CHAPTER 19

20.2K 688 54
                                    

AUDRESYNE

Walang tao sa loob ng kulungan maliban kay Zarcaen. Mabilis akong lumapit sa rehas at nang makitang may malaking padlock iyon, inilabas ko ang aking baril at pinaputukan ito dahilan nang pagkasira.

Agad akong pumasok sa loob ng rehas at nilapitan si Zarcaen. Tinapik ko ang kaniyang pisngi upang gisingin siya.

"Hey, Zarcaen!" Wala itong response. 

Gamit ang punyal ay sinira ko ang kadenang nakatali sa magkabilaan niyang kamay. Halos mawalan kami ng balanse nang dumagan sa akin ang kaniyang bigat. 

Damn it!

Nahirapan akong saluhin siya dahil sa malahigante ng kaniyang katawan. Inihiga ko muna siya sa sahig. Binuksan ko ang zipper ng ilalim ng leather jacket ko at may kinuhang tableta. Ipinasok ko sa kaniyang bibig ang tableta. It is actually a pain killer. I always bring with me these tablets whenever I have a mission, and I'm thankful na nadala ko ito sa mundong ng Taylorynth. 

Sa dami ng sugat ni Zarcaen, alam kong hindi lang latigo ang pinaramdam ng mga gago sa kaniya. Kailangang pamanhirin ko muna ang kaniyang sugat para kapag nagkamalay ito ay hindi niya mararamdaman ang hapdi. Sinira ko ang kaniyang kapa at pinunit. Ito ang ginamit ko upang ipangtakip sa kaniyang dumudugong sugat.

"Zarcaen! Zarcaen! Come on!" tinatapik-takip ko ang kaniyang pisngi para magising ito. Hindi ko siya kayang buhatin, one-half lang ata ang katawan ko kompara sa laki niya. Wala akong lakas upang kargahin ang buong kabigatan niya for pate's sake! Mas kakayanin ko pa kung may malay ito dahil aalalayan ko lang siya. 

"F-fuck..."

Hind ako nabigo sa paggising sa kaniya. Dahan-dahang nagmulat ang kaniyang mata. His weak cerulean eyes met mine. 

"A-audresyne...?"

"Come on. Kaya mo bang tumayo? We have to hurry," I said to him. 

He blinked but when he realized something ilang ulit ito muling nagmura. "W-what the hell are you doing here?" 

Kahit nanghihina ay pilit nitong tumatayo. Agad ko naman siyang inilalayan. 

"A queen shouldn't let her king leave in his almost lifeless state," seryoso kong wika. 

Umika itong tumayo kaya isinabit ko sa ang kaniyang braso sa balikat ko. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

 I looked at him. "What? We have to move now, Zarcaen!" 

"You mentioned the word 'queen'. Does that mean you already accepted my request?"

I rolled my eyes angrily looked at him. "Mag-usap tayo mamaya. Our priority at this moment is to get out of this hell."

Tumango lang ito at hinayaan akong alalayan siya. Nanghihina pa rin siya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya. 

Pagkalabas namin sa silid ay nakita ko ang dalawang kalaban na kawal na sumisigaw.

"Nilulusob tayo!"

Nang makita nila kami ay agad silang sumugod.

Inilagay ko muna si Zarcaen sa aking likuran na ikinakunot ng kaniyang noo. "Huwag kang gagalaw at magreklamo," utos ko dito nang maramdaman ang pagkaalerto nito at parang gusto pang siya ang makipaglaban samantalang siya na nga itong puruhan. 

She Is  Zarcaen's (Queen Quadrilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon