PART 5

3 0 0
                                    

Inirapan lang ito ni Lola Salome.

"Bakit naman po Lola?" Takang tanong ko. "Deserve naman po ni Loisa ang bonus niya, at saka baka kailangan talaga niya ng pera." sabi ko pa.

"Madam, makinig po kayo sa apo niyo." singit ni Loisa.

"Wala naman akong sinabi na hindi ko ibibigay ah, ang sabi ko nga baka sa susunod na buwan." depensa ni Lola. Mukhang buo ang desisyon nito na sa gusto nitong araw ibigay ang bonus ni Loisa.  "Para makasigurado ako na sa tama talaga gagastusin yong pera."

At sinabi na nga nito ang dahilan, lihim nitong nalaman na may sinusustentuhan na lalake si Loisa.

"Pero Lola, pera na po niya iyon. Wala na tayong habol doon." ani Frida na may punto naman.

"Kahit na, kaya ko nga siya tinanggap dito sa shop ko dahil alam ko na tutulungan niya pamilya niya. Pero kung sa luho lang ng lalake niya mapupunta iyong pinaghirapan niya, mas maiging maghanap na lang siya ng panibagong trabaho."

"Madam, kailangan ko talaga ng pera ngayon, saka wala lang talaga trabaho ang bebu ko kaya binibigyan ko siya. May pera pa naman ako na magagamit. Hindi lahat ng pera ko ay napupunta sa kanya." pagdadahilan ni Loisa. "Wala rin akong mahanap na trabaho na tatanggap sakin kung paalisin niyo ako dito."

"Lola, hayaan na natin si Loisa sa gustong gawin niya sa pera niya." Sabi ko. Alam kong nag-aala lang ito kaya ganito ang reaksiyon nito.

***** 

Nasa labas na kami ng bakery shop, tapos na ang kwentuhan namin sa loob. Nagpasya na rin si Frida na umuwi na.

"Loisa, siguraduhin mong naka lock ang mga pinto at bintana." bilin ko kay Loisa. Nakayuko ito at malungkot. Ako na rin ang nagsabi kasi hindi na ito kinausap ni Lola Salome dahil sa nangyari.

Tumango ito sakin bilang pag sagot na gagawin nito ang ibinilin ko.

Stay-in kasi ito, para hindi na ito mangupahan. Imbes na ipadala sa pamilyang nasa probinsiya ay ipambabayad pa nito sa upa.

"Lola, Dianna, Mauna na po ako. May trabaho pa kasi ako bukas." ani Frida. Nagpapaalam.

"Eto, dalhin mo na ito para may almusal ka bukas." sabi naman ni Lola at binigay ang naka paper bag na cookies at doughnut.

Binalot pala nito kanina nang kumuha ito ng kakainin namin.

Masayang Tinanggap ni Frida ang bigay ni Lola.

"Salamat po dito Lola," masayang sabi nito. "Hayaan niyo, madalas ako papasyal rito at bibili."

"Aasahan ko 'yan." nakangjting sabi ni Lola.

"Ingat sa pagmamaneho ah." bilin ko.

Tumango ito. "Mauna na ako, uwi na rin kayo agad at magpahinga." hinarap nito si Loisa. "Loisa, mauna na ako." alanganin paalam nito sa malungkot at nakalabing si Loisa.

Sumenyas itong sasakay na ng kotse kaya tumango na lang kami.

Nang makasakay ito ay agad nitong binuhay ang makina ng kotse. Binusinahan pa kami bago nito pinaandar iyon papalayo.

Hinarap kong muli si Loisa. "Ang bilin ko, huwag mo kalimutan." 

"Opo, Ma'am." walang energy na sagot nito.

"Tara na Lola," yaya ko kay Lola.

Inangkla ko ang braso ko sa kanya. Sinulyapan nito si Loisa at inirapan.

"Tara na, Lola. Hayaan na muna natin si Loisa." 

Nagpatianod naman ang matanda sa akin. Nagsimula na kaming maglakad pauwi sa bahay nila na limang blocks lang ang layo mula sa bakery.

Dahil matanda ang kasama ko, mabagal lang kami naglalakad.

"Lola, hayaan na natin kung saan masaya si Loisa. Hindi naman niya yata papabayaan ang pamilya niya dahil sa jowa niya ngayon." sabi ko. Nangangatwiran.

Dalawang bloke na lang ang layo mula sa bahay namin nang sumagot si Lola. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Dianna, apo. Nag-aalala lang naman ako sa kanya. Baka sa sobrang pagmamahal niya ay wala ng matirang pagmamahal para sa sarili niya." ani Lola Salome na may punto naman.

"Gaya ng papa mo." patuloy nito. "ng dahil sa sobrang pagmamahal sa mama mo, pinagbigyan niya ito sa kagustuhan na makipaghiwalay. Kahit na alam kong tutol ang papa mo at nakiusap na ayusin ang pamilya niyo."

Ako naman ang natahimik. Bata pa lang kasi ako nang maghiwalay ang mga magulang ko. Mula noon si Lola Salome na ang tumayong ina ko.

Sa tuwing tinatanong ko si Papa kung bakit naghiwalay sila ni mama, ang sagot nito ay hindi niya magawang pasayahin si mama.

Hindi ako sinama nj mama sa bagong buhay na tinahak niya dahil mas magiging mabuti ang kalagayan ko sa poder ng ama ko. 

Sa bagong buhay nito, nahanap nito ang bagong pag ibig at nagkaroon pa ako ng kapatid.

Imbes na magalit o malungkot sa sinapit ng relasyon nilang dalawa, mas pinili ko na lang maging masaya para maayos na ipagpatuloy ang buhay.

Nakatira ang ina ko sa palawan at madalas kami magpalitan ng mensahe sa messanger.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunshine after the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon