Chapter 3

7 0 0
                                    

Alas sais na ngayon ng umaga at abalang-abala si Tamaiya sa paghahanda ng pang-almusal nila ni Bella.


Habang nag-aayos na si Tamaiya ng mga plato sa mesa ay nagulat siya ng biglang sumigaw ng napakalakas si Bella. Nanghihingi ng tulong at takot na takot.


Napa-iling na lamang si Tamaiya at pansamantalang tumigil sa ginagawa niya at pinuntahan si Bella sa kanyang kwarto.


Nang makarating na siya sa kwarto ni Bella ay biglang huminto ito sa pagsigaw.


Napa-iling ulit si Tamaiya at pinagmasdan ang kanyang kaibigan na nakaka-awa tingnan.



Nagulat naman siya ng sumigaw ulit si Bella at parang nanginginig ang katawan nito.



Dahan-dahang lumapit si Tamaiya sa kaibigan at tiningnan ang kaibigan habang sumisigaw at naka-isip siya ng magandang ideya.


"Hoyy Bella!!!" sigaw niya sa kaibigan habang nakapikit at sabay bitiw ng napakalakas na sampal sa kaibigan.



Nagulat si Bella sa ginawa ni Tamaiya at tuluyan ng nagising.


"Ano ba Tamaiya!!!" Bakit mo ba ako sinampal?? Gaga ka ahh." pagalit na tanong ni Bella sa kaibigan.


Umatras ng kaunti si Tamaiya at baka mabugbug siya ng kaibigan. Ang sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.


"Nahh, best. As if naman today ko lang yan ginawa sayo?" sagot niya kay Bella.


"Ang ingay mo kaya. And FYI ha, I'm so busy sa kusina at ang lakas ng sigaw mo. Baka akalain ng mga tao dyan na pinatay kita. Eh di naging instant killer ako? Kaloka ka." dagdag pa ni Tamaiya at naglakad na pabalik sa kusina. Sumunod naman sa kanya si Bella na parang natauhan na sa mga nangyari.


"Kahit na. Pwede namang ginising ng gentle diba? Sampal talaga? At ang lakas nun ahh." pabiro nitong sabi. Hindi naman siya galit sa kaibigan dahil mukhang nasanay na siya na sampal ang panggising sa kanya ni Tamaiya.


"Hayy nako friend. Dapat talaga sampal. Kasi yun daw ang mabisang pang-alis ng bangungot. Eh kung hindi ko yun ginawa edi deads kana." rason niya at iniligay na niya ang kanyang mga niluto sa mesa.


"So anong bago best? Huwag mong sabihin yun parin ang panaginip mo? Killer and whatever?" dagdag ni Tamaiya.


"Hayy nako. You're very right my friend. The plot, story line, at higit sa lahat ang cinematography ng panaginip ko ay ganun parin. Walang iba." sagot niya sabay tayo at kumuha ng towel sa kanyang kwarto.


"Ewan ko nga. Nalilito na talaga ako. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga yun noh?" dagdag pa ni Bella.


"Ewan ko din. Basta ang alam ko ay gutom ako. At hali ka na rito. After kumain ay maligo kana kasi mala-late na naman tayo."


" Wow, sarap ng niluto mo ahh. Nakakasira to ng diet." sabi ni Bella at pili kinakalimutan ang nangyari sa panaginip niya. Balik sa normal na ulit ang mood niya.


Ganun ang set-up nga magkaka-ibigan araw-araw. Halos mag-isang buwan ng dinadalaw si Bella ng kanyang pabalik-balik na panaginip at halos isang buwan na ring ganun ang pang-gising sa kanya ni Tamaiya. Ang tanging hiling ni Bella sa mga oras na iyon ay sana hindi na siya sumpungin ng nakakatakot na panaginip na iyon.


"Alam mo best, masarap naman talaga akong maluto. Pero lets go back sa walang hiya mong nightmare. Ganito kasi yan..." sabi ni Tamaiya at naglagay ulit ng pagkain sa kanyang plato.


"... sabi nila, ang panaginip ay kabaliktaran ng mga mangyayari sa buhay mo. Example, nanaginip ako na boyfriend ko si Timothy, ang meaning nun ay hindi totoo kasi jowa mo yun eh."


"Si Timothy talaga ang example??? Kaloka ka friend ahh." nakangiting sabi ni Bella.


"Okay wait." tumayo si Tamaiya at pumanta sa kwarto nito at may kinuhang papel sa kanyang bag. at bumalik agad sa mesa.


"Okay ito ang real. Mga scenes ito at mga keywords na galing talaga sa panaginip mo." sabi nito kay Bella.


"May ganyan ka talaga? Feeling detective teh?" pabirong sabi nito kay Tamaiya na sa kasalukuyan ay abalang-abala sa pagbabasa mga nakasulat sa papel.


"Of course. Huwag kang maingay. Oh ito. In your case, pinagsasaksak ka sa dream mo. May killer na boy diba? Ang meaning nun, walang killer at walang masasaksak. Okay? Then end ng argument. So 'wag ka nang magpaka-praning dyan sa panaginip na yan." sabi ni Tamaiya at tumayo na at inilagay ang kanilang pinagkainan sa sink.


"At kung ako sayo, magmadali kana sa pagligo. Dahil mala-late na tayo. Mag 1-2-3 dobe ka nalang sa shower. Mamaya mo nalang ituloy ang pagtanggal ng libag mo." Pasigaw nito kay Bella na kasalukuyang tumatakbo papuntang banyo.


"Magmamadali na po Nanay!!!" pasigaw na sagot ni Bella na nasa loob na ng banyo.


"Nanay talaga? Mas mukhang kang Nanay best." sabi naman ni Tamaiya na naghuhugas na ng pinggan na pinagkainan nila.


Habang nasa banyo si Bella ay inisip niya ang mga pangyayari sa panaginip niya.


"Siguro tama si Tamaiya. Kabaliktaran ang panaginip. Kung ano ang mangyayari dun ay baliktad sa totoong buhay." sabi niya sa sarili.


Pero kahit pilit niyang paniwalan na kabaliktaran ang panaginip sa totoong buhay ay ito naman ang nagbibigay sa kanya ng matinding pangamba.


"Kung totoo ang sinabi ni Tamaiya na baliktad ang mangyayari ay mas lalo akong matatakot."


"Kahit sinaksak ako at binugbog ay hindi ako namatay sa panaginip ko."


"Ang ibig sabihin ba nun ay mamamatay ako sa totoong buhay?" bulong niya sa sarili.



Sa sobrang kaka-isip niya sa panaginip niya ay bigla siyang nagulat ng may biglang kumatok sa pintuan ng banyo.



"Tamaiya? Patapos na ako." sigaw niya sa kumakatok.




Pero walang sumagot sa kanya.

NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon