Chapter 2

2 0 0
                                    

Dahil pinagtawanan lang si Bella nung magbabarkada ay tumakbo nalang siya ulit.


Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makarating siya sa kanyang inuupahang apartment.


Bago siya pumasok ay nagmasid muna siya sa paligid. Nagpalingon-lingon siya at sinisugarado niya kung nasundan pa ba siya nung lalaking humahabol sa kanya.


Matapos magmasid ay huminga siya ng malalim. Para siyang nabunutan ng tinik dahil nailigaw niya ang killer. Hindi siya nasundan nito.


Humihingal na siya ngayong naglalakad patungo sa lobby ng apartment.


Ang inuupahang apartment nina Bella at Taimaya ay may tatlong palapag. At bawat palapag may iilan ding units at sa bawat unit ay may pamilyang nakatira. May mga guro at saka iilan ding mga estudyante.



Nang makapasok na si Bella sa lobby ng apartment ay parang may naramdaman siyang kakaiba. Nagtataka siya kasi kadalasan, kapag ganoong oras ay medyo maingay-ingay pa ang mga units ng apartment.


Pero ngayon ay parang wala siyang naririnig na kahit isang ingay. Tanging ang tunog lang ng kanyang hakbang ang naririnig niya.


Hindi nalang niya pinansin ang katahimikan at nagpatuloy siyang maglakad. Ang tanging gusto niya lang ngayon ay maka-pasok na sa kanilang unit. Batid niya na mas-safe duon.


Binilisan niya ang kanyang mga hakbang papunta sa ikatlong palapag hanggang makarating na siya sa harap ng kanilang unit ni Tamaiya.


Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at nagbabasakaling bukas ito at nauna ng maka-uwi si Tamaiya sa kanya. At hindi siya nagkamali. Hindi naka-lock ang pinto.


Hindi niya muna binuksan ang pinto dahil parang may nararamdam siyang kakaiba. Sumilip muna siya sa gilid ng pinto.


Laking gulat niya ng makita niya ang kanyang Ina.


Nakatali ito sa may upuan at duguan ang mukha nito.


Sisigaw na sana siya pero walang boses na lumabas sa bibig niya. Marahil ito sa sobrang takot at pagtataka.


Pagtataka kung bakit napunta ang Ina niya sa apartment nila. At kung sino ang nagtali nito sa kanya.


Natauhan ulit si Bella ng biglang sumigaw ang Ina niya.


"Tumakbo ka na. Papatayin ka niya!" sigaw nito. Pagkatapos ay nakita ni Bella na ang lalaking humahabol sa kanya ay nandun sa kanyang unit at tumatakbo na ito ngayon papunta sa kanya.


Hindi niya nakita ng lubusan ang mukha ng lalaki pero kitang-kita niya ang damit na isinuot nito.


Walang sinayang na segundo si Bella. Sinunod niya ang sabi ng kanyang Ina. Dali-dali siyang tumakbo pababa ng apartment. Tumakbo siya hanggang sa makarating siya sa ground floor.


Mabilis na tumakbo si Bella palabas ng lobby ng may biglang isang matulis na bagay ang tumusuk sa likod niya.


Nakaramdam siya ng hapdi at natumba siya.


Hinawakan ng lalaki ang buhok niya at hinila ito.


Walang ibang nagawa si Bella kundi ang magmaka-awa.


"Tama na po. W-wala po akong kasalanan s-sa inyo." nauutal niyang sabi habang umiiyak.


Biglang hinawakan ng lalaki ang pisngi ni Bella at pinahid niya ang mga luha nito.


Parang nakaramdam si Bella ng pag-asa dahil sa ginawa ng lalaki sa kanya.


Pero ang pag-asang ito ay naglaho ng parang bula.



Pagkatapos punasan ng lalaki ang luha ni Bella ay bigla nitong kinuha ang patalim nito at isinaksak sa tiyan ni Bella.



Nanghihina na si Bella dahil napakaraming dugo ang tumagas sa likod at sa tiyan niya.



Nagdilim na ang paningin niya at hindi na niya naramdaman ang ginawa ng lalaki pagkatapos.



Hindi na niya naramdam ang pambubogbog na ginawa ng lalaki nung nawala na ang kanyang malay.


"Tulong!!! Tulungan nyo ako." pasigaw na sabi ni Bella.


"Huwag nyo po akong papatayin." dagdag nito na parang nagmamaka-awa at takot na takot.


Nakatayo lamang si Tamaiya sa harap niya at parang nakakaramdam ng kaunting awa sa kaibigan.

NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon