CHAPTER 13

5.6K 147 5
                                    

HINDI pa rin makapaniwala si Zach na may nakatayong mansyon sa islang ito. Binuksan ni Zam ang pintuan ng mansyon at nauna siyang pumasok.

Tahimik niyang pinagmamasdan ang loob ng mansyon nang biglang may sumalubong sa kaniyang isang matanda sa pagtatansya niya nasa mid 60s na ang edad nito.

Nakatingin ang matanda sa dalagang nasa kaniyang bisig. "Hijo, anong nangyari kay MG?" alala nitong tanong.

'Wait MG?' Zach was confused akala niya, Angel ang pangalan ng dalaga dahil panay tawag ni Zam na Angel sa dalaga.

Ano ba talaga ang pangalan ng dalaga?

"She fall asleep," alanganin niyang sagot dahil 'di niya alam kung ano ang ipapalusot niya sa matanda. Hindi naman pweding sabihin niya na nahimatay ang dalaga dahil baka mas lalo itong mag-aalala.

Nawala ang pag-aalala nito sa mukha, bumuntong hininga ang matanda bago ito nagsalita, "Oh, siya ihatid mo na si MG sa kwarto hijo."

Akmang hahakbang na sana ang binata nang biglang nagsalita si Nanay Cecilia, "Diyos ko! Bakit may dugo ang damit mo hijo?!"

Sasagot na sana siyang nang maunahan siya ni Zam. "Nanghuli po kasi kami ng isda kanina Nanay Cecilia." 'Anong naghuli ng isda anong konek no'n sa dugo na nasa damit ko? Ang galing 'din magpalusot ng isang to.'

Akala niya 'di maniniwala doon ang matanda kasi naman anong konek no'n? Baka matakot pa ang matanda.
"Diyos ko! Bakit dalawang hijo ang nakikita ko?" namamanghang nitong sabi habang pabaling-baling ang tingin nito sa kanilang dalawa.

"He's my twin brother, Nanay Cecilia. His name is Zach," kalmadong pagpapaliwanag ni Zam.

"Magkamukhang-magkamukha kayong dalawa para akong nalilito kung sino sa inyo si Zam." Namamangha itong nakatingin sa kanilang dalawa kaya kiming ngumiti si Zach.

"Oh, siya ihatid mo muna si MG sa kwarto niya hijo," utos nito habang nakatingin sa binata.

"I don't know where's her room."
Humarap si Nanay Cecilia kay Zam bago nagsalita, "Ikaw na ang magturo sa kaniya Zam. Alam mo naman nahihirapan na ako mag akyat baba ng hagdan." Nagpaalam na si Nanay Cecilia sa kanila upang magluluto ng hapunan.

Umakyat na sila ikalawang palapag dahil nandoon ang kwarto ng dalaga. Huminto sila sa kulay pink na pinto at sa tingin ng binata ito na ang kwarto ng dalaga.

"Is this her room?"

"Yes." Binuksan ni Zam ang pinto at siya ang naunang pumasok. Pagkapasok nila sabay silang napamura dahil sa amoy na nanunuot sa kanilang ilong.

They were now addicted to her scent.
Maingat na inihiga ni Zach ang dalaga sa kama nito at saka inilibot ang mata sa loob ng kwarto ng dalaga. Halos lahat ng gamit at furniture ng dalaga ay kulay pink, sa tingin niya paboritong kulay ng dalaga ay pink.

Nabalik ang tingin niya sa dalaga sumilay ang ngiti niya sa labi ng makitang mahimbing itong natutulog.
'She's cute.'

Hinalikan ni Zach sa noo ang dalaga bago niya hinarap ang kakambal niyang nakasandal sa nakasaradong pinto habang tahimik itong pinagmamasdan siya.

Zach sign before he speak, "We need to talk Zam."

"Yeah. Let's go to the library," Zam said with a serious tone.

Mafias' Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon