Naglakad ako pabalik sa mansion pagkatapos ng nangyare kanina. Facundo left me after introducing himself. Bigla na naman siyang naglaho.I opened the mansion's door and saw manang Feli waiting for me. She smiled at me warmly. "Ihahatid kita sa kwarto mo," sabi niya kaya't sinundan ko siya nang magsimula siyang maglakad.
Umakyat kami papunta sa ikalawang palapag ng mansion. Nandito yata yung kwarto na gagamitin ko.
Facundo's really nice to me. Kahit na nagtangka ako na tumakas ay binalaan niya ko na delikado sa labas. Ngayon ay pinapa-stay niya pa 'ko dito.
Pero hanggang kailan ako mags-stay dito? Kailan ba dadating si Gil? Facundo can bring me to the borders pero mukhang wala siyang balak gawin 'yon. Ang magagawa ko nalang talaga ay maghintay.
Sa paglalakad namin sa pasilyo ay nakasalubong namin ni manang yung dalawang katulong na naguusap kanina sa kusina. Nakita ko na may kalmot sila sa iba't ibang parte ng katawan. The two of them saw me and they quickly walked away. They look scared.
Anong nangyare sa kanila? Inatake ba sila ng lobo o ng kung ano?
Nilingon ko si manang at magtatanong sana kung anong nangyare sa dalawa pero nagsalita siya bigla.
"Gumawa sila ng mali kaya't pinarusahan sila. Tama lang sa kanila 'yon," sabi ni manang Feli na parang nabasa ang isip ko.
Parusa? Ano namang ginawa nila? Ang Senyor kaya ang gumawa 'non?
Isinintabi ko nalang ang mga tanong sa utak ko.
Huminto si manang Feli sa harap ng isang wooden door. Humarap siya sa akin. "Dito ka muna magpahinga. 'Wag kang mahiya na gamitin ang mga bagay sa loob. Tawagin mo nalang kami kung may kailangan ka."
Nagpasalamat ako sa matanda bago siya umalis. Binuksan ko ang pinto saka pumasok sa loob. Nakabukas na ang mga chandelier at namangha ako sa nakita. The walls were painted into cinnamon brown and cream colors. Ang sahig naman ay may kulay puno. Ang ganda sa mata ng mga kulay, isama mo pa yung kulay ng mga furniture. The ambiance feels warm and relaxing. Everything here looks like an art. Ang ganda.
Naglakad ako papunta sa queen size bed. Mukhang plantsado pa ang bedsheet, sobrang ayos din ng mga unan. The room smells like lavender. Nahiya tuloy ako dahil wala pa 'kong ligo. Siguro ay amoy pawis na ko dahil sa pagtakbo ko kanina sa gubat. Naamoy kaya ako nila manang? Eh si Facundo?
Sabi pa naman nila ay malakas ang pang-amoy ng mga bampira. Baka naamoy nila ko!
Nakakahiya!
I glanced at the wardrobe placed beside the wall. Sabi ni manang ay huwag daw akong mahiya na gamitin ang mga gamit dito. That means I can shower and use some clothes here right? Lumakad ako papunta sa magarbong aparador at binuksan 'yon. The wardrobe was full of girl's clothing. Iba't ibang dress, tshirts, palda ang laman nito. Sobrang dami at sari-sari pa ang kulay. Kanino 'to?
Sa kapatid ni Facundo? o baka sa nobya niya?
Are they really sure that I could wear these? Baka magalit ang kapatid o kaya naman ang girlfriend ni Facundo!
Naagaw ng atensyon ko yung isang dress na nakasabit. Hinawi ko yung ibang dress para makita ko 'to nang maayos. It is a long sleeves celtic dress. Kulay puti at pula ang kulay at mukhang mamahalin ang tela. Pag sinuot ay hapit sa bandang tiyan at makikita ang kurba ng katawan. Hanggang talampakan din ang haba nito. It looks gorgeous, I want to wear it.
Pwede ko naman siguro sukatin lang, 'di ba? Ibabalik ko rin naman pagkatapos!
Sa huli ay kumuha ako ng plain tshirt at shorts. Hinila ko ang drawer at nakita ang mga undies 'don. Kumuha ako at napansin na parang brandnew pa ata 'tong mga 'to.
Naglakad na ako papunta sa banyo. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang malinis na palikuran. Parang bathroom sa hotels. Sobrang linis, kumikintab pa ang mga tiles.
The bathroom essentials were brand new too. Hindi pa nga nabubuksan yung bote ng shampoo at body soap. It looks like they really prepared this room for me.
Charot, baka feelingera lang ako.
I closed the door before removing my clothes. Naglakad ako papunta sa harap ng shower at binuksan ang tubig. Tumingala ako. The water was warm and it felt relaxing.
Kailan kaya ako makakauwi? Baka biglang umuwi sila mama at papa sa bahay. Magaalala ang mga 'yon dahil wala ako. Si Sarah kaya? Sana ay hindi na siya pumunta pa sa borders. Mapapahamak lang siya at baka madamay pa. Panigurado ay nagaalala sakin ng sobra 'yon.
Naglakad ako palabas ng banyo pagtapos maligo. Sa loob na ko ng banyo nagbihis kaya't nagpapatuyo nalang ako ng buhok ngayon. I sat on the bed while drying my hair. I suddenly felt a heavy presence on the window. Nilingon ko ang bintana at nakitang bukas 'yon. Humangin lang pero wala namang kung ano don. Tumayo ako para isara ang bintana.
Parang may nanunuod sakin. Pero baka guni guni ko na naman.
Bumalik ako sa kama at naupo. What'll happen tomorrow? Tinuturing nila kong bisita dito kahit na mukhang hindi ako welcome sa ibang katulong. Siguro ay tutulong nalang ako sa gawaing bahay. 'Di rin naman ako mapapakali kung wala akong gagawin.
Nakarinig ako ng maliit na 'meow' mula sa labas ng pinto ko. Madali akong tumayo para buksan ang pinto. Nakita ko si Selena na naghihintay na pagbuksan ko ng pinto.
"Hello!"
"Meow!" she answered.
"Matutulog na 'ko eh, gusto mo tumabi sakin?" tanong ko sakaniya. Natutulad na 'ko kay Facundo, kumakausap na rin ako ng pusa.
"Meow!" sagot niya sakin at nauna pang pumasok ng kwarto. Natatawa kong sinara yung pinto. Ang cute talaga ni Selena.
Pinanuod ko siyang tumalon sa kama. She sat on the bed while looking at me. It looks like she's waiting for me to sit beside her. Naglakad ako palapit sakaniya at pinet ang ulo niya. She closed her eyes and purred loudly.
"Nasan ang amo mo? Ayaw mo sakaniya tumabi?" I'm opening a conversation with this cute cat.
"Meow..meow," I giggled, parang sinasagot niya talaga yung tanong ko.
"Ah, ganon ba? Oh sige. Tabihan mo muna ako dito dahil natatakot ako mag isa. Ang laki kasi ng kwarto eh."
Medyo natatakot talaga ako dito sa kwarto. Malaki kasi tapos parang may nanunuod pa sakin kanina. Sa bahay namin ay kaya ko pang mapag-isa. Maliit lang naman ang bahay namin.
Humiga ako sa kama at tumabi naman siya sakin. I hugged her, but not too tight. "Goodnight, Selena.." I mumbled before falling asleep.
BINABASA MO ANG
In the Vampire's Grasp
FantasyOlivia was lost deep in the forest. Upon walking the forest, she saw the mansion in the middle of the woods. She met a vampire named Facundo and he even let her stay in his mansion even tho she trespassed. Was the vampire really nice or there's a de...