago lang sa food storage." anito at umalis para kumuha ng makakain namin.

Ako naman ay sa lamesa dumiretso at nilapag ang mga tasa.

"Galing na tayo sa coffee shop kanina, hindi pa tayo nagkape." sabi ko na maalala na galing na kami ng coffee shop at dito pa sa bakery naisipan magkape. Sabagay masarap naman magtimpla ng kape si Lola Salome.

"Ayos lang iyon para makalibre naman ako." pabirong sagot ni Frida 

Kinuha namin ang kanya kanyang tasa at sinimulan higupin ang mainit na kape.

Nakabalik na si Lola Salome at nilapag sa harapan namin ang mga cookies at doughnut na lalong sumarap dahil nakumpleto na ang pagkakape namin.

"Frida, kain lang na kain." ani Lola na tuwang tuwa talaga kay Frida.  "Sulitin mo ang pagkain at matagal na naman bago ka pa makapasyal ulit dito." 

"Salamat Lola Salome, ang sarap talaga ng mga tinapay niyo." puri nj Frida habang ngumunguya ng doughnut at dahan-dahan uminom ng mainit na kape. "At ang kape po ninyo, walang pinagbago."

"Siyempre, bata pa lang ako iyan na ang pagtimpla ko ng kape, kaya habang tumatagal, sumasarap ang tinitimpla ko." pagmamalaki ni Lola.

"Parang wine lang no, Lola." sabat ko. "Habang tumatagal lalong sumasarap."

"Maligayang bati, mga magagandang binibini."  malakas na sabi ng boses na iyon na galing kay Loisa.

Naagaw ang atensiyon namin sa bagong dating na si Loisa. Nakasampay sa balikat nito ang towellete na gjnawa na namin basahan na pinampupunas sa tindahan at timba na may laman tubig. Mukhang pagod na ito pero ang taas ng energy.

"O Nariyan ka na pala, halika at samahan mo kami magkape." yaya ni Lola kay Loisa.

"Opo Madam." sagot nito. Madam ang tawag nito kay Lola dahil technjcally, si Lola ang boss nito. 

Tinabi nito ang mga gamit panglinis at dinaluhan kami sa lamesa. Agad itong uminom ng kape.

"Madam, in fairness, nakakawala ng pagod itong kape mo ah." komento nito pagkatapos.

Natawa si Lola Salome.

"Kamusta ang maghapon mo?" pangangamusta ko. Hindi ko siya nakamusta kanina dahil binati namin ni Frida muna si Lola. At saka baka maistorbo namin siya sa tarabo nito.

"Eto, pagoda ang beauty, pero ayos lang kasi may bonus ako." ani Loisa at kunwa'y hinawi ang invisible nitong buhok.

"Sa susunod na buwan ko na ibibigay bonus mo, o kaya sa pasko." ani Lola.

Nawala ang ngiti sa labi ni Loisa. Nagtataka ako kung bakit gagawin iyon ni Lola.

"Madam, huwag naman po kayong ganyan. Kailangan iyon ng pamilya ko sa probinsiya." ani Loisa na nawalan ng sigla.

Sunshine after the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon