"Olivia! New delivery, eto address." utos sakin ng manager ko. Inabot niya sakin yung piraso ng papel kung sa'n nakasulat yung pagdadalhan ko ng pagkain.Tumango ako at kinuha yung paperbag na may lamang pagkain. I went outside the fast food chain and placed the bag inside the box. Kinuha ko ang helmet na nakapatong sa upuan ng motor at sinuot 'to. Binasa ko yung address at napataas ang kilay sa nabasa.
"Bosque de Bibiloni.." paguulit ko pa sa nabasa ko.
Bosque de Bibiloni? The forest of Immortal Beings? Why would someone from there order in our chain? Is this a prank? The fuck..
Nahahati sa dalawang siyudad ang lugar namin. Siyudad para sa tao at ang isa naman ay siyudad para sa mga immortal.
Llompart City, ciudad ng mga tao. Dito ako pinanganak at lumaki. Bata pa lang ako ay sinasabi na sakin nila mama na hindi naman daw talaga masasama ang mga imortal na nakatira sa Ciudad de Bibiloni. Wag ko raw kamuhian ang mga taga-don. I always wonder why they would say that? Bakit hangang-hanga sila sa lugar na 'yon, ngunit habang tumatagal ang panahon dumadami ang cases ng nawawalang tao? At ang pinapakitang leads ng pulisya ay mga bampira at taong lobo ang kumakain at pumapatay sa kanila?
Sabi pa nila ay may tumapak lang sa border na naghihiwalay sa dalawang ciudad ay papatayin ka nila agad.
Delivering this food in that place is a suicide for others. Pero I somehow want to go there to witness kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo. Does humans talk shit about them and they are good creatures? Or masasama talaga sila?
Makalipas ang isa't kalahating oras ay nakarating na 'ko sa border na naghahati sa dalawang ciudad. I parked my motorcycle and got off it. Hinubad ko ang helmet kong suot at nilibot ang paningin sa paligid.
9:30 am akong umalis sa branch namin at 11 am palang ngayon pero kumulimlim ang langit. Sobrang tahimik lang sa gubat at rinig yung pag-ihip ng hangin. The forest looks scary and it looks like somebody's watching me behind those tall pine trees. What if biglang may tumalong wolf sakin ngayon para lapain ako? Nagsitayuan ang balahibo ko sa naisip.
Calm down, Olivia... You just need to find the customer and get their payment.
I exhaled deeply and pulled my phone out of my pocket. Kinuha ko yung papel kung saan nakasulat yung address, kasama yung number ng customer. Tinipa ko yung numero at tinawagan 'to. Nakailang tawag na ko pero out of reach yung number.
Is this really a scam order? Kaltas na naman 'to sa sahod ko! I shouldn't have went here! Baka vampire or kaya wolf ang nagplace ng order para makain nila 'ko.
Shit. Nagiipon pa naman ako para sa anniversary nila mama at papa. Pero baka hindi celebration ang maganap kundi lamay ko.
I dialed the number once again, umaasa na may sumagot sa pagkakataong 'to. And that moment, I heard a loud sound inside of the forest. Ume-echo yung tunog ng cellphone sa buong lugar dahil sa sobrang tahimik.
There, andon yung customer mo, Olivia. Now go give it to them.
I tried cheering myself. Lumunok ako ng laway dahil nanunuyo na ang lalamunan ko sa kaba. Inayos ko yung pagkakalagay ng helmet sa motor at kinuha yung paper bag mula sa box. Nagsimula na kong maglakad papasok sa gubat.
Naniniwala ako kay mama at papa na di sila masasamang creatures. Siguro kung totoo ang usap-usapan kanina pa 'ko namatay diba? But I'm still alive!
Sa sobrang tahimik ng gubat ay rinig ko na yung pag-pagaspas ng pakpak ng mga ibon. May natapakan akong tuyong sanga ng puno kaya napatalon ako sa gulat. Shit! Babawasan ko na talaga ang paginom ng kape.
The forest was peaceful, the pine trees were so tall and the grass were so green in color. Ang titingkad ng kulay ng mga halaman and it made me calm somehow. I really love nature.
Tinawagan kong muli yung numero para siguraduhin kung nasa tamang path pa ba 'ko. Napangiti ako dahil narinig ko yung tunog ng phone malapit sakin. Dumiretso ako ng lakad at sinundan lang ang tunog.
Nakita ko na may umiilaw sa likod ng mataas na talahib.
Ayan na siya, sa wakas!
Tumakbo ako palapit dito at hinawi yung talahib. Nanlaki ang mata ko sa nakita, halos mawalan ako ng balanse pero nanatali akong nakatayo. Muntik na 'ko mapatili pero buti ay hindi ko ginawa. Baka makakuha pa ng atensyon.
I saw a scarecrow. A scary one.
May suot siyang sira-sirang damit at nakapaloob dito yung phone na kanina ko pa tinatawagan. There were blood all over it. And by the looks of it, parang sariwa pa ang mga dugo at kakapahid lang nito. What's this? Is this animal blood? or human? The smile of the scarecrow made me shiver.
Ramdam ko ang panunuyo ng labi ko.
That's it. I am leaving.
Binitawan ko yung paperbag sa gilid ng scarecrow at tumalikod na. Naalala ko pa naman yung dinaanan ko kanina kaya't makakauwi ako agad. Naglakad takbo ako papunta sa daan na pinang-galingan ko kanina.
I don't care anymore. Ikaltas na nila sa sahod ko 'yon, makauwi lang ako.
Habang tumatakbo ako ay ramdam ko ang pagihip ng hangin. Kumulimlim pa lalo kahit 11:45 am palang. This place is really weird, and creepy.
Nangangati na yung hita ko dahil sa mga damo na nagsisitusukan sakin pero di 'ko na magawang kamutin pa. Feeling ko ay may tuwang tuwa na nanunuod sakin ngayon.
Ilang minuto na kong tumatakbo pero mukhang bumabalik lang sa kung san ako nanggaling kanina. Humarap ako kung nasan yung scarecrow pati na yung pagkaing iniwan ko sa gilid nito.
I'm dead, fucking dead.
BINABASA MO ANG
In the Vampire's Grasp
FantasyOlivia was lost deep in the forest. Upon walking the forest, she saw the mansion in the middle of the woods. She met a vampire named Facundo and he even let her stay in his mansion even tho she trespassed. Was the vampire really nice or there's a de...