Cinco

10 5 6
                                    

Nagising ako na mataas ang araw sa labas which was very unusual for me. Parati ako maaga nagigising dahil ala-syete ang pasok ko sa kainan. 5 am ako nagigising at naghahanda papasok sa trabaho ng halos dalawang oras. Mabagal akong kumilos sa umaga kahit noong pumapasok pa ko sa school.

Tiningala ko ang 'di pamilyar na kisame. Nasa mansion nga pala ako ng bampira. Niyakap ko ang unan na katabi ko at tumagilid ng higa. Selena was still sleeping and I don't want to wake her up. 

Sana dumating na si Gil ngayon, I need to come home.

Biglang gumising si Selena, ang maganda niyang mata ay bumungad sakin.

"Meow?" 

"Good morning, Selena!" masigla kong bati sakaniya. Hindi ako natakot mapag-isa dito kagabi dahil magdamag niya 'kong tinabihan. Kahit na mukhang ayaw sakin ng ibang katulong ay buti nandito si Selena. She made me feel safe and comfortable here in the mansion.

Tumayo at nagunat si Selena kaya napangiti ako. Napaka-cute niya talaga.

Bumangon na 'ko sa kama at nagunat na rin. Tumingin ako sa standing clock na nakapwesto sa gilid ng side drawers. It is already 9 am in the morning. Sumilip ako sa bintana at nakita ang araw sa labas. Tirik na tirik ang araw pero panigurado mamaya ay makulimlim na naman. 

Napaisip tuloy ako kung natutunaw kaya ang bampira sa araw? Ganon sa mga palabas diba.

Iniwan ko si Selena at lumakad papunta sa banyo. Naghilamos ako at nagmumog saka naglakad na palabas ng cr. Nakita ko si Selena na nakatayo sa harap ng pinto, tila hinihintay niya kong pagbuksan ko yon.

"Gutom ka na 'no? Tara almusal na tayo." 

"Meow," naglakad na ko palapit sa pinto at binuksan 'yon. 

"Good morning," muntik na 'kong mapatalon nang may magsalita sa harap ko. Tiningala ko kung sino 'yon at nakita na nakatayo sa harap ko ang Senyor. Facundo looks back at me. His voice was deeper than usual, medyo paos pa 'yon. Mukhang kakagising niya lang din dahil gulo gulo pa ang buhok niya. He was wearing shorts and sando. Napansin ko agad ang matitipuno niyang balikat at braso.

Nagpeke ako ng ubo. Jusko po, I'm checking him out again.

"G-good morning," medyo nautal ko pang bati pabalik. Ngumiti ako sakaniya dahil sa hiya, mukhang napansin na naman niya ang pagtitig ko nang matagal sa kaniya.

Nagkamot siya ng batok. "Breakfast?" 
parang nahihiya niya pang tanong.

Tumango ako, "u-uhm, sure!" sakto ay nagugutom ako, masarap magkape at magsinangag ngayong umaga.

We started walking our way to the dining room. Sinundan ko ng lakad si Facundo habang katabi niya si Selena maglakad. They were glancing with each other from time to time. Si Facundo ay nakakunot ang noo habang nakalingon kay Selena. It looks like they're beefing with each other.

"Meow," parang inismiran niya si Facundo.

"Tsk."

Nakarating kami sa dining room. Naamoy ko kaagad ang masarap na mga pagkain. I saw the long table filled with different foods. Parang may handaan na naman sa dami.

Siguro ay normal lang 'to para sakanila dahil mayaman naman ang Senyor.

Facundo sat on the designed chair. Sa lahat ng upuan ay 'yon ang kakaiba. May gold ang upuan at may kataasan ang sandalan nito. It almost looks like a throne.

He glances at me. "Sit," sabi niya kaya naupo ako sa upuan na nakapuwesto malapit sakaniya.

Facundo starts eating kaya't kumain na rin ako. The maid also served wet cat food for Selena. Kumakain siya malapit samin ni Facundo.

"How was your sleep?" Facundo asked. Napalingon naman ako sakaniya at nilunok ang pagkain bago magsalita.

"It was fine... binantayan nga 'ko ni Selena eh. She's a really nice cat," nakita ko na nilingon niya si Selena.

"Good to know," sabi ni Facundo kahit na mukhang hindi naman natutuwa na binantayan ako ni Selena kagabi.

Tahimik lang kami na kumakain. Walang katulong na umistorbo sa pagkain naming tatlo. Sana ay nakapag-almusal na rin sila, pati na si manang Feli.

Nilingon ko si Facundo. Pinanuod ko na gumalaw ang panga niya sa pag-nguya ng pagkain. The movement of his adam's apple also amuses me.

Humangin kaya hinangin ang kurtina na nakaharang sa bintana. May nakalusot na sinag ng araw at tumama 'yon sa balat ni Facundo.

Medyo kinabahan nga ako don dahil akala ko matutunaw siya sa araw pero hindi. Patuloy parin siya sa pagkain. Mukhang hindi naman sila natutunaw sa araw.

"Is there something on my face? You've been staring at my face for a while now, Olivia," this is the first time that I heard my name coming out from his mouth. Parang gumanda ata ang pangalan ko nung binanggit niya.

"I-I'm sorry. Tinitignan ko kasi kung matutunaw ka sa araw. Yung mga napapanuod ko kasing movies ay natutunaw ang mga bampira sa araw. Hindi pala," I heard him chuckled because of my answer. Napanguso tuloy ako, nagsasabi naman ako ng totoo ah!

"That's not true, Olivia. In fact, vampires are almost same as humans. Ang kinaibahan lang ay mayron kaming kalakasan sainyo. We also have different abilities. Umiinom din kami ng dugo habang kayo ay hindi."

"Anong parehas eh ang dami nga nating pinagkaiba... wala nga kaming kakaibang abilidad tulad niyo at 'di kami umiinom ng dugo," bigla nalang 'yon dumaplis palabas ng bibig ko. Narinig ko siyang natawa kaya nahiya ako bigla. Minsan talaga ay 'di ko napipigilan ang kadaldalan ng bibig ko.

"What I mean is, kaya rin naming mamuhay tulad ng mga tao. We can live under the sun and live peacefully," binitawan niya nag kubyertos at uminom ng tubig. "Tho may mga imortal na masasama talaga ang loob. Pero karamihan dito sa Bibiloni ay mabubuti naman ang loob," pahabol niya pa.

He stares at me. Pinapanuod ang bawat reaksyon ko.

"Buti sa mabuting loob... katulad mo ako napunta," sabi ko.

Totoo naman 'yon. Nagpapasalamat talaga ako na sa mansion niya ako naligaw at hindi sa iba.

"Pa'no mo nasabi na may mabuting loob ako?" nakangiti siya sakin, tila natutuwa sa sagot ko. Napayuko ako.

"K-Kasi pinatuloy at pinakain mo ako dito sa mansion mo..." nilalaro ko pa yung bacon sa plate ko habang nagsasalita.

"What if hinahayaan lang kita mabuhay ngayon pero ang totoo ay naghihintay lang ako ng tamang panahon para kainin ka?" napaangat tuloy ako ng tingin sa kaniya. What is he saying? Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya!

Pero naniniwala ako na mabuti siyang bampira. I know that he has pure intention to me.

"Tse, 'wag mo nga ko pag-overthink-in," nasabi ko nalang.

Natawa siya lalo sa sinabi ko. 'Tamo tong bampira na 'to, pinagtitripan ako.

"I'm just kidding."

"Meow!" sumingit pa si Selena, parang pagalit pa ang tono niya.

Tinapos ko ang pagkain saka uminom ng tubig. Sakto ang pagdating ng isang katulong. Nag-bow ito sa harap ng Senyor bago nagsalita.

"May bisita po kayo."

Uminom muli ng tubig ang Senyor bago nilingon ang katulong.

"Who is it?" tanong niya dito.

"Si Senyor Deacon po."

In the Vampire's GraspTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon